Ikalawang Kabanata

2K 40 0
                                    

Vacant Seat

"Quiet, class!" Sigaw ng guro nang hindi tumigil ang mga classmates ko sa kakatili.

Kasama ng professor ang tatlong lalaki na siyang dahilan kung bakit nagmala-sisang baliw ang lahat. Patuloy ang sigawan at tilian at nangunguna na si Timmy. Kahit si Shana na may boyfriend, nakisama rin samantalang nagtatakip kami ng tenga ni Mimah at animoy nabatubalani si Pearl sa tatlo dahil nakatitig lamang ito.

Mataman ko silang tinapunan ng tingin. Hindi nakauniform ang tatlo. Sa unang tingin palang, aakalain mong biyaya sila ng Diyos sa mga babae. Nakangisi ang unang lalaki samantalang tahimik lamang ang pangalawang lalaki. Ngunit, hindi ako nakagalaw agad nang mapatingin ako sa pangatlong lalaki. He's the perv guy! Lechugas naman! Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha pag naaalala ko 'yon. Ngunit ang higit na nagpatigil saken ay sa kadahilanang tinititigan niya rin ako. He's staring at me with his beautiful eyes! Ugh! Then, out of nowhere he gave me a fainting smile.

Pakiramdam ko tinakasan ako ng kaluluwa sa klase ng ngiting binigay nito ngunit nagbalik rin ang diwa ko nang niyugyog ako ni Mimah.

May sinasabi sa akin si Mimah ngunit hindi ko siya marinig dahil sa ingay. "A-ano?"

Napakamot ng batok si Mimah."Ang sabi ko, akala ko ba di mo kilala si Zeus? Bakit may something kayo!" This time, sumigaw na siya. At biglang natigilan ang lahat. Animo'y may dumaan na anghel sa paligid. Nakatingin sa amin ang lahat.

"Oh! Oh! Sorry." Napangiwi si Mimah then nag peace sign.

Shiz! Sana lamunin na lang ako ng lupa. Sumubsob ako sa desk ko at nagkunwaring tulog. Ang lakas ng pintig ng puso ko!

"Go back to your proper seats! Everyone!" Narinig kong utos ng guro. "Mr. Sandoval, Mr. Monteverde, and...Mr. Yuchengco" Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang boses ng paglunok ng guro nang banggitin nito ang huling pangalan. "You may occupy the vacant seats."

Euthenics ang kasalukuyang subject namin. Nalaman ko ring Business Management ang kinukuha ng tatlo at sa tanging subject lang 'yon kami magkaklase.

Nag angat ulit ako ng paningin. Naunang maglakad ang lalaking yumakap sa akin at hindi pa rin matanggal ang tingin niya sa akin. Diyos ko! Ano bang problema ng lalaking ito?! Para niyang hinihigop ang kaluluwa ko sa klase ng tingin niya.

"Kumusta, Ms. Sungit?" Sobrang kabog ng puso ko nang tumigil siya sa gilid ko. Nagpalit na siya ng t-shirt at pants. Lahat ng mga mata ng classmates ko nakatuon sa amin. Nagsimulang magbulungan ang mga bubuyog. Ugh! "Can I sit on that vacant seat?" Aniya habang nakangisi at tumingin sa vacant seat sa tabi ko.

Nasa middle row ako nakaupo at swerte namang walang umuukopa sa left seat na katabi ko at tanging si Mimah na nakaupo sa right seat ang katabi ko. Nahahati ang rows sa dalawang sets at 3 seats sa bawat rows kaya nasa kabilang row sina Timmy, Shana at Pearl.

Laglag ang panga namin ni Mimah ngunit pero nauna akong nakabawi.

"Hindi naman akin ang upuan na 'yan kaya hindi mo kailangang magpaalam." Sagot ko at nagkunwaring kinukuha ang notebook ko sa bag. Siniko ako ni Mimah ngunit hindi ko iyon pinansin.

Nilibot ko ang paningin sa paligid at nakatingin pa rin sa direksyon namin ang lahat.

"What?!" Pinakunot ko ang noo ko at nagkunwaring hindi aware sa ginawa kong pambabara sa idolo nila.

Narinig ko ang payak na pagtawa ng lalaking umupo na sa tabi ko.

"Start with whatever your discussions are, Professor. I'm very much comfortable here." Kahit hindi ako nakatingin sa mukha ng lalaki, alam kong nakangisi siya habang nagsasalita.

Is This Love?Onde as histórias ganham vida. Descobre agora