Desire 23

64K 914 87
                                    

Xiara's POV

Kabadong kabado na ako. Ni hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga panahong ito dahil maaaring nasa panganib si Sandro.

Inalo lamang ako ni Kuya Warren samantalang humihingin ng tawad sa akin si Nena ng paulit ulit.

"Wala kang kasalanan, Nena. Hindi naman natin inaasahang ganoon ang mangyayari eh pero hindi maiaalis sa akin ang pag-aalala." wika ko dito at nagpabalik balik sa paglalakad.

Naputol lang ito ng makarinig kami ng pagkatok sa pinto. Dali-dali akong lumapit doon at nakits ang tatlong lalaking naka-amerikana.

"Magandang Hapon po. Pinabibigay po ito sa inyo ni Mr. Chromewell." sabi ng isa sa kanila at iniabot sa aking ang isang sobre.

Umalis na ang mga ito at naiwan lamang akong nakatayo doon at hindi mawari kung ano ang dapat kong gawin o sabihin. Isinara ko na lamang ang pinto at binuksan ang sobre.

Ewan ko pero parang nakakaramdam ako ng kaba sa sulat na ito. Ano na naman bang kailangan ni Simon at pinadala pa talaga sa mga tauhan niya ang sulat na ito.

Xiara Wriella Clemente,

If you think that I'm stupid enough to let you escape from me that easily, think again. I am not Simon Chromewell if I will not do something about my rights about OUR son. I will do everything just to get what I want, bear that into your mind. What's mine is mine.

Meet me tomorrow. CC Tower, Penthouse. 8pm sharp. By the way, I'm with OUR son. We're enjoying our father-son time because that was supposed to happen if you just let me to become a father to OUR son.

-S.C.

Nanginginig ang aking mga kamay at nabitawan ko ang sulat. Ni hindi ko malaman kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman sa mga panahong ito.

Parang huminto ang aking paligid. Kinakapos ako sa paghinga na para bang wala na akong natitira pang lakas para lumaban.

Napahagulgol na lamang ako at pasalampak na umupo sa lapag.

"ELLA!"

"ATE!"

humahangos na lumapit sila sa akin at niyakap naman ako ng mahigpit ni Kuya Warren.

"K-kuya.." napahigpit ang yakap ko dito at umiyak lamang ako ng umiyak. Kinuha niya ang anak ko.

"I knew it. He'll do everything just to get Sandro. Bakit nga ba kasi hindi mo na lang hayaan ang sarili mong mahalin siyang muli? Pareho niyo lang naman pinahihirapan ang mga sarili niyo sa ginagawa niyo. It's time to move on and let yourselves to love again. Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan, hindi ka din nagmamahal kung hindi ka maruniong tumanggap sa mga paghihirap at pagkakamaling nangyari sa buhay mo." malumanay nitong wika kaya lalo akong napahagulgol.

All this time ay walang ginawa si kuya kundi ang tulungan ako. Na maging isang matapang at may paninindigang babae. Iyong kayang magmahal at magtira sa kanyang sarili. Kailangan nga ba ako matututo? Kailangan ko nga ba malalaman kung napakawalan ko na nga ba lahat ng paghihirap at pagsisisi ko?

"I know what' running into your mind but believe me. Natuto ka na sa buhay, iyon nga lang ay hindi mo mapakawalan iyang takot o pangamba sa puso mo. Mahal ka niya Xiara, mahal ka niya. Wala man ako sa posisyon magsabi nito pero naging miserable siya ng mawala ka." sabi nito at hinagod ang likod ko.

Desidido na ako. Gusto ko ng maayos ang buhay namin. Gusto ko na muling maging masaya. Tama na ang pagmumukmok ko. Tama na ang pagiging mahina ko.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon