"Sisiguraduhin kong hinding-hindi mo makakalimutan ang araw na mag lalaro tayo!"

"Bakit dahil panalo kami?"

"Pwede, pero gagapang muna kayo!"

"Ang angas mo ahhh." Naasar na ako sa pabalang niyang sagot.

"Pangalawa lang sayo."

Sasagot pa sana ako ng tinalikuran niya ako. Sarap niyang pag sisipain at suntokin. Nang tingnan ko ulit siya ay nag halft smile siya na tila nakakaloko. Mas nag iinit ako sa galit.

Ethan ang una naming makakalaban, maruming silang mag laro, last year kamuntikan na kaming natalo nila, buti at gumana ang pagiging barumbado ni Green isa-isa niyang napabagsak ang kalaban ng hindi na tatawagan na foul.

Pero laking shock ko ng marining kong ang unang kalaban ng Ildefonso ay kami, pero imbis matakot ay nag smile pa siya. Grrrr... Ka asar!

Mag sisimula na ang presentation ng bawat school lumapit ako sa kumpulan ng pamilya ko.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ng kadarating na si kuya Blue.

"Badtrip ako sa number 9 ng Ildefonso. Ang anghas ni hindi takot sa 'kin."

"Bakit naman siya matatakot sayo? Dios kaba?"

"Hindi naman pero papakainin ko siya ng alikabok."

"'Yun nga eh, hindi siya takot sayo meaning mahihirapan kang mapakain siya ng alikabok."

"Kami ang game 1 nila sisiguraduhin kong babagsak sila."

"Kilala ko yung number 9, 'yun ang binigyan ni kuya ng gitara dahil ang ganda ng boses at galing mag guitara sabi nga ni kuya gifted daw eh."

"Ano gifted siya? Patay ka Black mukhang mahihirapan ka atang pakaining siya ng alikabok." Tukso ni Orange.

"Wala akong paki!"

"Aba dapat lang may paki ka. Tingnan mo pareho kayong captain at gandang lalaki. Sa boses mo talo kana. Kong singer yan nako ang mga fans club mo mag lilipat bahay na yan."

"Makikita niyang ibon siya! Hinding-hindi ako papatalo."


***

I hate my dad for hurting my mom, but I love him.

I woke up having a nightmare about losing my dad, then all of a sudden. My tita Lene woke me up to tell me that my father was in an ambush until now, hindi pa siya ma hanap.

I fly to Manila asap with tita Lene, buti pumayag si tito Tim. Sa plane palang iyak ako ng iyak, hindi ako magawang patahanin ni tita. Pagka lapag palang namin sa airport ay tinakbo ko na ang exit. Isang umiiyak na Blade ang nadatnan ko sa Office ni daddy. At nang makita ako ay isang malutong na sampal ang ibinigay niya sa akin.

"Masaya kana Mae? Siguro masaya kana kasi wala na si daddy!"

"Hindi totoo yan Blade, oo galit ako sa kanya pero ama ko parin siya at kailan man ay hindi ko siya hiniling na mamatay."

"Umalis ka dito! Lumayas ka! Wala kanang ama dito!" Pinag babayo-bayo ako ni Blade pero panay lang iyak ko at iwas.

"Hoy, itigil mo yan! Aba Blade, hindi lang ikaw ang anak. Bago ka naging anak mas nauna si Mae sayo. Hindi ko inalis sayo ang mag damdam pero huwag mong pigilan si Mae na masaktans sa pagkawala ng kanyang ama dahil kung andito si Oscar malamang mas matutuwa itong makitang mahalaga parin siya kay Mae." Sigaw ni tita na mas nagpa iyak kay Blade pero niyakap ito ni tita.

"Tita, paano p'pag hindi na makita si daddy? Sino na magmamahal sa akin? Ang swerte ni Mae kasi and'yan ka kadugo niya, pero ako?"

"Diba ka dugo mo naman si Mae? Diba ate mo naman siya? Diba, tita mo naman ako? Sa pagkaka alam ko sa birth certificate mo ang nanay mo nn nakalagay doon ay si Marlina ang nanay mo, ang kapatid ko. Blade, hindi lang dugo ang basihan ng pagiging pamilya. Ako at ang ate ko magka iba kami ng tatay dahil sa katotohanang hostess ang nanay namin. Pero minsan, never akong iniwan ng ate ko sa kabila ng hirap na dinanas niya mabuhay lang ako. Nasaktan si Mae kasi nalaman mo lang hindi ka anak inilayo mo ang sarili mo sa kanila. Dugo ba ang batayan ng pamilya sayo?"

Hindi maka imik si Blade at umiyak lang ito ng umiyak na yumakap kay tita. "Hindi ko hihilingin na intindihin mo ako Blade, pero ang gusto ko lang ay lawakan mo ang pangunawa mo, kahit kailan hindi ako hihiling ng isang bagay na makakasama sa kapwa ko. Oo, galit ako sa kanya. Galit ako dahil walang ibang ginawa ang ina ko kung di mahalin siya at unawain siya. Lahat ng kagagohan niya tinanggap siya kahit dumating ka pa. Ang tanging hiling ko lang sa kanya ay huwag iwan ang mommy ko kasi alam ko bilang na ang mga araw niya pero hindi niya ako pinagbigyan ang gusto ko lang naman ay lumisang masaya ang nanay ko pero hindi niya ako pinagbigyan. Nasaktan ako, lalo na ng lumayo ka. Ganun din si daddy, lumayo sa amin ni mommy. Hindi mo maintindihan ang sakit kasi ni minsan hindi mo inisip si mommy na ina mo. Si daddy ang kinampihan mo kasi natatakot kang iwan din niya. Kahit gaano kalaki ng kasalanan niya sa akin hidni ko hiniling na mamatay siya. Hinding hindi ko hihilingin 'yun. Mas gugustihin ko pang ako ang mamatay."

Tinakbo ko ang pintuan at nag punta ako sa likod kung saan parati kong nakikita noon ang daddy na nag tuturo sa mga bagong members ng Bomb Disposal Squad. He's a genius when it comes to wires and bomb. At dahil pinapanood ko siya parati ay madali kong natandaan ang lahat ng mga itinuro niya with just one look. He was proud and amaze na at seven, i am detonate a bomb and even make a bomb dahil dun nakatanggap ako ng papuri hindi lang sa daddy ko kung kahit sa mga ninong ko.

That was before the annulment took place because, after that time, everything was a mess! "Daddy... I'm sorry. I don't mean for you to die." Iyak ako ng iyak. Yes, pinatigas ko ang puso ko para kamuhian siya pero hindi ko pala kayang isipin na mawawala siya. 

Tama si Blade na magalit sa akin. My dad tried his best to reach out to me, but I pushed him away. I thought setting each other free would help me move on. I thought It would make me feel better. But it was all wrong. I am more miserable now, knowing I might not see him forever.

"Hindi ko alam kung luha pa 'yang tumutulo o sipon na."

Napalingon ako sa isang gwapong may hawak na bomb sa kamay at tatlong uri ng wires at naka ngiti siya sa akin. Gwapo pero mas gwapo si Black. Bakit ko ba siya iniisip ngayon? Dapat si daddy lang ang laman ng isip ko ngayon. Mahal ko na ba siya?

"Bulong ba dapat yun? Ang lakas kasi eh."

"Sino ka ulit?"

"Gumanda ka lang nakalimutan mo na ako."

"Hindi ako manghuhula, sino ka ba?"

"Robin Jin Matapang, at your service, my lady."

TANGLED TO OUR PROMISENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ