CHAPTER 24: FRIEND REQUEST

Start from the beginning
                                    

Suguro kung wala si Kaycee hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Buti nalang meron akong kapatid na kagaya niya. Nang maka alis na si Kaycee, agad kong kinuha ang phone ko para i-add si Athena sa Facebook.

*FRIEND REQUEST SENT*

Pag inaccept ni Athena ang friend request ko, aamin na ako sakanya. Aamin na ako na gusto ko siya. Sana i-accept niya ang request ko. Makalipas ang ang ilang minuto, wala parin respond si Athena sa request ko, hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

ATHENA'S POV

Nang matapos ang play namin, agad akong umuwi sa bahay para makapag pahinga muna. Grabe! Pagod na pagod ako eh. Since walang pasok mamayang hapon. Matutulog talaga ako ng bonggang bongga! Mag pre-prepare kasi sila for the school fair bukas. Hay excited na ako para sa mga magagandang booths at exciting events bukas. Sana naman enjoy ang fair bukas. Habang nakahiga sa kama ko ng bigla kong naalala yung nangyari kanina.

Nakakaloka yung lalake na yun ahhh. Pagkatapos niyang nakawin ang first kiss ko. Pati ba naman ang second at third kiss ko nanakawakin pa rin niya? ABA'Y LOKO YUN AHH! Napaka PERVERT niya! Magkaibang magkaiba talaga sila ni Calyx kasi mabait, matalino, hindi mayabang, caring at higit sa lahat gwapo siya noh. Pero si Kendrix? PARANG EWAN! Nang makita ko kanina si Kendrix, gusto ko siyang SAMPALIN, SABUNUTAN, TADYAKAN, TUKTUKAN, SIKMURAAN AT TORTURIN sa pag nanakaw ng first, second at third kiss ko pero nung makita ko ang mga ngiti niya para biglang nawala yung galit ko. Parang biglang nag bago yung mood ko. Ano ba talagang meron sa mokong na yun? Dont tell me isa na rin ako sa mga babaeng nalaglag ang PANTY sakanya? NAKO! MALABONG MANGYARI YUN NOH!! JUICECOLORED! Paano naman mangyayari yun eh si Calyx nga ang mahal ko? Si Calyx lang ang lalake na gusto kong makasama habang buhay. Pero bakit sa tuwing nakikita ko si Kendrix, biglang bumibilis ang tibok ng puso ko at parang tumitigil ang mundo ko sa tuwing kasama ko siya. Bakit kaya ganon ang nararamdaman ko para sakanya? ANG WIERD NAMAN. Hay ewan! Umayos ka Athena! Si Calyx ang gusto mo. Si Calyx ang mahal mo. Okay? Wag kang maconfuse. Hindi mo naman gusto si Kendrix diba? Kaya wag kang O.A Athena. Pwede ba? Kalma lang. KALMA!

*INHALE.. EXHALE.. INHALE.. EXHALE..*

JUICECOLORED! Ewan! Kinakabahan parin ako!! Ano ba yan! Makapag Facebook na nga lang! Agad ko naman kinuha ang phone ko at binuksan ang Facebook ko. NAKAKALOKA! Sasabog na ata ang facebook ko sa dami ng Friend requests, messages, at notifications.

7,798 FRIEND REQUEST

3,679 MESSAGES

10,817 NOTIFICATIONS

Seryoso ba to? FAMOUS NA AKO? Dati dati, halos walang pumapansin sa Facebook ko pero ngayon, nakakaloka sasabog na ata Facebook ko sa dami ng notifications, messages at friend requests. Kaya ko kaya tong basahin lahat? Siguro baliw na ako pag natapos kong basahin tong lahat. Sa dami nila hindi ko na nga alam kung saan ako mag sisimula eh. Ano ba yan! Bahala na! Una kong tinignan ang mga notifications.

Nakakaloka naman. Puro Like, Heart, Wow and share lang pala ng pictures ko ang nandito. Sunod ko naman tinignan ang mga message. Nakakaloka. Ang dami dami naman ng message request karamihan mga lalake na may gusto daw saakin ang nag memessage tapos mga fan girl. NAKAKALOKA! Ganon na ba ako ka famous ngayon? Grabe hindi ako makapaniwala ahhh!

At ang huli kong tinignan ang mga friend request. At naloka ako ng bonggang bongga ng makita ko ang first two name na nasa friend request list ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now