CHAPTER 27: SCHOOL FAIR

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Girls look oh. Grabe kaka upload lang nung pictures nila trending agad."
"Oo nga. Grabe ang ganda ganda talaga niya." sabi ko.
"Fan na fan talaga ako ng dalawang to. Bagay silang maging mag jowa noh? Im so happy for them."
"Oh yes. I agree to that. Bagay na bagay sila ohhh. Pusuan natin. Tapos i-share natin."

Usapan ng grupo ng mga babae sa hallway habang nakatingin sa mga cellphones nila. Sino naman kaya ang pinaguusapan nila? For sure picture ko yan at ni Kendrix. Lumapit ako para kausapin sila.

"Hi excuse me. Alam ko naman na bagay kami ni Kendrix. At alam ko din na maganda ako at bagay na bagay kaming dalawa. Keep on sharing our pictures okay?" sabi ko.

Tinignan lang nila ako ng walang reaksyon sa mukha.

"Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ko.
"Excuse me lang Angel pero hindi pictures mo ang tinitignan namin. Picture ni Athena at ni Kendrix ang tinitignan namin. Hindi kana sikat ngayon Angel. Si Athena na ang sikat ngayon. And you know what, mas maganda siya at mas bagay sila ni Kendrix." sabi ni Ate girl.

Tinignan ko ng masama yung babae.

"WHAAAAAAAT? HOW DARE YOU TO SAY THAT! PATINGIN NGA!" sabi ko.

Kinuha ko ang phone niya at tinignan ang picture. Nanlaki ang mata ko ng dahil sa nakita ko.

"Akin na yan phone ko. And please lang, pwede wag kang assuming Angel. Sikat ka noon, laos kana ngayon. Si Athena na ang bagong reyna sa school na to hindi na ikaw. Tara na nga girls." sabi ni Ate girl.

HINDI TO PWEDENG MANGYARI.  INAGAW NA NI ATHENA SI KENDRIX SAAKIN PATI BA NAMAN ANG TRONO KO BILANG REYNA NG SCHOOL NA TO? HINDI NA AKO PAPAYAG NGAYON. PASENSYAHAN TAYO ATHENA. GANITO BA ANG GUSTO MONG LARO ATHENA? SIGE! PAG BIBIGYAN KITA. MAKIKIPAGLARO AKO SAYO NG NAAYON SA MGA KONDISYON KO. HUMANDA KA SA GAGAWIN KO SAYO ATHENA. TIGNAN KO LANG KUNG KAKAYANIN MO ANG GAGAWIN KO SAYO.

ATHENA'S POV

Makalipas ang 10 minutes, umalis na kami ni Kendrix sa wedding booth. Sa gitna ng kahimikan, biglang nagsalita si Kendrix.

"Sorry dun sa nangyari kanina ah?" sabi ni Kendrix.
"Nakakatawa noh? Napagkamalan tayo na mag boyfriend at girlfriend. Nakakaloka!" Tumatawang sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Kendrix ng seryoso. Nakakaloka! Bakit kaya ganyan siya makatingin? Kinakabahan ako ng bonggang bongga ah!

"Eh... girlfriend naman talaga kita eh at boyfriend mo naman ako." seryosong sabi ni Kendrix.

Bigla akong naubo  ng dahil sa sinabi ni Kendrix. Boyfriend ko daw siya?  JUICECOLORED! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. NAKAKALOKA!

"Ha? What do you mean Kendrix?" tanong ko.
"Sinabi ko na yan sayo diba? Kaibigan kitang babae at kaibigan mo akong lalake. So sa english, GIRLFRIEND KITA AT BOYFRIEND MO NAMAN AKO." sabi ni Kendrix.

Bigla akong natawa sa sinabi ni Kendrix. May point din tong mokong nato. LAKAS NG AMATS! HAHAHAHA!

"Bakit ka tumatawa? May mali ba sa sinabi ko?" tanong ni Kendrix.
"Wala. May point ka kasi dun eh. Hahaha! Alam mo I like your sense of humour." sabi ko.
"I LIKE YOU." sagot ni Kendrix.

Nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi ni Kendrix.

"ANO? ANONG SABI MO KENDRIX?"  Tanong ko.

Biglang napakamot sa ulo si Kendrix. Parang ewan! -____-

"Ha? Ang sabi ko, I like your sense of humour too." sabi ni Kendrix.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ