WG Haidee - Part 10

315 10 0
                                    

NASA isang Chinese restaurant sila sa Binondo. Kanina, habang palabas sila ng North Luzon Expressway ay sinabi sa kanya ni Sydney na tila nagke-crave ito sa Chinese cuisine. At para daw mas masiyahan sila, dapat ay sa authentic Chinese restaurant sila dumayo.

Tumango lang naman siya at hinayaan si Sydney na dalhin siya kung saan nito gusto. Nang tunguhin nila ang Chinatown ay hindi na siya nagulat. Ilang beses na rin naman silang kumain doon ni Sydney. At hindi niya maitatanggi masarap talaga ang pagkain doon. Bigla tuloy ay nakaramdam na rin siya ng gutom.

"Haidz, si Dao Ming Si iyon, di ba?" siko sa kanya ni Sydney habang naghihintay silang isilbi ang kanilang order.

Sinundan ni Haidee ang direksyon ng tinitingnan ni Sydney. At nakita nga niya si Tim na papasok sa restaurant. Iyon nga lang, hindi ito nag-iisa. Isang babae ang naka-angkla pa sa braso nito habang naglalakad. Sa itsura ay hindi maipagkakamaling may relasyon ang dalawa.

She must be Ching, naisip ni Haidee.

Tipikal na Intsik ang itsura ng babae. Maigsi ang kulot at itim na itim na buhok. Naka-make up pero manipis lang. Sa wari ay kaya lang nag-makeup ay para mapagtakpan ng ibang kulay ang sobrang kaputian. Payat ito at magandang magdala ng damit. Naalala niya ang mga Intsik na modelong nakalarawan sa mga tag ng damit na ini-import buhat sa China. Parang hawig kay Ching ang isa doon.

"Hindi ba natin siya babatiin?" tanong sa kanya ni Sydney.

"Nakita mong may kasama, eh," kaswal na sabi niya pero dama niya ang pagkudlit ng pagseselos sa kanyang dibdib.

"Eh, ano naman ngayon. May kasama ka rin naman, ah? Ako," ngisi ni Sydney.

"Huwag na. Hayaan na lang natin sila. Hindi naman siguro tayo mapapansin dito sa puwesto natin." Nasa bandang sulok ang inookupa nilang mesa. Kung hindi sila tatawag ng pansin ay mas malamang nga na hindi sila makita ni Tim lalo at halos puno ang restaurant.

Pero bigla ay napagawi sa kanila ang tingin ni Tim nang ituro ng staff ng restaurant ang isang bakanteng mesa sa gawi nila. Lumarawan ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya. At parang awtomatikong sumilay ang ngiti sa mga labi.

Tinanguan nito ang staff ng restaurant at lumakad na. subalit bago inokupa ang bakanteng mesa ay sa kanila ito lumapit.

"Hello!" mainit na bati nito. "Small world."

"Maliit talaga ang mundo," sabi naman niya at sinikap na ngumiti. "Kungsabagay, hindi na nakakapagtaka. Teritoryo mo naman ang lugar na ito."

"Oo nga. Kaya lang, dito ay marami akong kahawig. Mukhang generic ang pagmumukha ko dito kaya bihira ang makakapansin sa kagandahang lalaki ko," malapad ang ngisi na sagot naman nito. "By the way, ladies, this is Ching. My girlfriend. Ching, si Haidee. My friend back in college. And this is Sydney, right?" konsulta pa nito kay Sydney. "Kaibigan naman siya ni Haidee."

"Hello, kumusta?" bati sa kanila ni Ching.

Dalawang salita lang ang binitiwan nito pero mahahalata sa tono ang pagiging Intsik. Parang bago pa lang itong nagsasanay sa pagta-Tagalog sa pagkakabigkas sa salitang "kumusta".

"We're fine," inunahan na siya ni Sydney sa pagsagot.

"Kadarating lang niya from China few days ago," sabi naman ni Tim.

Nang tumingin ito sa kanya ay naisip niyang parang paliwanag na rin nito ang pangungusap na iyon kung bakit hindi na ito nagte-text sa kanya. At naisip niya, hindi naman nito obligasyon na mag-text sa kanya. at mas lalo ngayong nasa Pilipinas ang girlfriend nito, hindi na siya dapat magtaka kung makalimutan siya nito. Alangan namang siya ang palaging i-text gayong may girlfriend ito na mas dapat na bigyan ng atensyon?

Pero sa isiping iyon ay nakadama din siya ng kirot sa dibdib.

Nang isilbi sa kanila ang kanilang order ay nagpaalam na si Tim. Hinila na nito si Ching patungo sa mesang ookupahin ng mga ito.

At lihim na nagpasalamat si Haidee na nakatalikod siya ng upo sa mesa ng mga ito. Hindi siya maaasiwa na mapatingin palagi sa gawin nito habang naroroon sila.

Pero hindi rin niya napigil ang sarili at nilingon ang dalawa. Inalalayan pa ni Tim ang babae sa pag-upo nito. At nang makaupo si Tim ay lalong nabuhos ang atensyon nito sa babae. He even held her hand. Ang mga mata ay nakatutok kay Ching—na para bang wala nang ibang babaeng nag-e-exist sa mundo maliban dito.

At si Ching naman ay matamis na nakangiti dito. Maybe they missed each other a lot kung ganoong kagagaling lang nito sa China. Hindi naman lumalagpas sa nakakaeskandalong public display of affection ang kilos ng dalawa pero hindi rin maitatago ang sweetness ng mga ito sa isa't isa.

Haidee felt another pinch of pain in her heart.

"The best talaga ang crab and corn soup dito," sabi ni Sydney. "Hoy, Haidee, ano ka ba? Bakit mukha kang namatanda. Kain na habang mainit pa."

Hindi siya nagpahalata na nagbago ang timpla ng mood niya sa pagkakakita kina Tim at Ching. Ibinaling niya ang tingin sa mga pagkaing nakahain.

At sa kauna-unahang pagkakataon, tila namanhid ang kanyang panlasa at hindi magawang namnamin ang masarap na pagkain.

"WHAT'S the matter with you, Haidee?" bugnot na tanong niya sa sariling repleksyon sa harap ng salamin. Kanina pa siya nakauwi. At nang nag-iisa na lang sa kanyang tinitirhan ay saka niya pinawalan ang tunay na nararamdaman.

Initsa lang niya ang dalang bag sa sofa. Kahit tumapon ang laman niyon ay hindi niya inintindi, taliwas sa ugali niyang masyadong organisado at ayaw na mayroong munti mang kalat sa paligid.

Halos sabunutan niya ang kanyang sarili nang maupo. Iritang-irita ang kanyang pakiramdam. At alam niya, hindi man niya dapat maramdaman iyon ay hindi naman niya magawang utusan ang kanyang sarili na huminahon.

Nang umalis sila sa restaurant ay naroroon pa rin sina Tim at Ching. Siyempre ay nagpaalam sila dito kahit pahapyaw lang. At nang lumapit sila, tila oblivious sa isa't isa sina Tim at Ching at hindi pa sila agad na napansin.

At nasaktan nang husto si Haidee sa eksenang iyon.

Kahit ilang beses niyang diktahan ang sarili na wala siyang karapatan sa ganoong damdamin ay hindi naman niya maaaring lokohin ang kanyang sarili. At ngayon ay gusto niyang magsisi kung bakit nagkita pa silang muli ni Tim.

Walang-wala sa hinagap niyang makakaramdam siya nang ganito sa dating kabarkada lang. Noon, ni sa panaginip ay hindi sumagi sa isip niya na puwedeng magkaroon siya ng atraksyon kay Tim.

But it was entirely different now.

Lubos niyang kilala ang sarili para maitanggi pa niyang basta atraksyon lang ang nararamdaman niya para sa binata.

Kumuyom ang mga palad ni Haidee saka inis na nagpapadyak.

Hindi niya gustong mangyari ang ganito.

She never planned to fall in love.

But it was happening now.

With Tim, unfortunately.

*****

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Wedding Girls Series 19 - HaideeWhere stories live. Discover now