Ikalabing Apat na Kabanata

966 30 0
                                    

"Caleila! Bumaba ka! Ang Papa mo at si Zeus!" Nanlaki ang mga mata ko nang bumugad sa dahon ng kuwarto ko si Mama. Napatayo ako at napatakbo pababa ng bahay kasama siya.

Lumabas kami ng gate at bumugad sa amin si Zeus na nakasalampak sa harapang daan ng bahay namin. Samantalang, nasa harapan nito ang galit na si Papa. Lumapit ako kay Papa.

"Pa..." Hinawakan ko ang braso niya.

Gusto kong maiyak sa itsura ni Zeus. Puno na ng pasa ang mukha niya.

"Pumasok ka sa loob, Caleila Naveen..." May tigas sa boses ni Papa.

"T-tito...p-please... Let me talk to Caleila..." May pagmamakaawa sa boses ni Zeus.

"Punyeta ka! Pinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko. Nangako kang di mo siya sasaktan pero nakikipaghalikan ka pala sa ibang babae. Pasensiyahan na lang tayo, Mr. Yuchengco at patawarin sana ako ng Diyos dahil kapag hindi ka pa umalis baka mapatay na kita!" Buong buhay ko ngayon ko lang nakita si Papa na ganito kagalit.

"I'm sorry po Tito pero kahit patayin niyo pa po ako hindi ako aalis rito hangga't di ko nakakausap ang anak niyo." Bumaling ang paningin ni Zeus sa akin.

"Gago ka pala, eh!" Akmang susugurin siya ni Papa ulit nang pigilan namin siya ni Mama.

"Bitawan niyo ako. Papatayin ko na ang gagong 'to!" Pagwawala niya.

Basa na ng luha ang pisngi ko. Napatingin ako kay Zeus.

"Zeus... Umalis kana..." May pagmamakaawa sa boses ko.

Umiling siya. "No... Please... Let's talk, Caleila."

Gusto ko ring kausapin si Zeus... Nasasaktan na ako sa nangyayari sa amin. Narealize ko na hindi ko pala kayang makipaglaro sa kanya. Sarili ko lang ang nasasaktan ko.

"Pasok sa loob, Caleila!" Utos ni Papa. Bumaling ang paningin ko sa kanya. Bago pa ako makasagot, hinila na niya ako papasok ng gate namin.

"Pa!" Patuloy ang agos ng mga luha ko.

"Hindi mo siya kakausapin, Caleila! Dito ka lang!" Papa said bago ako iniwan sa sala. Naramdaman ko ang pagyakap ni Mama sa akin.

"Ma... I want to talk to him." Hirap na saad ko kay Mama.

"Alam ko, anak pero hindi muna ngayon." Hinaplos ni Mama ang buhok ko bago ako yakapin.

Inakay ako ni Mama papunta sa kuwarto. Nang makalabas siya, siya naming ring ng cellphone ko.

Night calling....

Pinatay ko ang tawag ni Night. Ayoko siyang kausapin. Not now.

Wala pang isang minuto, nagring na naman ang cellphone ko. Akala ko si Night ang tumatawag kaya akma ko na sana yung papatayin nang mabasa ko sa LCD na hindi pala siya.

Mickey calling...

Nakatingin lamang ako sa LCD habang tinitignang nagriring ang cellphone ko. Namamanhid ang mga kamay ko. Natapos ang unang tawag ni Zeus ngunit tumawag na naman siya at sa pagkakataong ito, nanginginig ang mga kamay kong inabot ang cellphone.

"H-hello..." Pati boses ko nanginginig.

"C-Caleila..." Animoy pagod at hirap na sagot ni Zeus.

"Z-Zeus... A-are you okay?" Bumuhos na naman ang mga luha ko. Parang pinipiga ang puso ko habang naririnig ang boses niyang naghihirap.

"I-im not alright, Caleila... H-hindi ako magiging okay hangga't wala ka sa tabi ko. I miss you, Minnie..."

Hindi ako nakasagot. Napapikit ako. Gusto kong namnamin ang boses ni Zeus. I miss him,too... So much...

Is This Love?Where stories live. Discover now