CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY

Start from the beginning
                                    

Hindi nakasagot si Angel at tinignan niya lang ako. Maya maya pa ng biglang dumating si Zoey.

"HOY BABAENG LABANOS! ANO NANAMAN ANG GINAWA MO SA BESTFRIEND KO HA?" sigaw ni Zoey.

Tinignan ni Angel ng masama si Zoey.

"Eh ano bang pake mo? At pwede ba? Sana marunong kang gumalang at ibagay ang sarili niyo sa tamang lugar kasi as far as I can remember, ang mga basura ay nababagay din sa kapwa nila basura." sabi ni Angel.

Bigla nagtawanan ang mga tropa ni Angel ng dahil sa sinabi niya.

"Ikaw? Igagalang namin? Teka nga lang, sino ka ba? Eh masahol pa nga yang ugali mo sa nabubulok na basura eh. Tsaka kung hindi naman dahil sa lolo mo hindi ka naman magiging sikat at kakatakutan ng lahat eh. Hindi ikaw ang reyna dito. At hinding hindi ka magiging reyna ng eskwelahan na to. Pare pareho tayong tao, dapat pantay pantay ang trato mo sa lahat. Ano? Tara suntukan nalang oh?" sabi ni Zoey.

Biglang nanlaki ang mga mata niya ng dahil sa sinabi ni Zoey at bigla siyang napaatras sa kinakatayuan niya.  Habang ako naman biglang natawa ng dahil sa narinig ko. Hay grabe! Ang tapang talaga ng bestfriend ko. Hahaha!

"Oh my gosh! Who give you the permission to treat me like that? Gusto mo ba na pa expelled ko kayo dito sa school na to ahh?" sabi ni Angel.

Biglang natahimik si Zoey ng dahil sa sinabi ni Angel.

"Tama na yan bes, wag nalang natin siyang patulan." Awat ko.
"Bakit naduduwag ka ba Athena?" Tumatawang sabi ni Angel.
"Naduduwag? Hindi ako naduduwag Angel. Hindi lang talaga kami  pumapatol sa taong hindi marunong ng salitang RESPETO. Tsaka sayang naman yung pinag aral namin kung papatol kami sa isang NON SENSE NA TAONG KAGAYA MO. Sige ah, mauna na kami." sabi ko.

Hindi na namin hinintay ang sagot ni Angel at nag lakad na papaalis

"Tandaan mo to Athena. Hindi pa tayo tapos!" Pagbabanta ni Angel.

Hindi na ako sumagot at naglakad nalang paalis. Nang makalayo na kami   ng biglang nagtanong si Zoey.

"Paano kung seryosohin talaga ni Angel yung banta niya na ipapa-expelled tayo? Paano yan?" Nag aalalang tanong ni Angel.

Napahinto ako sa paglalakad at tinignan si Zoey habang nakangiti.

"Wag kang mag alala bes, kahit ano naman gawin niya, tayo parin naman ang papanigan ng batas kasi tayo ang nasa tama tsaka wala naman tayong ginagawang mali ehh." sabi ko.
"Tama ka bes. Hm sige mauna na ako ha? Baka malate na kasi ako sa next class ko ehh. Bye Athena." Sabi ni Zoey.
"Sige bes, ingat ka." sabi ko.

Umalis na nga si Zoey at pumunta nalang kami sa kanya kanya naming mga klase. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na lumipas na pala ang mga oras. Hapon na pala. Yes finally! Uwian na! Makakapanuod pa ako ng kdrama sa bahay. Nagmadali akonh naglakad palabas ng school ng bigla kong naalala si Kendrix.

"Nasaan kaya yung mokong na yun? Kamusta na kaya siya? Hindi ko na siya nakita buong mag hapon ahh? Nakauwi na kaya siya? Hay nako naman. Nag aalala tuloy ako sa mokong na yun. Bwiset! Tsaka Miss ko na din siya ehh." Bulong ko.

Sa kalagitnaan ng pag mumuni muni ko, NANG BIGLANG...

"BES!" sigaw ni Zoey sabay hawak sa balikat ko.
"AY BULATENG BUNTIS!"

Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Kaloka! Aatakin ako sa puso sa sobrang gulat.

"Ay sorry bes nagulat ba kita?" Tanong ni Zoey.

Tinignan ko si Zoey na parang ewan. Nako! Kung pwede lang manakit ng tao siguro kanina ko pa nagawa. KALOKA!

"Ay hindi? Ini-expect nga kita eh. Syempre nagulat ako. Kaloka ka naman bes." sabi ko.
"Sorry naman bes. Nga pala, pauwi kana ba? Sabay na tayo?" sabi ni Zoey.
"Sige bes." Sagot ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now