Desire 11

73.8K 1K 24
                                    

Xiara's POV

"KUYAAAAAA!" nakangiti akong tumakbo palapit rito at hindi ko mapigilang akapin ito ng mahigpit.

"Grabeng tuwa naman iyan, Ella. Kung makasigaw at makaakap ka eh akala mo katapusan na ng mundo." natatawang wika nito at ginulo ang buhok ko. Binelatan ko lamang ito at parehas kaming umupo sa sofa.

"Namiss lang naman kita eh. Atsaka, sa iyo ba iyong Montero sa labas?" tanong ko rito. Pinisil naman nito ang ilong ko at tumango.

"Bigay nila Mommy at Daddy. Wala naman akong magawa kaya tinanggap ko na lang." kibit balikat pa nito at biglang sumeryoso ang mukha.

"Bakit? Hindi ka ba masaya?" nag-aalalang tanong ko atsaka humalukipkip.

"Masaya. Kaso hindi ko maiwasang mamiss sila Inang at Itang. Nag-aalala din kasi ako dahil mag isa lang si Inang na nagbabantay sa ospital. Wala pa naman kasi akong panahon makapunta sa kanila ngayon dahil madaming inaayos sila Daddy kasama ako. Isama mo pa ang pagpaplanong pagpapahawak sa akin ng kompanya nila." sabi pa nito. Napatango na lang ako.

"Isa pa.. Kilala mo na ba kung sino talaga ang tunay kong mga magulang?" alanganing tanong nito at nakakunot pa ang noo. Tinaasan ko lang siya ng kilay at umiling.

Bumuntong hininga ito at napapailing na tumayo. Parang nagbago pa lalo ang emosyon nito at tinignan ako ng mataman.

"Sila Mrs. Chromewell. Ipinakilala nila ako kay Simon nang puntahan nila ito sa sarili niyang kompanya kahapon." seryosong nakatitig ito sa akin habang binabanggit ang mga katagang iyon.

Para namang isang bombang sumabog iyon sa aking isipan at napalunok. Hindi ko akalaing sila.. Siya.. Napahilot na lamang ako sa aking sintido at napapikit.

"Noong una, hindi ko din iyon inakala na sila pala ang mga magulang ko. Kahit sila Inang. Pero isang araw, pinuntahan nila kami sa bahay at umiiyak si Mrs. Chromewell na ipinaliwanag sa amin ang lahat. Matagal na daw nila akong pinapahanap at talaga naman daw na ikinagulat nila na ako pala ang panganay nilang anak." umiwas ito ng tingin na para bang hindi alam kung itutuloy pa ang kwento.

"K-kuya.." ayun na lamang ang tanging nasambit ko. Sakto naman ay bumaba si Kris galing sa taas at nakapamulsa pa ito.

"Is it just me o talagang awkward ang paligid? Mukhang nakapag usap na kayong dalawa ha. I bet nagulat ka din sa nalaman mo, Shasha." sabi nito at dumiretso sa pintuan.

"Oo nga pala, maglock ka na ng pinto ha? Baka madaling araw na ako makauwi. Susunduin ko pa kasi ang pasaway na babaeng iyon. Sakit talaga sa bungo kahit kailan. Nandoon sa bar at naglalasing daw dahil sa hindi ko alam na dahilan kaya ikaw huwag kang iinom. Baka magmukha ka na namang tanga." sabi pa nito at tuluyan ng nilisan ang apartment niya.

Napuno ng katahimikan ang buong kabahayan at magkatapatan kami ni Kuya Warren. Hindi ko kasi talaga maabsorb masyado. Napakaliit ng mundo para sa aming lahat at hindi ko alam kung ano pa bang tama sa mundong to.

"Ella, wala ka namang dapat ipag-alala. Kung gusto mong isikreto pa din ang lahat ng bagay sa kanya ay rerespetuhin ko iyon. Oo, naaalala niyang kapatid ako ng batang babae na lagi niyang kasama sa Iloilo noong nakalipas na mga panahon pero hindi siya nagbanggit o nagtanong kanina ng tungkol sa nakaraan. Alam mong hindi ko gawain ang manghimasok sa buhay ng iba kaya nanatili na lamang akong tahimik, gayun din sila Mommy." sabi pa nito. Hindi ko naman maiwasang mapaluha dahil sa mga sinabi niya.

Bakit kasi kailangan pang ungkatin ang lahat. Ni hindi ko alam kung paanong uumpisahan muli ang mga bagay bagay. Kailangan ko na nga bang aminin iyon at tanggapin ang maaaring kalabasan? Kaya ko na nga ba?

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon