Ikalabing-Walong Kabanata

1.1K 26 2
                                    

Z-Zeus... Long time no see." Simula ko.

Pakiramdam ko para akong nasa establado at umaarte. Umaarte na hindi nasasaktan at masaya na.

Ngumiti siya. Is he acting, too? O nakamove-on na siya sa amin? But it's been six months at hindi nakapagtataka kung mangyari man iyon.

"Kumusta?" Pag uulit niya ng tanong kanina.

He did not change. O kung nagbago man siya, mas lalong nadefine ang maganda niyang mukha at katawan.

"D-Doing good." Simpleng sagot ko na may nakapagkit pa ring ngiti. "You?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at nag-iwas ng tingin paharap. He wear his wayfarers. Ugh! That wayfarers again.

"Are you mad at me?" He asked without looking at me.

Buwisit! How dare him to ask me that question?! Ofcourse, I'm mad!

"Bakit naman ako galit sayo?" Humarap ulit siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil nakasuot siya ng salamin.

Katahimikan ...

Hindi niya na naman sinagot ang binalik kong tanong sa kanya. Kaya ako naman ang nag iwas ng tingin. Hindi ko kayang makipaglaban ng tinginan dahil pakiramdam ko mawawala ang anumang galit ko kung gagawin ko yun.

"Hatid na kita. It's raining." He said out of the blue na tila walang anumang nangyaring masama sa pagitan namin.

Napatingala ako sa madilim na ulap. "Titila din ang ulan. Don't bother."

Bakit ganun? Bukod sa umiyak gusto ko siyang yakapin. Bakit mas lamang ang pagnanais kong ikulong ang sarili ko sa yakap niya kaysa sumbatan siya?

Di ba galit ako sa kanya? Di ba nakamove-on na ako sa kanya? Letsugas! Akala ko lang ba ang lahat ng iyon?

Gusto kong pasalamatan ang sarili because I manage to control my voice. Pero ang sakit na ng lalamunan ko sa pagpipigil na huwag umiyak. Ang gusto ko lamang mangyari ngayon ay umuwi ng bahay. Magkulong at umiyak. Aish!

"I've watched the weather forecast a while ago. The rain will not stop. So, come on." Aniya.

May pumara namang black mercedez benz sa harapan namin. Bumaba sa kotse ang dalawang lalaking nakablack suit na mukhang foreigner at may hawak na itim na payong. Lumapit sila sa amin.

"Come on, Caleila. Ihahatid na kita. Kapag di ka sumama, iisipin kong galit ka nga sa akin." Nakangising anyaya niya.

Mukha ngang walang balak tumila ng ulan. At sa halip na tumila ito, nagsisimula ng bumaha sa sulok na yun.

I smirked. "Okay." Napilitang sagot ko. Ayokong bigyan ng katotohanan ang sinabi niya kaya sasama ako.

"Ipapahatid ko na lang ang bike mo sa school. Give me your bag."

"Okay lang. Hindi naman mabigat ang bag ko." Malamig kong sagot sa kanya at sumabay sa lalaking nakablack suit. Pinayungan niya ako hanggang sa makasakay ako ng kotse habang naiwan roon si Zeus.

Nang makapasok ako ng kotse. Nangilid ang mga luha ko na para bang nagbabantang tumulo kaya bago pa yun mangyari. Napaangat ako ng ulo. Letsugas! Not now! I'm strong! Hindi puwedeng maging mahina ako sa harapan niya! NEVER!

Mabilis kong pinunasan ang gilid ng mga mata ko nang makitang palapit na si Zeus sa kotseng kinalulunalan ko matapos mkipag-usap sa isa pang tauhan niya. Thank God! Tinted ang kotse kaya di niya nakita ang pagpunas ko ng luha.

Hinanap ko ang headset sa bag ko para magpatugtog sa cellphone ng masayang kanta nang sa ganun di ako maiyak. Ngunit bago ko pa yun magawa, namutla ako nang makita ang pangalan ni Night sa LCD ng phone ko.

Is This Love?Where stories live. Discover now