CHAPTER 22: LOVE BATTLE

Start from the beginning
                                    

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"Sino yan?" tanong ko.
"Kuya its me, Kaycee. Bumangon kana diyan. Hindi kapa kumakain simula kanina eh. Baka magkasakit ka niyan ng dahil sa ginagawa mo eh. Nag aalala na ako." Sagot ni Kaycee.
"Wala akong gana kumain Kaycee. Mauna kana kumain." sabi ko.

Maya maya pa pumasok na si Kaycee sa kwarto ko.

"Bakit kuya? Tell me. May problema ka ba?" tanong ni Kaycee.
"Wala okay lang ako. Wag mo nalang akong pansinin." sabi ko.
"Okay? Ehh mukhang biyernes santo yang mukha mo eh. Dahil ba yan doon sa crush mo? Anong nangyare ba?" sabi ni Kaycee.
"Iniiwasan niya ako eh. I dont know why. Ganon ba talaga kayong mga babae?" sabi ko.
"What do you mean kuya? I dont understand eh." tanong ni Kaycee.
"Umiiwas nalang ba kayo sa mga lalake ng walang dahilan?" tanong ko.
"Hindi naman lahat kuya. Baka may problema lang siya ngayon kaya siguro nag kakaganon siya. Hayaan mo muna siya ngayon. Let her enjoy her self now." Sabi ni Kaycee.
"Pero bakit kailangan niya pa akong iwasan? Kung may problema siya, ehh pwede niya naman sabihin saakin eh. Handa naman akong makinig at damayan siya. Pero paano ko nga malalaman kung hindi niya naman sasabihin diba?" sabi ko.
"Alam mo kasi kuya, minsan kasi kailangan din namin mga babae ng alone time. Yung kami lang. Yung walang istorbo para hanapin ang sarili namin at makapamuni muni. Bigyan mo lang siya ng sapat na oras. Okay?" Seryosong sabi ni Kaycee.
"Pero nag aalala pa rin ako eh. I dont know what to do. Halos mabaliw na ako sa kakaisip eh." sabi ko.

Tinignan ako ni Kaycee at lumapit siya saakin.

"You dont have to kuya. She will be fine soon. Kaya wag kang praning okay? Anyways, may papakilala pala ako sayo sa birthday ko. And this girl will be my special guest. For sure magugustuhan mo siya." sabi ni Kaycee.
"SPECIAL GUEST? Do I know her ba?" Tanong ko.
"Basta its a secret kuya. No further question please?" sagot ni Kaycee.
"Okay! Sige na nga. Hindi na po mangungulit. Aba'y anong oras na? Kumain kana tapos after non matulog kana para lumamaki ka pa." sabi ko.
"Before I leave remember this kuya. Wag na wag kang mapapagod na suyuin siya. Okay?" sabi ni Kaycee.
"Oo alam ko yun Zoey. Teka lang may nagugustuhan kana ba? Bakit parang expert na expert kana sa love ha?" tanong ko.
"Ha? Wala kuya. Alam mo naman ang priority ko diba?" sagot ni Zoey.
"Sige na matulog kana nga Kaycee. May pasok pa tayo bukas." sabi ko
"Good night kuya." sabi ni Kaycee sabay yakap saakin.
"Good night baby sis." Sagot ko.

Nang makaalis na nga si Kaycee, nahiga ulit ako sa kama ko. Ganon ba talaga ang mga babae? Ang COMPLIKADO naman. May nagawa ba akong mali? May na sabi ba ako? Hay! Hindi ko talaga alam ehh. Ano ba yan! Hindi ako sanay na iniiwasan niya ako ng ganito. Pakiramdam ko mababaliw na ako kakaisip eh. Okay na sana ang lahat ehh. Dumating pa kasi yang Calyx na yun eh. Panira talaga ng ng diskarte kahit kailan! Una si Scarlet sunod naman si Athena. Kasalanan to lahat ni Calyx eh. Hay ano kaya ang gagawin ko para pansinin na ako ni Athena? HINDI KO NA ALAM. T__T

ATHENA'S POV

KINAGABIHAN...

Habang kumakain kami ng dinner nang biglang nangulit si Maxine.

"Ang haba haba ng buhok mo ate. Grabe! Imagine, dalawang lalake ang nag aagawan para sayo. Iba talaga pag maganda." sabi ni Maxine.

Tinignan ko ng masama si Maxine.

"Tumigil ka nga diyan Maxine! NAKAKALOKA KA NAMAN! Concern lang sila saakin kaya ganon. Tsaka kaibigan ko kasi sila kaya siguro ganon nalang ang pag aalala nila saakin. Yun lang yon. Okay?" sagot ko.

Nang bigla namang sumabat si Tita Alex.

"Ehh sino ba talaga ang gusto mo sakanila?" tanong ni Tita.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now