Desire 9

77.1K 1K 27
                                    

Linggo ng umaga ng mapagdesisyunan ng pamilya Clemente na mananghalian sa plaza.

Masayang masaya ang mga ito dahil kaarawan ng bunso sa kanilang pamilya. Maganda rin ang ani ng padre de pamilya kung kaya't talagang napaka espesyal ng araw na iyon para sa kanila.

"Inang!" sigaw ng batang babae habang dala dala ang kanyang saranggola.

"Ella, ikaw talagang bata ka. Tignan mo at napakadumi na niyang kulay dilaw mong bistida. Bago pa naman iyan. Saan ka na naman ba nanggaling?" sita ng ilaw tahanan na si Shaira sa batang babae.

"Hayaan mo na po siya tutal ay kaarawan naman niya, Inang. Atsaka maganda na rin po iyan dahil minsan lang naman po tayo magpunta sa plaza eh." pahayag ng nakakatandang kapatid ni Ella na si Warren.

"Oo nga naman, mahal. Hayaan mo siyang makipaglaro at magsaya tutal ay minsanan lang naman tayo maging ganito na palabas labas." segunda ng Itang ni Ella.

"Inang, Itang. Mamaya na po ako kain, pwede po ba? May bagong salta po kasi sa ating lugar kaya gusto ko pong makipagkaibigan." sabi nito ng nakangiti at tumakbo na paalis. Hindi man lang nito hinintay ang sagot ng mga magulang.

Samantalang sa kabilang dako naman ay napapalibutan ng mga bata ang isang gwapong lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno. Naiirita ito dahil hindi niya matutukan maigi ang kanyang binabasang libro. Ayaw niya kasi sa mga ito kaso pinipilit naman siya.

"Padaan padaan." narinig niyang wika ng isang babae. Binalewala niya iyon at hindi tumingin sa nagsalita. Sa isip niya ay hindi niya obligasyon magbigay ng panahon sa iba.

"Ella, huwag na natin siyang kaibiganin. Isnabero iyan eh. Atsaka isa pa mukhang mayaman kaya ganyan ang ugali. Masama siya." umiling naman si Ella sa mga kaibigan niya.

"Sabi ni Inang sa akin, huwag daw ijujudge ang isang tao na wala namang sapat na dahilan. Sige na, susubukan ko siyang kausapin para makalaro natin, kayo muna maglaro." nakangiting pahayag nito sa mga kaibigan niya.

Umupo ito sa tabi ng batang lalaki at nakisilip sa librong hawak nito.

" English iyang binabasa mo ha?" segunda nito at itinabi sa gilid ang saranggola niya.

"SHUT UP! Go away!" naiinis na pahayag sa kanya ng lalaki kaya nanlaki ang mga mata niya.

Hinampas niya ang bibig nito atsaka pumameywang.

"sabi ni Inang, masama ang naninigaw. Bad ka ha." sabi nito pero tumabi muli sa lalaki. Umusog naman ito palayo at tinignan siya ng masama.

"Makaiwas ka naman diyan, grabe ka. Ako nga pala si Ella. Anong pangalan mo?" tanong nito at kinalabit pa ng paulit ulit ang lalaki na busangot na ang mukha.

"Sagutin mo na iyong tanong ko sige na oh, please? Di naman ako bad girl eh." nagpuppy eyes pa ito habang magkadaop ang mga palad kung kaya't napabuntong hininga ang lalaki.

"Simon." simpleng sagot nito.

"Simon? Anong apilyido mo?" tanong pa muli nito at umayos ng upo.

"Simon Chromewell, so shut up." masungit na pahayag nito at tumalikod sa kanya. Napangiti naman si Ella.

"Ang cute ng name mo. Hihi. 6 years old na ako. Ikaw ilang taong ka na?" at pumwesto pa ulit sa harapan ng lalaki.

"10 years old, so stop bugging me!" naiinis na pahayag nito. Tinulak niya pa si Ella kaya napasadlak ito sa lupa.

Nagulat naman siya sa nangyari sa batang babae. Naiiyak man ay tumayo si Ella at lumapit sa batang lalaking si Simon.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon