Ikaapat na Kabanata

1.4K 34 0
                                    

Pagkain

"Bakit mo tinatapon 'yan? Hindi ka kumakain ng vegetables?" Nakakunot ang noong tanong ni Zeus.

Kasalukuyan kaming nasa mamahaling restaurant at hindi ko alam kung paanong kabalbalan ang ginawa namin para lang makapunta rito para maglunch.

"Hindi ako kumakain ng damo." Simpleng sagot ko at patuloy na pinipili sa pagkaing inorder ni Zeus sa akin ang mga vegetables para alisin. Siya na kasi ang umorder ng food namin since I'm not familiar sa menu. Eh, hindi ko naman inaasahan na madamo pala ang inorder niya.

Nagulat ako nang sumawsaw ang kutsara nito sa plato ko at siya na ang naghanap ng mga vegetables at nilagay sa plato nito.

"Ano'ng ginagawa mo?" Hindi ko mapigilang magtanong.

"Kung may mga pagkain kang ayaw, ilagay mo lang sa plato ko. Ako na ang kakain." Anya habang patuloy sa paghahanap ng mga vegetables sa food ko.

Sa gesture niya, pakiramdam ko sasaluhin niya lahat ng mga problema ko. Tulad ng mga vegetables na ayaw ko.

"Ganito ka ba sa mga ex-girlfriends mo?" Natigil siya sa ginagawa. "I'm sorry." Binawi ko ang sinabi at nagsimula nalang kumain.

"Gusto kang makilala ng parents ko. Kailan ka free?" Bigla akong nabulunan sa sinabi niya.

"Damn!" He cussed then inabot saken ang tubig.

"W-what? Bakit ako gustong makilala ng parents mo? Lahat ba ng mga naging girlfriends mo, ipinapakilala mo sa kanila?!" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Umiling na lang ako habang nakatingin sa kanya.

I smiled while staring at him. Inaalis naman niya ang nakahalong cheeze sa kinakain. Katulad ng ginawa niya, kinuha ko ang cheeze na nasa gilid ng kanyang plato.

"Mahilig ako sa cheeze. Akin nalang 'to. Sayang nama." Nag init ang mga pisngi ko. Letsugas!

He chuckled.

Marami siyang natanong sa akin  at ganoon naman ako. Parang getting to know each other lang.

"So, kailan ka pwede?" Pagtatanong niya ulit.

"Bakit nga?" Balik tanong ko naman.

"Syempre, girlfriend kita kaya natural lang na gusto ka nilang makilala." Hindi agad ako nakasagot sa buwelta niya. Errr... Hindi ko mapigilan ang kiligin sa sinabi nito. Naiihi na nga ako sa kilig!

"E-ewan. Ikaw bahala..." Tinago ko na lamang ang pamumula ng mukha ko sa pamamagitan ng pagkain.

"Excuse me, CR lang ako." He nodded.

Tumayo ako at lumabas sa silid na yun. Baleh may private room ang resto na iyon kung saan may privacy sa pagkain ang mga costumers.

Matapos kong magCR, sumalubong sa akin ang taong di ko inaasahang makita.

"OH-MY-GOD! Caleila Naveen Dela Santos?! Couz?! What are you doing here?!" My eyes widened. Si Kiss! What is she doing here?!

"Ah... Eh.." Nagsisimula na akong mataranta. Hindi puwedeng makita ni Kiss na magkasama kami ni Zeus. She'll definitely going to tell Papa. And I will be dead!

"J-Just going to meet an old friend, Kiss. Sige, have to go." Tatalikuran ko na sana siya nang hilahin niya ako.

"Teka lang, Couz-" Naputol ang sasabihin niya nang may tumawag sa akin. Namutla ako.

"Oh my God! Oh my God! Zeus Yuchengco? I'm your freakin' no.0 fan!" Parang nawala ako sa paningin ni Kiss nang dambahin niya si Zeus. Hindi ko nagustuhan ang biglang paghalik niya sa pisngi ng lalaki at pagyakap. Ngunit, pinili kong wag umimik.

Is This Love?Where stories live. Discover now