Desire 17

62.8K 1K 20
                                    

Xiara's POV

"Nandyan ka na pala, Ella. Naku talaga may problema tayo. Kinakailangan na kasi ang mga bulaklak na iyan na madeliver mamayang alas kwatro sa Maynila. Ang kaso nagkasakit si Hacin kaya walang mag-aayos sa venue." natatarantang wika ni Aling Eva habang inihihilera ang mga bulaklak sa isang gilid.

"Ganoon po ba? Paano po iyan ngayon?" ayoko man mataranta pero nataranta na din ako sa pagmamadali niya.

"Ella, maaari bang ikaw muna ang lumuwas doon? Alam mo namang hindi ko pwedeng iwanan ang garden ko. Kahit ngayon lamang dahil kailangan talaga ng may mag-aarrange ng mga bulaklak doon." sabi pa nito at hinawakan ang mga kamay ko.

Napapalunok na tinignan ko ito. Malaki ang utang na loob ko kay Aling Eva at ayaw ko siyang biguin. Kailangan kong tanggalin ang kaba at pag aalangan sa puso ko dahil ito ang kailangan.

"Alam ko ang mga pinagdaanan mo sa Maynila pero ang negosyo ko kasi ang nakasalalay rito, Hija. Napakalaking cliente nito kaya kailangan talagang maging maayos.Pagpasensyahan mo na kung ikaw man ang kailangan lumuwas roon." malumanay na wika nito.

Napatango na lamang ako kaya mahigpit ako nitong inakap. Inakap ko na lamang ito pabalik upang makakuha kahit papaano ng lakas ng loob.

Pagkatapos ng iba pang paliwanagan at pag-uusap ay pinauwi muna ako ni Aling Eva para makapagbihis ng maayos. Balita ko kasi ay malaking event iyon kaya kailangan kong magmukhang presentable. Balak ko din bitbitin paluwas si Sandro dahil dalawang linggo na din nakikiusap si Pia.

Isang araw makalipas nang dumalaw kasi sila noon ay umiiyak itong tumawag sa akin. Humihingi ng tawad dahil masyado daw naging makitid ang utak niya para magalit sa akin. Alam naman daw niya kung gaano kahirap sa akin ang lahat pero nagalit pa daw siya.

Ayos lang naman kasi sa akin ang lahat eh atsaka hindi ko naman matitiis ang babaeng iyon dahil simula pagkabata pa lamang ay siya na ang kasama ko.

Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay nagmamadaling lumapit para magpabuhat sa akin si Sandro at binigyan ako ng halik sa pisngi.

"MAMA! Bakit po maaga ka ngayon?" tanong nito habang nakangiti. Binati at nginitian ko naman si Nena bago ko pumasok sa loob ng kwarto kasama si Sandro.

"Eh kasi, baby kailangan magbihis ni Mama mo ng maayos kasi may pupuntahan siya." explenasyon ko rito habang naghahalungkat sa mga luma kong gamit.

"Ah. Iwan po ba ako dito?" tanong nito sa akin at nakita ko namang nalungkot ito at nakanguso pa. Napatawa na lang ako.

"Baby, gusto mo sumama sa akin sa Maynila? Doon kasi ako papunta eh. Gusto mo din ba na dalawin natin sila Tita Pia?" tanong ko dito habang hinahaplos ang mukha niya. Nakita ko ang pagliwanag ng kanyang mga mata kaya lalo kong naaalala ang kanyang ama. Napangiti na lang ako ng mapait.

"Opo! Opo! Opo!" masayang wika nito at nagtatalon pa sa kama. Natatawang pinatigil ko ito at pinugpog ng halik.

"Mama! Sabi po sa akin ni Tito Kris noong isang araw nandoon daw po ang Papa ko. Makikita ko rin po ba siya?" inosenteng tanong nito. Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa katawan sa mga narinig ko sa kanya.

Ni kahit kailan ay ngayon lang siya nagbanggit ng tungkol sa kanyang ama. Hindi ko alam ang isasagot sa anak ko. Ni hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

"Mama?" napatingin ako sa anak ko ng haplusin nito ang mukha ko at nakita ko ang pagkabakas ng pag aalala sa kanya. Ngumiti na lamang ako ng malawak atsaka binihisan na lamang siya.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon