"Anong dati? Matagal na ba kayong magkakilala ni Reed, may secret affair ba kayo?" nagtatakang tanong niya.
Tumango-tango ako at ikinuwento ko sa kaniya ang lahat.

"Talaga? Since grade school may gusto ka na sa kaniya?" Dali-dali kong tinakpan ang bibig ni Chinny dahil baka may makarinig sa aming pinag-uusapan.

"Ano ba, puwede bang hinaan mo ang boses mo," bulong ko sa kaniya na agad naman niyang tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa kaniyang bibig.

"Sorry na, pero huwag mo nang uulitin ilagay ang kamay mo sa bibig ko mamaya may virus ka mahawa pa ako sa iyo," she said then binigyan ako ng isang irap na kulang nalang ay mawalan na talaga siya ng mata.

"Excuse me baka nga mas malinis pa ako sa iyo," saad ko.

"Pero girl balik tayo. Since grade school talaga ay magkakilala na kayo ni Reed?"tanong niya.

"Yes, magkababata talaga kami, lagi kaming magkasama at doon ako nagsimulang magkagusto sa kaniya," kuwento ko.

"Alam mo Kieffer mukhang mahihirapan tayong mabawi ang kaibigan mong si Reed."

Seryoso akong tumingin sa kaniya nang banggitin niya iyon.

"Bakit naman?"

"Nakita mo naman di ba kanina sobrang sikat na ng kaibigan mo, then I saw in his social media account na may ka-date siyang babae."

Gusto ko mang sabunutan si Chinny ngayon dahil baka pinagtri-trip-an niya lang ako pero pinanatili kong kalmado ang sarili ko.

"Ano ba Chinny, you know girl nakakaasar ka, kung hindi ko pa nababanggit sa iyo hindi ako katulad ng ibang babae dito na susuko na lang basta-basta at kung totoo man ang sinasabi mong may babaeng ka-date si Reed ko gagawa ako ng paraan para matigil iyon," seryoso at confident na confident kong pagkakasabi.

"Babae ka ba?"

At doon ko na nabatukan si Chinny.

"Aray ha, namumuro ka na kung hindi ka lang matangkad baka nasapak na kita!" asar na asar niyang saad.

Natigil kami sa pag-uusap ni Chinny nang marinig namin ang pagtunog ng bell.

"Sige girl una na ako, magkita na lang tayo mamaya. By the way, anong strand ang kinuha mo?" pahabol niyang tanong.

Inayos ko muna ang gamit ko at saka tumayo. "ABM ang kinuha ko, ikaw ba?" balik tanong ko sa kaniya.

"GAS, wala eh, hindi pa ako sure kung ano talaga ang gusto ko," saad niya.

Sabay na kaming lumabas ng cafeteria ni Chinny pero sobrang gulat ko nang makitang may kasamang babae si Reed sa 'di kalayuan.

"Teka si Reed ba iyon?" Hinatak ko bigla si Chinny upang tumigil sa paglalakad.

"Saan?"

"Yon oh, may kasamang babae," sabay turo kung nasaan sila Reed.

"Grabe girl nakita mo pa iyon ang talas talaga ng mga mata mo pagdating kay Reed," saad niya.

"Sino yong kasama niya?" kunot-noo kong tanong.

"'Di ako sure friend pero mukhang pamilyar sa akin yong mukha noong babae."

Bigla akong kinutuban na baka yong babaeng yon ang tinutukoy niya kanina.

"Bakit girl selos ka?" tanong bigla ni Chinny.

"No way, bakit ako magseselos diyan, kung tutuusin mas maganda pa ako diyan eh," confident kong sabi sabay taas noo.

"Ganda ka girl? Pero sorry kasi hindi pumapatol si Reed sa kagaya mo!" At sa pangatlong beses ay nabatukan ko na naman siya.

"Alam mo panira ka ng moment," sabi ko at iniwan na siya doon at nagsimula na ulit maglakad.

"Oy teka lang binibiro lang kita," habol niya sa akin. Pero hindi ko siya nilingon at dire-diretso lamang ako sa paglalakad.

"Hoy girl attitude ka?"

Humarap ako sa kaniya at inirapan siya.

"Coming from you, ha!" I said then smirked.

"Alam mo imbes na pairalin mo ang kabaklaan mo diyan, pagplanuhan na lang natin kung paano masisira ang date mamaya noong babae at ni Reed," saad niya.

"Seriously, mas marami ka pa yatang alam sa akin kaysa kay Reed," taas kilay kong sabi.

Humalukipkip siya at maigi akong tinitigan sa mata.

"Kung hindi mo naitatanong, isa ako dati sa mga fan girls ni Reed pero tumigil ako dahil na-realize ko na walang maidudulot sa akin ang fan girling. Halos dati ay lagi kong sinusundan si Reed kahit saan man siya magpunta halos lahat ng ginagawa niya sa buhay ay updated kaming mga fan girls niya," mahaba niyang litanya.

"So, stalker ka niya, ganon?"

"Yes, oo, dati, pero ngayon hindi na!"
Hindi ko alam kung magtitiwala ba ako sa babaeng ito maloko si Chinny pero mukha naman siyang mapagkakatiwalaan.

"So anong una nating gagawin?" tanong ko sa kaniya.

"Naku, mamaya na lang natin iyan pag usapan baka ma-late na tayo. Magkita na lang tayo sa school garden mamayang uwian, sige mauna na ako," paalam niya sa akin at iniwan na akong tulala doon.

"Ano kayang plano ng babaeng iyon, hindi na ako makapaghintay na masimulan ang plano namin." Agad na akong tumakbo papunta sa classroom namin at hindi na makapaghintay na mag-uwian.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon