WG Haidee - Part 2

388 13 0
                                    

"TABLE number five, it's now your turn to approach the buffet table," anunsyo ni Haidee sa pamamagitan ng mikropono. Kasali iyon sa trabaho niya bago mag-emcee sa entertainment portion ng reception.

Buhat sa munting podium na tinutuntungan niya ay nakita niyang nagtayuan ang mga guests buhat sa mesang tinawag niya. Partikular na tumawag ng kanyang pansin ang isang matangkad na lalaki. Kagaya ng ibang panauhin ay barong tagalog din ang suot nito. But he was stand out to many. Iba ang dating ng tindig nito. Maging ang paraan ng paghakbang ay may taglay na confidence at awtorisasyon. At idagdag pang kay guwapo nito.

He was indeed a very attractive male.

Palapit ito sa buffet table nang mapansin niyang nakatingin din ito sa kanya. At hindi lang ito basta nakatingin. Malapad ang ngiti nito na para bang matagal na siyang kakilala nito.

Nagtataka man ay gumanti siya ng ngiti. That smile was too irresistible to ignore. At sa halip na dumiretso ito sa buffet table ay sa kanya ito lumapit.

"How are you, Haidee?" bati nito.

Gulat na gulat siya. Kilala nga siya ng naturang bisita. At kung hindi pa sa boses nito ay hindi rin niya maaalala kung sino ito.

"Timoteo!" natutuwang sabi niya.

Schoolmate niya ito noong college. Ahead ng isang taon sa batch niya pero naging magkabarkada sila dahil na rin sa Theater Club at iba pang mga organisasyong kinaaaniban nila.

She was fond of calling him Timoteo bagaman ang karamihan ay Tim ang tawag dito. At hindi ito kasing-guwapo na kagaya ngayon. Marahil ay dahil natatakpan noon ng maraming tagiyawat ang mukha nito.

But the was always charming to everybody palibhasa ay mapagkaibigan at aktibong-aktibo nga sa mga extra-curricular activities sa kolehiyo.

"Ouch! Just Tim, Haidee," malapad ang ngiting sabi nito. Ang tsinitong mga mata ay tila nag-isang guhit na lang dahil sa pagkakangiti nito. "Kumusta ka na?"

"Ikaw ang kumusta? Muntik na kitang hindi makilala."

"Malaki ba ang naging pagkinis ng mukha?" biro nito.

Natawa siya. "Hmm, medyo. What did you do? Nagpapalit ka ng mukha?"

"Sobra ka naman. Alam mo na, sinamantala ko ang pag-unlad ng siyensya. Para ano at nagsulputan ang mga dermatology clinic sa paligid? Hindi bale nang magbayad nang medyo mahal. Tingnan mo ngayon, ang laki ng pinagbago ko, di ba? Kutis-guwapo na ako ngayon."

"He-he," kantiyaw. "Sige na nga. Kumuha ka na muna ng food mo. May iba pang bisitang tatawagin para lumapit sa buffet."

"Itinataboy mo naman agad ako," tila nagtatampong sabi nito. "Alam mo bang buhat nang magsalita ka dito, sa iyo na ako nakatingin? Nagdalawang-isip pa nga ako kung ikaw nga ang nakikita ko. Tsk, Haidee, of all profession, bakit ito ang napili mo?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Don't tell me, kagaya ka rin ng Tita Lucille ko? Lalaitin ang trabaho kong ito."

"Of course not! Nakakagulat lang. Sobra kang serious noong college. Pang-opisina ang dating mo. Isa ka sa iilan kong kakilala na madalas tumanggi kapag lakwatsa ang pag-uusapan. Hindi ka nauubusan ng term paper na gagawin."

"Noon iyon. I enjoy this kind of work. Libre pa ang masarap na food," pabirong sagot niya. "Kumusta na ba? Bigla na lang tayong nawalan ng communication after graduation."

Ngumiti ito na tila nahiya. "Alam mo na, medyo naging busy." At napailing pa ito. "Kung alam mo lang kung anu-anong negosyo ang pinasok ko."

Inikot niya ang mga mata. "Dugong-Intsik ka, Tim. Hindi na ako dapat pang magtaka."

"Yes." At napalingon ito sa mga bisitang ka-grupo nito sa Table Number 5 na palayo na sa buffet table. "We'll talk later, okay?" ani Tim.

"Sure."



"SINO IYON?" usisa agad sa kanya ni Sydney nang magkaroon ito ng pagkakataong makalapit sa kanya.

"Si Tim," sagot ni Haidee. Schoolmate ko noong college."

"Hmmm, guwapo. At mukhang mayaman."

Napangiti siya.

"Chinese si Tim. Ang alam ko, kagaya ng ibang Intsik ay negosyante ang kanilang pamilya. Besides, big time ang pamilya ng mga ikinasal ngayon. Kung isa sila sa mga guests, hindi malayong iisa lang ang sirkulong ginagalawan nila. After all, mukhang Chinese community ang paligid."

Hindi na niya kailangang igala ang tingin sa paligid. Kahit saan niya ibaling ang tingin ay lamang na lamang ang mga bisitang Intsik sa kasalang iyon.

"Palagay ko'y mayroon ka nang solusyon sa problema mo," sabi ni Sydney mayamaya.

"Problema?" ulit niya.

"Hmp! At mukhang wala ka na ngang problema. O nakalimutan mo lang? Remember, iyong family dinner ninyo mamaya."

"Ah," maigsing sagot niya. "Hindi ko iyon nakakalimutan. Isinantabi ko lang pansamantala dahil ayokong maapektuhan ang trabaho ko. I still have few hours left para isipin iyon. Besides, gusto kong itutok muna ang isip ko sa trabaho. Bahala na mamaya."

"Puwedeng solusyon ang guwapo mong schoolmate," tudyo ni Sydney.

"He-he," matabang na reaksyon niya. "Close kami noon pero hindi sobrang close. Sa palagay mo, madali ko siyang mapapapayag? Baka nga mamaya ay may girlfriend siyang kasama kundi man asawa mismo."

"If that's the case, bakit puro lalaki ang kasalo niya sa table na inookupa niya?" anito.

Nagkibit siya ng balikat. "Malay ko. Baka naman mga babae ang ka-grupo ng babaeng kasama niya."

"Haidz, sanay tayo sa ganitong okasyon. Social function ang kasalan. Hindi kayo maghihiwalay ng date mo sa ganitong klaseng okasyon, much more ang maghiwalay ng mesa sa panahon ng pagkain."

"Okay, granted na tama ka, pero hindi pa rin ganoon kadali ang suggestion mo. Paano kung nagkataong hindi lang pala kasama ni Tim ang girlfriend niya or wife kaya?"

"At paano din kung mali ka naman pala ng iniisip at unattached naman ang guwapong Intsik na dati mong schoolmate?" hamon nito. "Kung halimbawang mali ka at tama ako, well, huwag ka nang mag-aksaya ng panahon. Ask him. Baka suwertehin ka at pumayag. Tutal, ngayong gabi mo lang naman siya kailangan. After dinner, madali nang mag-isip ng ibang paraan. Ang importante lang ay mayroon kang maipakilalang boyfriend sa pamilya mo."

"Just like that?"

"Just like that."

*****

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals


Wedding Girls Series 19 - HaideeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt