Ikatlong Kabanata

1.4K 36 4
                                    

Lunch

"Ano 'to?" Nakakunot ang noo ni Zeus, ang official boyfriend ko habang tinitignan ang pagkaing pinaghirapan ko. Well, hindi ko alam kung pagkain ba talagang matatawag iyon. Nilagay ko sa baunan ang hilaw at sunog na kanin matching sunog fried chicken at wasak na egg. Naisipan ko siyang ipagluto dahil naisip ko ang kasabihang 'The way to a man's heart is through his stomach'. Lecheng kasabihang 'yan!

"Tss! Ewan ko sayo! Kung ayaw mong kainin, h'wag ka ng magcomment. Dugot pawis ang ipinuhunan ko rito noh!" Akmang itatago ko na ang baunan nang hilahin niya 'yon.

Kasalukuyan kaming nasa pinakatuktok ng building ng business management nang sa ganoon walang makakita sa amin. Lunch time na kaya wala pang klase.

"Wala akong sinabing hindi ko kakainin. Nagtanong lang ako kung ano'ng pagkain 'yan." Napaawang ang labi ko nang nagsimula na siyang kumain.

"Hindi ba obvious? Eh di pagkain! Psh!" Hindi niya pinansin ang hirit ko at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa.

Hays! Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko ang leader ng sikat na Devils. Parang ang bilis kasi. Kahapon lang kami nagkakilala at hindi pa maganda ang una naming pagkikita. Well, hindi rin naman ako makapaniwala nang alukin niya akong maging girlfriend niya. Sa una, ayokong pumayag. It's dangerous, he's dangerous pero naisip ko walang magagawa ng takot ko kung di ko susubukan. Maaaring oras na talaga na sumagal ako para sa pangarap ko. But I told him na secret ang relasyon namin. Ayokong paulanan ng hatemails ng mga fans niya.

"Okay lang ba?" Kinakabahan kong tanong.

He looked at me. Walang ekspresyon ang mukha niya. Inoffer niya sa akin ang kutsara na gamit nito. Susubuan niya ako pero napalayo naman ako.

"Wala akong virus. Wag kang mag-alala" Aniya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at kumuha ng kutsara ko. Napailing na lamang siya.

Nag-alamukhasim ang mukha ko nang matikman ang pagkaing niluto ko."Letsugas! Ang pangit ng lasa! Ba't mo kinakain?! Kainis ka!" Sigaw ko na animo'y masusuka na sa lasa. Akmang aagawin ko na ang pagkain pero nilayo niya iyon sa akin.

"Hoy, Yuchengco! Ibigay mo yan! Baka magkasakit ka at patayin ako ng mga fans mo!" Sigaw ko ulit sa kanya.

"Kakainin ko 'to!" Sagot niya. "Pinaghirapan mo 'to kaya kakainin ko!" Dagdag niya na nagpatigil sa akin.









"Zeus, mga kaibigan ko. Sina Mimah, Pearl, Shana at Timmy. Girls, si Zeus..." Huminga muna ako ng malalim. "Boyfriend ko". Laglag ang panga ng apat na bestfriends ko. Pinapunta ko sila rito kung saan kami kumain ni Zeus.

"Hi, girls! Masaya akong makilala ang mga taong importante sa buhay ng girlfriend ko." Bati ni Zeus sa apat na babae. Hindi ako makapaniwala sa komportableng boses niya sa pagsasabing girlfriend niya ako. Heller lang?! Isang araw pa lang kaming mag-on.

"Secret ang relasyon namin, girls so sana walang makaalam nito. Ayokong maheadline sa newspapers. Makakaasa ba ako sa inyo?"  Tulala lamang sila sa amin ni Zeus at tila hindi ako narinig. Nagclap ako sa harapan ng mga mukha nila nang sa ganoon magbalik ang diwa nila.

"Hey, girls!"

Pumalit sa katahimikan ang tili ni Timmy at bago niya pa maisigaw na kami ni Zeus, tinakpan ko na ang bibig niya.

"Oh em Gee! Totoo?! As in?! Oh em! Ang bestfriend ko at----" Tinakpan ko ulit ang bibig ni Timmy.

"Oo, Timmy. Please, h'wag niyong ipagsabi sa iba." Pagmamakaawa ko.

Is This Love?Where stories live. Discover now