Desire 1

165K 1.9K 119
                                    

Xiara's POV

Nagkulong lang ako buong araw sa kwarto ngayong araw habang nagta-type ng manuscript na ipi-pitch sa susunod na buwan. Kada-buwan kasi ay may inilalabas na bagong nobela at hindi maitatangging maraming tao ang sumusuporta sa mga manunulat ng kompanya.

Pero iba ako.

I am not a writer.

I am just his secretary, but he wanted me to make a novel that will really catch the attention of the readers. Hindi ko rin naman kasi talaga inakala na bibigyan niya ako ng pagkakataon para makapag-sulat ng sarili kong nobela.

I am just a mere wallflower. Nothing special.

Kumbaga, wala akong ibang alam gawin o kahit talent man lang. Ang tanging alam ko lang simula noong bata ako eh ang mag-kabisado at mag-basa. Bukod doon ay wala na. Kaya laking gulat ko talaga nang sabihin niya sa akin na kailangan kong mag-pitch sa darating na meeting.

Nahirapan nga ako noong mga nakaraang araw na mag-isip ng tema dahil hindi biro itong pagkakataon na ibinigay ni Sir Simon. Balak ko sanang sumulat ng isang Romance-Erotic book ngunit wala pa ako sa pangatlong chapter ay wala na agad akong maidugtong  sa mga eksena.

Kung hindi lang sana puro romance, erotic, fantasy at horror ang genre ng mga libro napu-publish sa kompanya, mapapadali sana ang pagsusulat ko. Tanging mga tula lang ang kaya kong gawin at ni sa hinagap ay hindi ko akalain na ganito pala talaga kahirap gumawa ng romance-erotic novel.

Kapag naririnig ko ang mga kasamahan kong nag-uusap tungkol sa mga librong isinusulat nila, akala ko simple at madali lang. Hindi ko lubos akalain na hindi lahat ng tao nabibiyayaan ng ganoong talento sa pagsusulat ng nobela.

Isa pa sa mga dahilan siguro kaya ako nahihirapan ay bukod sa hindi pa naman ako nagkaka-nobyo, wala rin akong ni isang karanasan sa bagay na ginagawa ng mga mag-kasintahan.

Napabuntong hininga ako at napanguso. Tumigil na ako sa pagta-type nang wala na talaga akong mapiga sa utak ko sa sobrang pagod.

"Xiara, ano na. Sasayangin mo ba ang pagkakataon na 'to para mapansin ka man lang ni Sir Simon? Ang hina mo naman pala eh." kastigo ko sa sarili ko at napapikit ng mariin.

Napatigil ako sa pagsi-simiento sa buhay nang tumunog ang laptop ko. May lumabas na isang pop-up sa gilid ng screen ng laptop ko. Napalunok ako nang mapag-alamang isang pornsite iyon.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinindot ko iyon. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko at ang kakaibang kiliti sa puso ko. Napasinghap ako at napatakip agad sa mga mata ko nang mag-load ang page. Susmaryosep!

Kulang na lang ay lumabas ang puso ko sa nasaksihan. Kahit pa kasi nasa tamang edad na ako ay ni sa hinagap na nakanood ako ng ganito. Kahit pa pilitin ako noon ng matalik kong kaibigan na si Pia. Hindi ko nagawang manood o maghanap man lang ng mahalay na mga palabas.

Pero kung susumahin ko lang, baka heto na rin ang maging sagot sa kakulangan ko ng kaalaman sa isusulat ko na nobela.

Hay, bahala na nga!

Nanginginig ang mga kamay ko ng pindutin ko ang isang video na nasa unahan lamang. Pakiramdam ko ay kabang-kaba ako habang hinihintay iyon na magbukas. Napakagat ako sa kuko ko. Hindi ako mapakali at parang kahit anong oras lang ay papanawan na ako ng ulirat. Ilang sandali nga lang ay nag-play na iyong video na ni-click ko.

Bumungad sa mga mata ko ang isang babae na nakasuot ng isang damit na sobra sa nipis ang tela at senswal na gumigiling sa harap ng isang lalaki. Kung ano-ano pa ang pinaggagawa niyang pang-aakit sa lalaking kapares hanggang sa paglaruan niya iyong 'ano' ng lalaki. Napanganga ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganoon na eksena.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon