Desire 24

60.4K 804 38
                                    

Simon's POV

I can't believe that I'm with this lovely woman again in my arms. Hindi ko maiwasang mapangiti ng matamis habang hinahawi ko ang buhok na nakatabing sa kanyang napakaamong mukha.

Hindi ko na aaksayahin pa ang panahon dahil sapat na ang ilang taong pangungulila ko sa kanya lalo pa sa anak namin.

Napabuntong hininga na lamang ako lalo pa at may gumugulo sa utak ko ngayon.

Tumawag kasi sa akin si Warren at sinabi sa akin nito ang tungkol kay Gilliana. I didn't expect na buhay pa pala si Marie Azalthea ngunit nasa ibang katauhan na. Napatiim bagang na lamang ako.

Akala ko ay patay na ang walang hiyang babaeng iyon pero heto, halos isang taon na akong niloloko. I will fucking wring her neck when I see her! Hindi ako kailanman naging isang Chromewell para magpaloko sa isang babae.

Naputol ang lahat ng iniisip ko ng bahagyang gumalaw si Xiara sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Para tuloy akong baliw na napapangiti. Hinalikan ko ito sa tungki ng ilong niya at padampi naman sa kanyang mapupulang labi.

"Ikaw ha, dumadamoves ka diyan." paos na wika nito at kinurot pa ako sa tagiliran. Hindi ko maiwasang kiligin at paniguradong aasarin ako ng mga kaibigan ko kapag nalaman nila ito.

"Good Morning, Babe." bati ko na lamang sa magandang dilag na katabi ko at binigyan siya ng isang masuyong halik. Naramdaman ko ang paghigpit ng mga yakap niya sa katawan ko na nakapag-painit sa nararamdaman ko.

Napaiwas bigla ito sa akin na agad kong ikinapagtaka.

"K-kasi! U-umagang umaga nakatayo na agad iyang pututoy mo! R-ramdam ko kaya!" namumulang wika nito kaya napabunghalit ako ng tawa.

She never fails to amuse me. No wonder I fell in love with this lovely woman beside me. Niyakap ko na lamang ulit siya at hinalikan ang noo niya.

"He can't get enough with your wetness, that's why. But don't worry, hindi naman uli tayo maglalaro dahil alam kong nasobrahan sa pagpasok ko kanina yan." natawa ako lalo ng malakas kaya kinurot niya ako sa braso ko.

"Napakadumi talaga ng utak mo kahit kailan! Hmp!" kunwari pa itong nagagalit pero kita ko ang pagsilay ng mga ngiti sa kanyang labi.

"Sige na, pakawalan mo muna ako at maghahanda muna ako ng almusal. Atsaka hindi pa tayo bati! Huh! Magtutuos tayo mamaya." kinurot pa ulit ako nito ng mariin kaya napangiwi ako. Napakasadista talaga nito.

"Pwede bang ikaw na lang ang almusal ko? I want your milk." nakangising pang-asar ko dito lalo pa at nakikita ko ang malulusog niyang dibdib.

Nag-init ang pisngi nito at hinampas ako ng malakas.

"SIMON CHROMEWELL! Hindi na ako natutuwa sayo ha!" sabi nito at nagmamadaling pumasok sa banyo.

"Babe! Sabay na tayo maligo para tipid sa tubig!" sigaw ko rito.

"Manahimik ka, Simon! Pag pinasok mo ako dito sa kubeta hindi ka na makakaulit!" nanggagalaiting sigaw nito galing sa loob banyo. Napabunghalit na lang ako ng tawa habang napapailing.

Nagbibihis ako ng marinig ko ang cellphone kong tumutunog. Napakunot ang noo ko nang makitang si Zel ang tumatawag.

"What is Lambourne?"

"Nakatakas si Marie! Mga tonto talaga ang gago dahil naisahan ng isang puta! Mag-iingat kayo, I know that she's capable of doing something evil. Baka nasa paligid lang din ang demonyong si Thadeus."

"Call all our connections, I want them to arrive in this fucking building as soon as possible. Ayokong mapahamak si Xiara dahil sa oras na mangyari iyon, I swear. I'm going to kill our own idiot members." ibinaba ko na ang tawag at pabalik-balik na naglakad. Doon sa tagpong iyon ako natagpuan ni Xiara kaya nakakunot ang noo nito.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon