Desire 10

74K 1K 11
                                    

Xiara's POV

Kinabukasan ay napagdesisyunan ko na huwag na lamang muna pumasok sa opisina. Naiisip ko kasi na baka nagsumbong si Marie Azalthea kay Simon na sinampal ko siya. Mamaya pa niyan ay masaktan pa ko lalo sa mga bibitiwan niyang mga salita sa akin.

Alam ko namang may pagka-martyr ako pero hindi ko kayang maging manhid palagi para sa kanya o sa kahit ano pa man.

Mas minabuti ko na lamang lumabas at puntahan ang kaibigan kong si Pia. Matagal tagal na din simula ng makita ko siya.

Naghanda na ako at bumili na rin ng paborito naming fruit cake na madalas ginagawa ng Mama niya noon kapag umuuwi galing ibang bansa.

"Oh, napadalaw ka ata? May pachibog ka pa dyan! Pasok ka." nakangiting pahayag nito pero halatang kagagaling lang sa iyak dahil sa mugtong mata nito. Napakunot noo ako sa kanya kaya tinalikuran na ako nito.

Maliit lang ang apartment ni Pia kung tutuusin pero dalawang palapag ito. Umupo ako sa may lamesa sa kusina at tinignan siya ng mataman habang naglalapag ng mga kubyertos.

"Tigil tigilan mo ako sa mga ganyan mong titig Xiara Wriella ha! Tutusukin ko ng tinidor iyang mga mata mo ng wala ka ng makita!" nanlalaki ang mga matang banta nito at umupo sa harap ko.

"Alam mo Paloma Ivanna Accosi, pumapayat ka. Hindi lang iyon ha. Parang habang tumatagal eh nagiging malungkutin ka na. Nasaan mo dinala ang kababata ko? Nasaan na si Pia na walang ginawa kundi ang mang-trip at magpakasaya?" tanong ko rito at sumubo na ng fruit cake. Umiwas naman ito ng tingin.

"Putang ina, Xiara. Ayoko ng mga ganyang hirit mo at pwede ba huwag mong mabanggit banggit ng buo ang pangalan ko dahil kinikilabutan ako. Atsaka pakiramdam ko ay binabasa mo na naman ang buong isip at kaluluwa ko. Hmp! Maiba nga tayo, bakit ka ata napadpad rito? Diba tuwing pasko at bagong taon mo lang naman ako dinadalaw rito?" wika nito at tinaas pa ang paa sa lamesa.

Napabuntong hininga naman ako at sumandal sa upuan. Napakamot pa ako sa batok ko.

"Sabihin mo nga sa akin kung ano ang pinakamagandang gawin ko sa buhay ko, magreresign na ba ako o mananatili pa din ako sa kanya? Na aasa pa din sa wala?" tanong ko rito ng may mababang tono.Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Magresign ka na. Walang magandang maidudulot iyang pagpapakatanga mo kay Simon. Akala niya patay ka na. Akala niya hindi ka na nag-eexist kaya hayaan mong ganoon na lamang ang tingin niya sa mundo. Kapag sinabi mong ikaw si Ella, tingin mo maniniwala pa sayo iyon? Tingin mo naaalala ka pa niya makalipas ang labing siyam na taon? Hindi na iyon! Ginusto na niya dito sa Maynila eh! Kaya ka di makamove on kasi ikinulong mo sa utak mo na baka may pag-asa pa kayo kahit wala na! Matalino ka te, kaya huwag kang magpakabobo sa taong hindi na maibabalik katulad ng nakaraan." pahayag nito at nilantakan ang dala ko. Grabe. Tamang tama ako doon. Pakiramdam ko eh pigang-piga na ang puso ko.

"Bakit ikaw? Di ba nagpapakatanga ka din naman sa Wage mo? Ikaw din naman ha, nagmamahal ka din naman." hirit ko pa dito habang nakanguso.

"HOY! FYI! Sumuko na ako, tatlong araw na ang nakakaraan. Ayoko na no. Nagising na ako sa katangahang nagawa ko. Tama na ang pagpapakahirap kaya kumawala ka na din para maging masaya ka! Hindi pa huli ang lahat habang virgin ka pa." dinilatan pa ako nito ng mata. Napalunok naman ako at umiwas ng tingin.

Narinig ko naman ang pagkalansing ng hawak niyang tinidor at pabaskol na tumayo.

"What the fuck?! Huwag mong sabihing isinuko mo na iyang puke mo sa kanya?! Maria Santisima Fernando San Victores!!" nanggagalaiting singhal nito at sinabunutan ako.

"Aray naman! Anong magagawa ko eh mahal ko siya! Nahuli pa akong nagsasariling sikap? Alagay naman magpa-choosy pa ako. Go lang ng go! Pero Pia isama mo na lang kaya ako sa bar? Papa-table na lang din kaya ako?" seryosong tanong ko rito. Binatukan naman ako nito at kinurot sa tagiliran.

Kahit kailan talaga eh napakabigat ng kamay ng babaeng ito.

"Mahal, mahal! Walang magandang maidudulot sa lipunan iyan! Mga gago na lang ang magpapauto diyan kaya please grumaduate ka na diyan! Atsaka anong kalokohan iyan? Sungalngalin kaya kita sa mga pinagiiisip mo?!" sabi pa nito at bumalik sa upuan niya para lumantak ng pagkain. Parang patay gutom talaga to.

"eh sabi mo magresign na ako! Paano naman si Itang na nasa ospital? Si Inang?" sabi ko pa rito at namalumbaba na lang.

"Eh nabalitaan ko na nakita niyo na ang tunay na mga magulang ni Warren ha? Baka naman makatulong sa inyo si kumag kung sakali kahit papaano." ngumunguya pa ito. Napangiwi naman ako at umiling.

"Hindi namin kailanman kailangan ng tulong sa mga magulang ni Kuya. Atsaka masaya na kami na masaya siya ngayon, no need to ask for help." sabi ko pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

"Pero seryoso ako. Magresign ka na. At payong kaibigan. Sabihin mo sa kanya ang tungkol sa nakaraan niyo. Kung hindi ka matanggap, edi goodbye! Kapag natanggap ka, edi kayo na may poreber, sex all you want na!" natawa naman ako sa mga pinagsasasabi niya kaya binato ko siya ng monay. Gaga talaga kahit kailan.

Nagkwentuhan pa kami hangga't gabi. Nang papasok na naman siya sa kanyang trabaho ay sumibad na ako para umuwi sa bahay ni Kris. Napag-isip isip ko din na nakakahiya naman kung doon pa ako tutuloy. Lalaki pa din naman iyon atsaka baka magalit pa si Cinnamon kapag nagkataon. Bukas sisimulan ko ng maghanap ng matutuluyan tsaka na iyong trabaho.

Pagkarating ko sa street nila Kris ay may namataan akong kulay gray na Montero sa tapat ng gate kaya napalunok ako. Shet. Si Simon ba iyon?

Kinakabahan akong naglakad papunta roon at dahan-dahang binuksan ang gate. Ni hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay umiikot ang sikmura ko sa mga pangyayari.

Pagpihit ko ng sedura ay napalunok pa ako at napapikit. At pagbukas ng pintuan ay doon tumambad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa may sofa ni Kris.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon