Desire 14

68.7K 1K 22
                                    

Simon's POV

Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait habang tinititigan si Xiara habang natutulog ng mahimbing.

I never thought that she's alive and I can't accept the fact that my parents hide this to me. Napapailing na hiniga ko ito sa dibdib ko.

Nasaktan ko siya. Alam ko iyon tuwing nakikita niya akong kasama si Marie Azalthea at tuwing napagsasalitaan ko siya ng masakit. I just can't help myself to just judge her everytime I'm seeing her with that Kris.

Tsaka lang naman ako naliwanagan noong sapakin ako nito isang gabi ng sumugod ako rito.

"Fuck you! You're just my employee so stop interfering with our lives!" pagkalabas pa lang nito ay sinuntok ko na agad siya. Ngunit nakabawi din ito kaya natamaan ako sa aking panga.

"Tang ina mo pala eh! Susugod ka dito ng madaling araw para lang manggulo?! I thought you knew better but I was wrong, Simon! Magaling ka magsalita pero wala ka namang dapat ipagmalaki!" sigaw nito kaya nanlilisik ang mga matang kinwelyuhan ko ito.

"ILABAS MO SI XIARA! AKIN LANG SIYA AT AKO LANG ANG MAY KARAPATAN UMANGKIN SA KANYA!" sigaw ko rito pero sinapak niya lang ako.

"Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ng ganyan si Shasha! Para sabihin ko sa iyo, walang nangyayari sa amin dahil sa iyo niya lang isinuko ang sarili niya! Puta! Napakaswerte mo sa kanya kung tutuusin pero sinaktan mo lang siya! Hindi mo alam lahat ng pinagdaanan at pagsasakripisyo niya para lang makasama ka!" sigaw nito kaya napakunot ang noo ko.

Anong pinagsasasabi niya? Pakiramdam ko ay binundol ako ng kaba sa mga nangyayari.

Nginisian niya ako kaya pakiramdam ko ay gusto ko siyang sapakin.

"Hindi mo alam pero ang inaakala mong matagal ng patay ay kasama mo na pala ng halos apat na taon." sabi pa nito at tinulungan akong tumayo. Tinitigan niya ako ng seryoso at napapailing pa ito.

"Siya si Ella. Matagal na naming alam iyon. Kung tutuusin ay dapat siya ang nagsasabi nito sa iyo pero mas minabuti ko ng mangielam. She has gone through enough. Hindi niya dapat nararanasan ang masaktan ng sobra sobra dahil napakabuti niyang tao. At kung magpapatuloy kang hanapin siya rito, wala ka ng makikita ni anino ni Shasha dahil lumipat na siya tatlong araw na ang nakakaraan." tinalikuran ako nito at iniwan akong hindi makapagsalita sa labas.

How come? Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa. Ni hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin gayung nasaktan ko na siya ng sobra. I'm so fucked up.

Naputol ang pagiisip ko nang magring ang telepono ko. Nakita ko roon si Marie na tumatawag kaya sinagot ko ito.

"Hi Babe!" bati nito kaya hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Isa pa itong problema ko.

"What is it, Marie?" walang gana kong tanong rito.

"I just want you to come here in my pad. As usual." malanding wika nito kaya hindi ko maiwasang mairita. Heto ang ayaw ko sa kanya. Napaka-clingy at demanding.

"I'm busy right now, so please stop bothering me." hindi ko na hinintay ang pagsagot nito at pinatay na ang tawag.

Hinaplos ko ang mukha ni Xiara habang mahimbing itong natutulog sa tabi ko. Nakokonsensya rin ako dahil hindi siya dapat tumitira at nagtitiis sa maliit na bahay na ito.

Napapailing na tumayo muna ako at nagbihis. Bibilhan ko muna siya ng makakain para pagbalik ko ay makapag usap kami.

Paglabas ko ng bahay na iyon ay nabigla ako ng makita kong nakatayo roon si Warren.

"Anong ginagawa mo dito, Simon?" nagbago ang emosyon nito at halos gusto na akong sugurin.

Siya pa ang may ganang magalit sa akin kung isa siya sa mga nagsinungaling sa akin? Nginisian ko ito at malademonyong tumawa.

"You don't need to know, Warren. Wala kang karapatan malaman dahil sino ka nga naman diba? Ano ka nga ba sa buhay ni Xiara." pang aasar ko pa dito pero sinuntok lamang ako nito sa mukha at tiim bagang na tinitigan ako.

"FUCK YOU! LAYUAN MO SI XIARA! HINDI IKAW ANG MAKAKAPAGPASAYA SA KANYA!" sigaw pa nito pero sinuntok ko lamang din siya.

"EH ANONG TAWAG MO SA SARILI MO HA, WARREN?! KAPATID BA TALAGA KITA?! OO IKAW ANG NAKASAMA NI XIARA BILANG KAPATID NIYA PERO WALA KANG KARAPATAN MANG HIMASOK SA BUHAY NAMIN! ITINAGO MO, NINYO SA AKIN NA BUHAY PA SIYA! BUONG BUHAY KONG SINISI AT NILUGMOK ANG SARILI KO DAHIL SA NANGYARI SA KANYA PERO WALA KAYONG GINAWA KUNG HINDI ANG MAGSINUNGALING!" nagtaas baba ang dibdib ko at naiinis na pinunasan ang luha ko.

Kabaklaan man para tawagin nila ito pero nasasaktan ako. Kahit sandali ko lamang siya nakasama noon ay minahal ko siya at ang ala-alang meron kami. Nasa tabi ko lang pala siya pero wala akong kaalam alam.

Napatulala lamang ito at parang hindi makapaniwalang alam ko ang lahat.

"I hate you for doing this to me. Especially my parents. Mga makasarili kayo." nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at pinasibad iyon paalis. Hindi ko maiwasang mapahigpit ang hawak ko sa manibela dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Mahal na mahal ko si Ella. Nahuhulog na ako kay Xiara pero tang ina lang. Iisa lang pala sila pero para akong tanga na nangangapa sa kawalan.

Mas pinili ko na lamang pumunta sa kaibigan kong si Zel.

"Anong ginawa mo dito?" bungad nito at halatang lasing.

"Makikiisa ako sa kagaguhan at kadramahan mo." sabi ko pa at pabagsak na umupo sa sofa niya. Doon ko sinimulang uminom ng uminom dahil pakiramdam ko ay makakabawas iyon sa galit na nasa dibdib ko.

Napuno ng katahimikan ang sala nito at pareho lang kami sa paginom ng alak. Nakakaramdam man na ako ng hilo ay wala na akong pakielam basta makalimot lang ako ngayong gabi.

"How's the girl you fucked up and then get pregnant with?" tanong ko rito at lumagok pang muli.

"I don't know. Nang sabihin ko sa kanyang baka hindi sa akin iyon ay hindi na muling nagpakita. Baka niloloko niya lang ako." seryoso nitong pahayag.

It's not my story so I didn't ask him for the other details. Matanda na siya at kaya na niyang solusyonan iyan.

Kailangan ko lang ng may makakaramay makainuman. Hindi na ko dadagdag sa isipin ni Zel dahil baka tuluyan na siyang mabaliw sa kakaisip sa babae niya.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon