CHAPTER 42: AWARDING

Start from the beginning
                                    

Lumapit ako kay tita Alex at niyakap ako ng sobrang.

"Hay! Grabe! Dalaga na talaga yung anak ko. Basta kung kailangan mo ng tulong wag kang mahihiya mag sabi okay?" sabi ni tita Alex sabay yakap saakin ng mahigpit.
"Opo tita Alex. Pangako." Nakangiting sagot ko.

Ang swerte swerte ko talaga kasi meron akong tita Alex na sobrang bait at mapagmahal. Nawala man ang mama ko, pero man naman akong tita Alex na handa akong suportahan sa lahat ng gusto ko. I am one of the luckiest person on Earth because I have them. Hindi ko alam kung saang kang-kungan ako pupulutin kung wala si tita Alex sa buhay ko.

*****

MAKALIPAS ANG ILANG LINGGO...

Nailipat na ako sa art gallery ng mall. Pero hindi bilang artist kung hindi staff. Nag bebenta kami ng mga paintings at artworks ng ibang artist. Sana one day pwede ko din ipakita sa mundo yung artworks na nagawa ko. Habang naglalakad ako pauwi galing  sa part time job ko, nang makakita ako ng isang babaeng hinuholdap ng mga lalake.

"Ibigay mo saamin yung lahat ng pera at alahas mo kung hindi papatayin ka namin." sabi nung holdaper habang nakatutuk yung kutsilyo dun sa babae.

Kailangan kong gumawa ng paraan para iligtas yung babae. Pero tama ba yung iniisip ko? Gagana ba yun? Bahala na nga.

"WEEEEW... WEEEEW... WEEEEW... WEEEEW... WEEEEW... WEEEEW..."

(A/N: Gumawa si Athena ng tunog ng wang wang ng pulis gamit yung bibig niya.)

"Pre! Tumakas na tayo may pulis!" sabi nung holdaper sabay tulak doon sa babae habang nag mamadaling umalis.

Buti nalang umipekto yung plano ko. Agad ko namang nilapitan yung babae para tulungan siyang makatayo sa pagkakatumba niya.

"Okay lang po ba kayo? Nasaktan ka po ba?" nag aalalang tanong ko.
"Im fine. Hindi naman ako nasaktan." sagot niya.

Hanggang sa napansin ko yung maliit na sugat niya sa braso.

"Eh nasugatan po kayo sa braso eh. Gusto niyo po ba na dalhin ko kayo sa clinic?" Pag aalalang sabi ko.

Lumingon siya at tinignan niya yung sugat niya.

"Okay lang ako. Maliit lang yan. Eh hindi naman ako mamamatay sa maliit na sugat eh. Wag kang mag alala iha." Nakangiting sagot niya.
"Saglit lang po okay? May kukunin lang po ako." Sabi ko.

Tumakbo ako sa pinaka malapit na convenience store para bumili ng cotton, alcohol at bandaid. Makalipas ang 5 minutes, nakabalik na ako.

"Gamutin po natin yung sugat niyo." humahangos na sabi ko.

Naupo kami sa isang sulok tapos sinumulan ko nang gamutin yung sugat niya. She look at me and she smile.

"Napakabait mo naman iha. Naalala ko tuloy yung anak ko sayo. For sure magkakasundo kayo nun pag nakilala mo siya." nakangiting kwento niya.

Tinignan ko siya tapos ngumiti ako.

"Sige po. Gusto ko po makilala yung anak niyo one day." Nakangiting sagot ko.

Biglang nawala yung mga ngiti sa labi niya ng dahil sa sinabi ko.

"May nasabi po akong mali?" tanong ko.
"Nako wala. Naalala ko lang yung mga anak ko. Tsaka naisip ko lang kung tatanggapin pa ba nila ako ulit. Ang laki kasi ng kasalanan ko sakanila eh. Iniwan ko ng walang paalam. Wala akong kwentang nanay." umiiyak na sabi nung babae.

Looking at her eyes, ramdam na ramdam ko yung hirap at sakit na nararamdaman niya. Siguro sinisisi niya yung sarili niya ng dahil sa lahat ng nanyare sa pamilya nila. Kawawa naman siya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot habang tinititigan ko siya.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now