CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY

En başından başla
                                    

Maya maya pa, biglang dumating yung floor director ng pageant.

"Girls. You only have 5 minutes to prepare for the pageant." -Floor director.

WHAT? 5 MINUTES? EH HINDI PA NGA AKO NAKAKAPAG BIHIS AT MAKE UP EH. NAKAKALOKA! T__T

Nag madali akong nag bihis at isinuot  ang dress at sapatos na pinahiram ni Kendrix. Buti nalang kasya saakin yung sapatos at damit. Grabe ang ganda ganda naman ng damit at sapatos na to. Lakas maka sosyal. HAHAHA! Pero paano to? Meron nalang akong dalawang minuto bago mag start ang pageant. Makakapag make up pa kaya ako? Hay! BAHALA NA NGA!

Naglagay nalang ako ng liptint at sinuklay nalang yung buhok ko. NAKAKALOKA! Wala na kasing oras para mag ayos eh. Bahala na kung ano yung itchura ko. Makalipas ang dalawang minuto, nag simula na ang pageant. Lumabas na kami isa isa at pumunta na sa stage. Nang ako na ang lalabas, JUSMIYO MARIMAR! Nangangatog ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. Yung parang ayaw ko nang maglakad palabas pero no choice ako eh. Bakit ba kasi pumayag pa ako! Kung hindi lang talaga ako naawa dun sa floor director, hindi naman ako papayag eh. NAKAKAINIS!!  Umiiyak na ang kili kili ko sa sobrang kaba. JUICECOLORED! Kaya mo yan Athena. Kaya mo yan! Wag kang kakabahan. Okay?

*INHALE.. EXHALE.. INHALE.. EXHALE..*

Nang lumabas na ako, biglang naghiyawan ang mga tao. Lalo akong kinabahan. Nanginginig ang kamay ko. Nang biglang sumigaw si Kendrix.

"GO ATHENA!! WAG KANG KAKABAHAN!! KAYA MO YAN!!" sigaw ni Kendrix habang may hawak na bond paper na may nakasulat na,

'GO ATHENA!'

Biglang lumakas ang loob ko ng dahil sa pag suporta ni Kendrix saakin. Teka! Nandito kaya si Calyx? Sana naman nandito siya. Para mas lalong lumakas ang loob ko. Lumingon lingon ako at hinanap si Calyx sa audience pero hindi ko siya nakita. Siguro nga iniiwasan pa niya ako. Hay! Wala naman akong magagawa eh. Pero okay lang yun nandito naman si Kendrix para suportahan ako.

Makalipas ang 30 minutes, talent portion na. JUSMIYO! Wala akong alam na talent. Bakit ba kasi may ganito pang portion? Wala ngang long gown pero may talent portion naman. NAKAKALOKA! Kailangan pa ba ito? LUPA KAININ MO NA AKO PLEASE? T__T

Maya maya pa, tinawag na ako para mag perform. Lumabas na ako at tumayo sa stage. Biglang naghiyawan ang mga audience ng paglabas ko. NAKAKALOKA. Nag e-expect ata sila na maganda ang gagawin ko. Ehhh hindi ko nga alam kung anong gagawin ko ehh. Hay nako naman! T__T

"Ano na? Di ka pa ba magsisimula?"
"Ano pang hinihintay mo? Pasko?"
"Kung hindi ka mag ta-talent bumaba kana diyan!"

Sigaw ng mga audience. JUICECOLORED! HINDI KO NGA ALAM ANG GAGAWIN KO EHH. Papaalis na sana ako nang biglang naghiyawan ang mga tao. Napalingon ako at nakita ko si Calyx nag nag lalakad papalapit saakin habang may hawak na violin. Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Wag kang kakabahan. Ako bahala sayo." bulong ni Calyx.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at lumakas ang loob ko ng makita ko si Calyx.

"Ready kana ba?" Tanong ni Calyx.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa tanong ni Calyx.

"Ha? Ready saan?" Tanong ko.

Hindi na sumagot si Calyx sa tanong ko. Bigla siyang naupo at tumugtog ng violin. Tinugtog niya ang YOU ARE THE REASON by CALUM SCOTT. Tinignan ako ni Calyx at ngumiti siya saakin. Kumanta ako habang si Calyx naman tumutogtog ng violin.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin