Desire 20

65K 917 9
                                    

Xiara's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maliwanag na sikat ng araw.

Nakaramdam din ako ng mabigat na bagay na nakadantay sa tiyan ko. Paglingon ko ay nakita ko ang maamong mukhan na mahimbing na natutulog.

"Simon.." napabulong na lamang ako at hindi ko maiwasang mapalunok ng tumambad sa akin ang walang pang itaas nitong katawan. Haruyyjusko po! Magkakasala pa yata ako!

Pero bago ang lahat, galit nga pala sa akin ang lalaking ito kaya paano ko pang nagagawang isa isahin ang magagandang katangian nito.

Maingat kong tinanggal ang mga kamay nito at umalis sa kama. Pero bago pa ako makatayo ay may humatak na sa beywang ko kaya hindi ko maiwasang mapatili.

"Where the hell are you going, Xiara Wriella?" paos na tanong nito at naramdaman ko pa ang mabangong hininga nito sa may pisngi ko.

"T-tanghali na kasi.. A-atsaka.. Alam ko namang galit ka sakin eh.." usal ko dito. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil kung makapag usap kami ay parang walang nangyaring gulo kagabi.

Hindi siya sumagot at isiniksik niya lang ang sarili niya sa leeg ko. Hindi ko tuloy maiwasang makiliti at mapadaing dahil doon.

"T-teka, Sir Simon.. D-diba may fiancee ka? Ayokong makagulo sa inyo kaya sana b-bitawan niyo na ako." mahinang usal ko. Gusto ko mang maiyak sa bagay na iyon pero mas pinili ko na lamang magsawalang bahala. Ayoko ng maging mahina pa.

Nanigas ito sa tabi ko at naramdaman ko ang mabibigat na paghinga nito. Walang nagsalita sa aming dalawa kaya sinamantala ko na iyon para umalis sa tabi niya at lumabas sa kwarto niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at bumaba ng hagdan. Doon sa may sala, natagpuan ko ang anak ko na may kalarong isang lalaki at isang babaeng bata.

"Mama!" mabilis na tawag nito sa akin at mahigpit akong niyakap na agad ko ring sinuklian.

"Anak kamusta ka naman? Ayos ka lang ba? Di ka ba nasaktan?" tanong ko rito at hinalikan siya sa noo at magkabilang pisngi. Natatawang hinalikan naman ako nito sa kaliwang pisngi at sumabit sa leeg ko.

"Ayos lang po ako, Mama! Noong una po natakot ako atsaka po naiyak pero nung bumaba po kayo ni Papa galing sa kotse sumaya na po ako!" sabi pa nito.

Napatanga ako sa sinabi nito sa akin. Paanong? Sino?

"Mama! Hahaha! Natatae ka po ba?" hagikgik nito kaya napakunot ang noo ko.

"Ikaw talagang bata ka! Puro ka kalokohan." sabi ko pa rito at kinurot siya sa ilong.

"Pero sandali lang, anak. Saan mo nalaman iyong.. tungkol sa Papa mo?" nag-aalangan kong tanong kay Sandro.

"I told him." napalingon ako sa likod ko at doon ko nakita ang pababang si Simon.

"SIMON MAG-DAMIT KA! IYONG MGA BATA OH!" napasigaw na lang ako rito. Wala talagan modo ang isang to.

Napanguso ito at kinuha ang isang t-shirt sa gilid. At ang huli, doon pa mismo nagbihis. Napailing na lang ako.

"Mama halika po! Papakilala ko po kayo sa mga kaibigan ko!" magiliw na wika ni Sandro kaya napangiti ako.

Ibinaba ko siya at hinawakan niya ang kamay ko papunta sa mga kaibigan niya.

"Mama, siya po si Ace at heto naman po ang kakambal niya, si Acasia." pakilala nito. Yumukod naman ako sa mga ito at binigyan sila ng malawak na ngiti.

"Hello Ace and Acasia! Ako nga pala si Tita Wriella niyo." pakilala ko sa mga ito at binigyan sila ng magaang halik sa noo.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon