Desire 8

75.4K 1.2K 33
                                    

Xiara's POV

Pagpasok ko sa opisina ni Sir Simon ay lumapit agad ako sa upuan na katapat ng desk niya. Tinignan naman niya ako at sumandal sa swivel chair niya.

"M-may ipaguutos po ba kayo?" nautal pa ako. Nakakahiya ka talaga! Umayos ka Xiara.

"Just get lost." malamig na pahayag nito kaya nakaramdam ako ng pagkabasag sa utak ko. Napalunok pa ako ng ilang beses bago tumayo at umupo sa pwesto ko. Mag uusap pala kami ha? Huh.

Nakalimutan na niya. Isa nga lang naman ako sa mga babaeng nagpagamit sa kanya so whats the point para humingi kami ng paliwanagan sa isa't isa.

Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko bago ulit magtipa sa computer. Ayokong mawala sa wisyo ang utak ko. Kailangan kong magtrabaho kaya dapat alisin lahat nga kagaguhang imahinasyon ko.

Kalahating minuto ang lumipas ay nagtext na sa akin si Kris. Sakto naman at sinisikmura na ako sa gutom at sama ng loob dito.

Hindi na ako nagpaalam pa at lumabas na ako sa opisinang iyon. Pinuntahan ko agad si Kris at nakita ko ang paborito kong pagkain.

"WOW! Sakto gutom na ako. Kain na tayo!" sabi ko rito kaya't kumain na nga kaming dalawa. Nagkwe-kwentuhan lang naman kami kaya kahit papaano ay naiibsan iyong pamomroblema ko.

"Ang sarap talaga magluto ni Manang. Nabusog ako!" wika ko pa at sumandal sa balikat niya.

"Kaya ka tumataba eh. Napakatakaw mo! Tignan mo may kanin kanin ka pa diyan sa baba mo. Pabebe ka din eh!" natatawang sabi niya at tinanggal niya iyon. Hinampas ko naman siya sa balikat habang tumatawa.

"Oras ng trabaho. Stop flirting inside my building. It's not appropriate here Mr. Guillermo and Ms. Clemente." napatingin ako sa likod ko kaya wala sa loob na napatayo na naman ako.

Katulad ng kanina ay tinalikuran ako nito pero sa ngayon ay dumiretso na lang ito sa elevator. Napayuko naman ako at naramdaman ko ang kamay ni Kris sa ibabaw ng ulo ko.

"Huwag kang susuko, Xiara. Malay mo nagseselos lang pala iyon. Hayaan mo na at bumalik ka na sa pwesto mo. Ako na magliligpit ng pinagkainan natin." sabi pa nito kaya tumango na lang ako.

Mabibigat ang paa na bumalik ako sa loob at nagtrabaho na lang muli. Naiinis ako sa sarili ako at higit sa lahat naiinis ako sa kanya.

Sa kama puro matatamis na salita ang sinasabi. Para bang kung ano siyang anghel pero ngayon para siyang walang puso.

Hindi na ito muling bumalik pa sa opisina kaya napabuntong hininga ako. Alas otso na rin naman kaya siguro nagpapahinga na ito sa condo niya.

Nagligpit na ako at siniguradong naka-lock na ang opisina niya. Naabutan ko pa nga sa lobby si Kris na matamang nakikipag usap kay Cinnamon kaya nagtuloy tuloy na lamang ako sa paglabas.

Mas pinili ko na lang munang mapag isa sa may kalsada malapit sa Condominium para makapag isip.

Parang ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para iwanan ko na nga ang trabaho ko pero paano ko naman bubuhayin ang pamilya ko?

Lalo pa ngayon at kinuha na ng mga magulang niya si Kuya. Hindi ko man sila kilala pero sigurado akong lahat ng pagkukulang nila eh pupunan nila ng pagmamahal.

Bumili muna ako ng kape sa isang convinience store bago umuwi. Pagkapasok ko sa condo ay nandoon si Marie Azalthea at prenteng nakaupo sa couch. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ko ang mga damit kong nakakalat sa sahig.

"A-anong.." wala akong maapuhap na salita at isa isa na lamang pinulot ang mga damit ko at nanginginig ang mga kamay.

"I'm going to live with Simon. Masyado ng masikip ang lugar na ito para sa ating tatlo kaya makakaalis ka na. Girlfriend ako kaya may karapatan akong manghimasok." nakataas na kilay na pahayag nito.

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak at kinagat ang ibabang labi ko. Nang makuha ko na ang mga damit ko ay inilabas ko ang maleta ko galing sa ilalim at ipinasok doon ang mga damit ko. Ang bigat ng loob ko.

"That's right bitch. Better leave us alone. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Simon at pinatira niya ang isang hampas lupang secretary na katulad mo sa pad niya." sabi nito. "You don't deserve to be treated this good by him. I bet isa ka lang namang puta." kahit masakit ay pinigilan kong sungalngalin ang matabil niya bibig.

Hindi na lang ako umimik at nang mailagay ko na ang lahat sa maleta ay handa na sana akong umalis ng itapon niya sa mukha ko ang tubig na laman ng baso.

Nanginginig ang mga kalamnan ko. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya. Hindi ko na napigilan pa at sinampal ko siya ng napakalakas sa kanang pisngi niya.

"Hinayaan kitang pagsalitaan ako ng masasasakit at lait laitin ako pero sobra na! Wala kang karapatang maliitin ako! Kung susumahin mo mas puta ka pa sa akin!" sabi ko rito at iniwan siyang natigagal doon.

Umiiyak na umalis ako sa condominium na iyon at sumakay sa taxi. Ang sakit sakit. Ni hindi ko alam kung bakit ba ganito. Sa loob ng apat na taong pagtratrabaho ko sa kanya ay wala akong maramdaman kundi selos, lungkot at pagmamahal.

Wala naman akong nagawang hindi maganda kaya bakit ganito. Tinawagan ko so Kris at sinabi ko ang nangyari sa akin.

Wala naman akong ibang ka-close sa opisina. Lahat kasi sila ay ilag sa akin dahil sa hindi ko alam na punto.

Paghinto ko pa lang sa tapat apartment ni Kris ay nagbayad na ako at lumapit sa kanya. Umiyak lang ako ng umiyak dito at inakap naman niya ako ng mahigpit.

"Iiyak mo lang iyan pero bago ang lahat  pumasok muna tayo sa loob." sabi nito at tinulungan niya ako. Pinaupo ako nito sa sofa niya at binigyan ako ng tubig.

"Kris hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan na ako." wika ko at nahihirapan na akong makahinga.

"Isa lang naman ang magandang solusyon ko dyan. Mag-resign ka na. Sapat na ang apat na taong pagpapakatanga mo na maaalala ka pa niya. Ilang taon na ang nakakalipas at hindi na siya ang dating binatang dati mong minahal. Magkaiba ang probinsya sa Maynila. Tandaan mo yan." seryosong wika nito at ininom ang canned beer na hawak niya.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon