Ikalabing Limang Kabanata :

1.1K 30 3
                                    

"Pakisabi kay Papa Zeus na thank you sa suhol niya." Humagikhik na saad ni Shana.

"Tss! Di porke't may suhol siya sa amin. Okay na kami." Si Mimah.

"Weh? Ayii! Nag enjoy ka naman sa concert, Mimah! Aminin... Hehe.." Si Timmy na siniko si Mimah.

"Basta... Huwag lang niyang sasaktan ulit si Caleila." Si Pearl naman.

Katatapos lang kahapon ng mini concert ni Zeus na siya mismo ang nagsponsored. Celebration daw umano yun ng monthsary namin. Napailing na lamang ako. Ngunit ang totoo, masayang masaya ako.

"Bakit nga pala wala si Night kahapon?" Si Pearl. Nagbalik sa realidad ang diwa ko.

"Ha? Ah.. Eh di ko alam, Pearl." Hindi ko pa nakakausap si Night simula ng magkabalikan kami ni Zeus. I know I need to clarify everything to him kaya kakausapin ko rin siya one of these days.

Maaaring naguguluhan pa ako kung mahal ko ba talaga si Night o sadyang nais ko lamang manatili siyang first love ko kaya hindi ko siya mapakawalan pero ang nasisiguro ko, mahal na mahal ko si Zeus at higit pa 'to sa anumang nararamdaman ko para kay Night.

"Minnie..." Napalingon kami sa boses na iyon. Napangiti ako. Siniko pa ako ni Timmy.

"Z-Zeus,,, B-bakit?" Geez! Kailan pa ako nahiya ng ganito? Nag-iinit ang mukha ko.

"Tss! Para namang ngayon lang kayo nagkita at nagkausap, Caleila. Everyday inlove ka ata kay Zeus." Si Shana. Pinanlakihan ko siya ng mata.

Napangisi lamang si Zeus at lumapit sa akin saka kinuha ang mga dala kong books.

"Z-Zeus.. A-ako na." Angal ko at akmang kukunin iyon.

"No! Let me, Minnie. Responsibilidad ko 'to." He said.

"Ugh! Bawal PDA sa school, guys!" Si Mimah na sa wakas nakangiti na.

Tumawa sila maliban sa akin. Kainis! Pinagkakaisahan na nila ako!

"Puwede ko bang hiramin muna si Caleila?" Paalam ni Zeus.

Tumaas ang isang kilay ni Pearl. "At saan mo naman siya dadalhin?"

"Pearl! Oa ka! Syempre magdadate sila!" Si Shana na hinampas si Pearl.

Payak na natawa si Zeus. "No. Magp-practice kami para sa incoming intramurals. Nakapasok na kasi si Caleila sa swimming team."

Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko.

"Really?! Oh my God, Caleila! Why didn't you told us?!" Si Pearl na hinampas ako.

Napangiwi ako at napakamot ng ulo.

"Kasi naman... Feeling ko kinuha lang ako dahil girlfriend lang ako ni Zeus."

Pinitik ni Zeus ang noo ko.

"Aray! Zeus!" Sigaw ko sa kanya.

"You're the best! Nakapasok ka dahil kaya mong manalo bilang swimmer at hindi dahil girlfriend kita. Yun ang isipin mo!" Sermon niya. Napanguso na lang ako.

"Ayiii! Supportive boyfriend!" Si Timmy na nangingisay sa kilig.

"Sige na. Chupi na! Masyado ng matamis ang paligid." Si Mimah.

Nakangising hinawakan ni Zeus ang kamay ko at inakay paalis roon. Masaya siya habang magkahawak-kamay kami ngunit di nakalagpas sa akin ang mga estudyanteng nakatingin sa amin. Nag-init na naman ang pisngi ko.

"Zeus! Ang kamay ko..." Hindi ko naman magawang ipagpag ang kamay niya at baka magtampo sa akin.

Inangat niya ang magkawak naming kamay.

Is This Love?Där berättelser lever. Upptäck nu