[04] Game of Deception

279 25 27
                                    

SEBASTIAN

A DEEPER mystery takes greater amount of time, energy, effort, and patience in order for someone to fully dip the bucket, and fetch the trapped frog out of the well. Isa na sa mga misteryong 'yon ang pangyayaring bumago sa takbo ng aking buhay.

Kagabi lamang, inatake ako sa elevator ng hotel. Nilooban ang aming unit. There were two thieves that might provide extra rope that would help to reach the bottom of the shadowed well. Hawak namin ang isa habang malaya pa rin ang kasabwat niya. It is a high-risk-high-reward path. Kapag nagkamali kami ng galaw, maaaring makita ko na lang ang sarili ko sa loob ng piitan. Puwede ring matagpuan na lamang ako ng iba na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.

Nagtatago pa rin sa kadiliman ang aming kalaban, not just the thief who escaped. As Delvin said, malaki ang tiyansa na isang malaki at mapanganib na grupo ang may kagagawan ng pagkawala ng detective club na kinabibilangan ng past Sebastian—a group who's ready to wash their hands with blood if needed.

Thankfully, Delvin seemed to be really careful about his action. Kaninang madaling araw ay nakita ko siyang may inilalagay sa aming bihag. Kung hindi ko lang alam ang planong 'yon, iisipin ko nang may kakaibang fetish ang aking roommate.

To distract myself from thinking, pinagmasdan ko na lamang ang mga estudyanteng kasabayan ko sa paglalakad patungong auditorium. Hindi ko alam kung saan 'yon kaya sumasabay lamang ako sa agos ng mga naka-maroon na uniporme.

I myself wear the prescribed black slacks for males (black skirt naman ang sa mga babae), white polo layered by a three-buttoned maroon blazer in which our University emblem is sewed to its upper-right side, at para kumpletuhin ang nakaka-alinsangan na uniform, mayroon din kaming maroon necktie for boys while bowtie for girls.

Buti na lamang ay mayroong naka-install na air-conditioning unit sa bawat facilities ng unibersidad. Gayunpaman, impiyerno ang kakaharapin namin sa tuwing hahakbang sa labas.

Few minutes later, nakapasok na ako sa auditorium, at nakalanghap ng preskong hangin. Bumabaha ng tao sa loob, pero maayos na nakalinya ang mga ito. Again, sumabay lamang ako sa mga pumapasok na naghatid sa akin sa opening ceremony area. Inilakad ko ang aking mata sa tila malaking cinema house na may libo-libong upuang naka-arrange kagaya ng sa thrust theatre.

Marami-rami ang mga na-occupy na upuan, pero marami pang parating na estudyante. From a distance, nakakita ako ng isang nakatayong estudyanteng kulay-aquamarine ang uniporme. Mayroon siyang itinataas na signage kung saan nakasulat ang info about sa year, strand, at section.

Systematic. Organized. The brain behind this ceremony utilizes its officers and authority well. Still, where could I possibly find the bearer of the "11 - HUMSS A" signage in this large place?

I keep on sighing every minute while searching around. Ang laki kasi ng auditorium at tanging mga signage lang ang basehan ko sa paghahanap. Thankfully, I manage to locate my classmates after going down at the third column of seats from the left.

I shoot a quick glance at the almost-filled seats on our area, scanning my classmates. Halos sila'y nagkakamabutihan na, nagkukuwentuhan na parang matagal ng magkaibigan. Talking about HUMSS students who shall be good on conversing and persuading people.

Umupo na ako sa isang bakanteng puwesto, kaliwa ng isang babaeng tahimik lang na nakaharap sa may entablado. Akala ko, 'yon ang pinakatahimik na area hanggang sa tila kiniliti ako ng aking pandama. I darted a sideward glance to my left where I spotted a girl whose hands are trembling, and whose face is red.

A strange and nervous lady. Mid-length feather-layered jet black hair. Almond shape eyes. Pointed nose. Porcelain complexion. Payat at mukhang sakitin, lagi kasi siyang umuubo. How I wished that I brought a face mask and hand sanitizer. I can't imagine myself getting those bacteria from her non-stop cough.

The Incomplete Detective [Volume 1]Where stories live. Discover now