WG Haidee - Part 4

350 9 0
                                    

"Ang dami ko nang negosyong pinasok, Haidee," tila paliwanag nito. "after graduation, isang beses ko lang sinubukan na mamasukan. I used to be a bank teller. Maganda ang suweldo at maganda ang benepisyo. Pero alam mo ba kung ano ang pakiramdam ko tuwing binibilang ko ang perang hawak ko sa counter? Sana akin ang mga perang iyon. and then I realized, bakit nga ba hindi? Baka mas marami pa sa mga eprang hawak ko sa mga sandaling iyon ang mapasaakin kung magnenegosyo ako. Sabi nga ng papa ko, bihira sa mga empleyado ang yumayaman. Nasa pagnenegosyo ang sikreto ng pagyaman."

"Kaya nag-negosyo ka?"

Mabilis itong tumango. "Malaking bagay din na napasok ako sa bangko. Na-expose ako sa iba't ibang uri ng negosyante bukod pa sa pamilya naman talaga kami ng mga negosyante. Sa kanila ako nakakuha ng maraming idea. At dahil bata pa ako noon, enthusiastic talaga ako sa pagtatayo ng negosyo. Nang maisip ko kung ano ang negosyong papasukin ko, nag-resign ako agad. I have my savings. Iyon ang ginamit ko para simulan ang negosyo."

"At anong negosyo iyon?" tanong niya.

"Shawarma stand. I want to experience everything kaya hindi ako kumuha ng crew. Ako mismo ang nagbenta ng produkto. Sa labas ng isang university ako pumwesto."

"I bet, hindi ka yumaman sa Shawarma business mo," tudyo niya.

"Break even. Nang maramdaman kong papalipas na ang novelty ng tao sa shawarma, nag-isip ako ng iba. Ayokong hintayin pang malugi ako bago ko iyon tigilan. So I started business one after another. Mayroong malakas sa umpisa, mayroong wala halos kita tapos unti-unting lalakas. I have ups and downs pero hindi ako tumigil. Hindi ko na ma-imagine ang sarili ko na maging empleyado uli kahit na sabihin pang may koneksyon naman ang parents ko sa mga malalaking korporasyon diyan sa Binondo."

"Kaya nagtayo ka ng barber shop?"

"Latest venture ko ang barber shop, actually. Sabi ko nga sa iyo, sa dami ng negosyong sinubukan ko, hindi ko na iyon mabilang. Iyong iba, may partners ako, iyong iba, solo ko talaga. And one thing I realized in making business, hindi lang ang pagiging innovative ang susi sa tagumpay ng negosyo. Ang hirap mag-isip ng negisyo na something unique pero once na sinimulan mo at kinagat ng tao, huwag kang magulat kung bukas ay mayroon ka nang kakumpitensya. Ang produktong pinaghirapan mong buuin nang ilang buwan, gagayahin sa iyo ng iba sa loob lang ng isang magdamag."

Napatango-tango siya. Kasabay ng paghigop niya ng frappuccino ay ang paniniwalang para na rin siyang kumuha ng crash course sa business ngayong kausap niya si Tim.

Hindi siya business-minded. Kuntento na siya sa pagiging wedding emcee. Maganda ang kita at nasusustinihan niyon ang pangangailangan at luho niya pero parang nabuksan din ang isip niya sa larangan ng pagnenegosyo.

"After so much trial and error in business, na-realize kong wala pa ring tatalo sa negosyong may kinalaman sa basic needs ng tao. That's why, sa kabila ng marami nang may garment business dito, nag-click pa rin kami. We supply garments to RTW manufacturers. Tapos may tie-up din kami na magbagsak ng RTW's sa wholesalers and retailer. Anything na may kinalaman sa garment, pinapasok namin. Bukod sa amin ni Ching, may tatlo pa kaming partners. Maganda ang kita pero kung iisipin mong lima kayong naghahati sa kita, medyo maliit na rin. But still, ang importante ay iyong smooth-sailing na galaw ng negosyo."

"Kaya nagtayo ka ng barber shop?"

Ngumisi ito. "You might not believe me, pero ang barber shop ang hindi ko talaga pinag-isipan nang husto. The idea came to me while I was at the barber shop. Naisip ko, pinakamahina na iyong dalawang beses sa isang buwan akong magtungo sa barber shop. Magpapagupit, magpapaahit at kung anu-ano pang may kinalaman sa kabanidosohan ng isang lalaki.

"Gastos iyon kung tutuusin pero bakit ang daming nagkalat na barber shop sa kahit saang lugar? Mapasosyal na lugar o pang-masa, may barber shop at beauty parlor. So pinag-aralan ko iyong idea. Ang tao, hanggang nabubuhay, magpapagupit at magpapagupit. Kahit nga iyong kalbo, humahanap ng solusyon para magkaroon ng buhok so it's a very promising business, I believed."

"Ano ang pangalan ng barber shop mo? May puwesto ka ba sa mall?" interesadong tanong niya.

"Makinig ka muna," pa-suspense na sagot nito. "Nag-enroll ako sa hair and beauty school. Siyempre, kailangan ko iyon para mas magkaroon ako ng knowledge about the business I was about to venture. Alam mo ba, walang araw na hindi ako pumasok doon na hindi ako napagkamalang bakla. Nakakapikon!"

Napatawa siya nang malakas. At lalo pang lumakas ang tawa niya nang itaas ni Tim ang isang kamay at ikumpas iyon na gaya nga ng galaw ng isang bakla.

"Well, akala ko nga bakla na ako," pa-bakla pang sabi nito.

"Really, Tim?" aliw na sabi niya.

"Hindi, ah," sabi nito sa tinig na lalaking-lalaki. "Pero mas marami akong kaklase na bakla kesa sa babae. They were serious about it at igagalang mo rin although nasa naturalesa na lang siguro nila ang landi ng kabaklaan. At any rate, I enjoyed my crash course. Immediately after that, habang tumitingin ako ng magandang pagpuwestuhan ng barber shop, nagsimula na rin akong mag-hire ng tao at pina-train ko pa sila sa isang eksperto."

"Meaning, hindi lang basta-basta ang barber shop mo."

"Let's say, AB market ang target ko," kaswal na sabi nito. "Sineryoso ko ang barber shop. Gumawa pa ako ng feasibility study at pati marketing strategy ay pinag-isipan kong mabuti. So far, nagbubunga na ang hirap ko. Bumalik na ang ROI. I'm now in the stage of expansion and adding services."

"Dali na, Tim, ano na ang pangalan ng barber shop mo?" inip na tanong niya.

"Salon Barako."

"Salon Barako?!" bulalas na sabi niya. "You must be kidding!" pero naisip niya, hindi hahaba nang ganito ang kuwento ni Tim sa negosyo nito kung nagbibiro lang ito. Hindi siya masyadong pamilyar sa naturang barber shop pero minsan ay napasadahan na niya ng basa ang isang feature article ng broadsheet tungkol doon.

It was indeed a barber shop for AB crowd.

Ipinagmamalaki niyon ang primera-klaseng serbisyo para sa lahat ng may kinalaman sa pagpapaganda ng kalalakihan. At kung hindi siya nagkakamali ng tanda ay ginawang ganoon ang pangalan niyon upang hindi maipagkamali sa iba ang target market.

Of course, welcome doon ang ibang custoemr pero numero unong target niyon ang mga tunay na lalaking mahilig lang talagang ayusin ang kanilang sarili. Sa pagkakaalam pa nga niya ay iyon din ang isa sa iilang exclusive spa for men.

And she was wondering, sa kabila ng pagkakabasa niya sa article na iyon ay hindi nabanggit ang pangalan ng may-ari ng salon.

O baka naman dahil ang tunay na ibinebenta doon ay ang serbisyo mismo at hindi ang kung sino ang may-ari?

"I'm not kidding," sabi ni Tim at kinuha nito ang wallet. Isang business card at ball pen ang inilabas nito. "May boyfriend ka ba, Haidee?"

"Wala, bakit?" biglang nagtakang tanong niya.

"Bibigyan ko sana ng one time free service sa Salon Barako. Hindi bale, ibigay mo na lang ito sa papa mo." At sinulatan nito ang likod ng business card.

Nang iabot nito iyon sa kanya ay parang tulala pa siyang binasa iyon. Gaya ng sabi nito ay nagsasaad lang naman iyon ng libreng serbisyo sa kahit anong ino-offer ng Salon Barako. But she was still amazed.

Tim was really big time now.

And she was wondering, kung halimbawang hihingan niya ito ng pabor sa gabing iyon, ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang stepmother at stepsister?

*****

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Wedding Girls Series 19 - HaideeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora