CHAPTER 25: VICTORY PARTY

Zacznij od początku
                                    

"PWEDE BA MAXINE SA SUSUNOD WAG KANG KAKATOK NG BIGLAAN! NAGUGULAT AKO EH!" Pagtataray ko.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"Aba'y makulit ka talaga ahhh."

Dali dali kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nag simula ulit mag taray.

"MAXINE ANO BA! ANG KULIT MO NAMAN EH! C.....C...CALYX? A...a..anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

JUICECOLORED! Akala ko si Maxine si Calyx pala. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Nakakaloka! Nakakahiya yung ginawa ko. Tsaka Hindi niya pwedeng makitang ganito ang itchura ko.

"Hi Athena! Anong nangyari sa mukha mo?" Tanong ni Calyx.

Bigla akong napahawak sa pisnge ko at tinakpan ang lipstick sa mukha ko.

"Ahhh.... Ahhhhh.. Eto? Hmmm hindi mo ba alam na uso ang ganitong style ngayon? Ginagaya ko lang yung nakita ko sa mga makeup tutorial sa youtube." sabi ko sabay sara ng pinto.

JUICECOLORED! NAKAKAHIYA! PALUSOT PA MORE ATHENA! SIGE PA! ILUSOT MO PA! NAKAKALOKA! MEMA KADIN ATHENA NOH? MEMASABI LANG. LUPA KAININ MO NALANG AKO PLEASE? T__T

Nag madali akong inayos ang make up ko. Makalipas ang 10 minutes, bumaba na ako.

*AUTHOR'S NOTE: NAKASUOT SI ATHENA NG GUCCI NA T-SHIRT, FADED RIP JEANS AT PUTING SAPATOS.*

Nang makababa na ako, tinitigan ako ni Calyx na parang tutunawin niya ako sa lagkit ng tingin niya. Panget ba ang suot ko? Bakit kaya ganyan makatingin si Calyx? Nako naman. Nako-conscious tuloy ako.

"Ang ganda ganda naman ng ate ko." sabi ni Maxine.
"Che! Tigilan mo nga ako. Bolero!" sabi ko.
"Totoo naman anak. Ang ganda mo kaya!" sabi ni Tito Kennedy.
"Tama ang Tito Kennedy mo. Sobrang ganda mo anak. Manang mana ka sa mama mo." sabi ni Tita Alex.
"Nako si tita Alex talaga. Alam ko naman po yun eh. Kayo po ni mama ang pinakamagandang nanay sa buong mundo noh." sabi ko.

Napangiti si tita Alex ng dahil sa sinabi ko.

"Aba'y ano pang hinihintay niyo? Umalis na kayo at malapit na mag alas nuwebe. Mag ingat kayo doon ha?" sabi ni Tito Kennedy.
"Opo Tito Kennedy magiingat po kami." sagot ko.

Biglang tinignan ni tita Alex si Calyx.

"Ingatan mo ang anak namin ha?" sabi ni Tita Alex.
"Opo tita. Pangako ko po na iingatan ko si Athena. Sige po. Mauna na po kami." Nakangiting sagot ni Calyx.

Naks naman. Lakas makaprinsesa mga bes. Hahahahaha! Nang makalabas na kami ng pinto nang biglang akong tinawag ni Calyx.

"Athena?"

Napalingon ako at tinignan si Calyx.

"Ano yun Calyx?" tanong ko.

Tinitigan lang ako ni Calyx sabay sabi nang...

"Ang ganda ganda mo Athena." sabi ni Calyx sabay hawak sa kamay ko.

Nanlaki ang mga mata at tenga ko ng dahil sa sinabi ni Calyx. ENE BE! Nakakaloka ka naman Calyx eh. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Para na akong maiihi sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon.

"Bakit na mumula ka Athena? Masama ba pakiramdam mo?" tanong ni Calyx.
"Ha? Ako na mumula? Hindi ahh. HAHAHA! Sa make up lang siguro yan." sabi ko sabay hawak sa pisnge ko.
"Ahhh ganon ba? Okay sabi mo eh." Nakangiting sagot ni Calyx.

Maya maya pa, biglang dumating si Kendrix.

"Kendrix? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Ano pa? Edi sinusundo kita. Tinext kasi ako ni tatay kennedy na bantayan kita doon." sabi ni Kendrix.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz