Ikalabing Anim na Kabanata

949 28 1
                                    

"Magandang gabi po, Tita, Tito." Bati ni Mimah sa mga magulang ko nang ihatid niya ako rito sa bahay.

Kumunot ang noo ni Papa at mataman akong tinignan. "Magandang gabi, Mimah. Napaaga ata ang pag uwi niyo. May nangyari ba? Asan si Zeus? Di ba ang sabi ko ihatid niya si Caleila, bakit ikaw ang naghatid sa anak ko?"

Namutla si Mimah at bago pa siya nakasagot. Naunahan ko na siyang magsalita.

"May biglaang recording po si Zeus, Pa kaya di na niya ako naihatid." Kahit bahagyang may gasgas ang boses ko, nagawa kong magsalita.

Mas lalong kumunot ang noo ni Papa. "Iniwan ka niya dahil lang sa recording?! At anong nangyari sa boses mo, umiyak ka ba?" May galit na ngayon sa boses ni Papa. Lumapit sa akin si Mama.

Umiling ako. "Emergency po, Pa." Ngumiti ako kahit mahirap yun para saken. "Sinupresa nila kasi ako kaya napaiyak ako sa sobrang saya." Letsugas! Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

"Ah.. Tito, Tita pwede po bang dito na ako matulog? Gabi na rin po kasi at saka nakapagpaalam na po ako sa mga magulang ko." Singit ni Mimah.

"Walang problema sa amin, Mimah." Si Mama ang sumagot.

"Uh. Sige po, inaantok na po ako. Puwede po bang matulog na kami ni Caleila? Pagod na rin po kasi siya." Tumango lang si Papa pero alam kong alam niya na may nangyaring hindi maganda.

Mabilis akong inakay ni Mimah sa kuwarto ko at kakasarado palang ng pinto ng kuwarto di ko na napigilan ang pagpiyok ng boses ko. Tinakpan ko ang sariling bibig gamit ang aking kamay nang sa ganon hindi marinig nina Papa ang iyak ko.

"Caleila..." Niyakap ako ni Mimah.

Hindi ako sumagot. Letsugas! Ang hirap magpigil ng pag-iyak. Naglakad ako patungong kama at sinubsob ang mukha sa unan para doon mag-iiyak.

Tok... Tok... Tok...

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak kahit na may kumakatok sa pinto.

"Caleila.. Mimah.." Boses ni Mama.

"Po? B-bakit po, Tita?" Natataranta na rin si Mimah.

"Okay lang ba kayo?" Nag-aalala ang boses ni Mama.

"Opo, Tita." Narinig kong bumukas ang pinto. "Tulog na po si Caleila, Tita. Napagod siguro." Ipinagpapasalamat ko pa rin na nandito si Mimah para pagtakpan ako.

"Ganon ba. O sige, goodnight, Iha." Nakahinga ako nang maluwag nang marinig kong sumara ang pinto.

"Diyos kong mahabagin, Caleila! Mamamatay ako sa kaba dahil sa'yo!" Naramdaman ko ang paglundag niya sa kama. Bumangon ako mula sa pagkakasubsob sa unan at hinarap si Mimah.

"T-thank you, M-Mimah."

Binatukan niya ako. "Don't thank me. Responsibilidad ko bilang kaibigan mo ang damayan ka. Tss! Naiinis ako sayo! Naiinis ako kina Pearl, Shana at Timmy! At nagagalit ako kay Zeus! How can they possibly left you like this? Grr!" Napacrossed arm siya. "At bakit mo kailangang pagtakpan si Zeus? Your parents deserves to know the truth nang maturuan ng leksyon 'yang walangyang Zeus na 'yan."

Nagbaba ako ng tingin at umiling. "Ako ang may kasalanan, Mimah. Kasalanan ko 'to. Tinago ko yung tungkol sa amin ni Night. Tinago ko 'to sa inyo. At ngayon pati si Pearl, Timmy at Shana galit na sa akin."

"Kasalanan mo? Putcha naman, girl! Oo, let's say kasalanan mo ngang di mo nasabi sa kanya nang mas maaga ang tungkol sa inyo ni Night pero anak naman ng tipaklong Caleila, hindi ka man lang niya hinayaang mag-explain! At isa pa yang sina Pearl, they should understand you. Ngayon mo sila kailangan. Naku! Pag nakita ko talaga ang tatlong yun, kakalbuhin ko."

Is This Love?Where stories live. Discover now