CHAPTER 21: COMPLICATED

Start from the beginning
                                    

Habang nag hihintay sa pag gising ni Athena, hawak hawak ko lang ang kamay niya. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakaidlip na pala ako habang hawak ang kamay niya.

Maya maya pa, nagising nalang ako nang hinimas ni Athena ang buhok ko. Nag madali akong bumangon at agad akong kinamusta ang kalagayan ni Athena.

"Athena? Okay ka lang ba? Ano masakit sayo?" tanong ko.
"Wala okay lang ako. Nasaktan ka pa tuloy ng dahil sa pag tatanggol mo saakin." sabi ni Athena sabay hawak sa pasa ko malapit sa bibig ko.
"Nako wala yun. Wag mo nang intindihin yun. Pasa lang to. Mawawala din to. Wag ka nang mag alala ha? Okay lang ako." sabi ko.

Tinignan ako ni Athena. Kahit hindi niya sabibihin, kitang kita sa mga mata niya ang sobrang pag aalala niya saakin.

"Bakit pala nandoon ka sa lugar na yon? Sinusundan mo ba ako?" tanong ni Athena.
"Oo, sinusundan kita Athena. Gusto ko lang kasi siguraduhin na makakauwi ka ng ligtas sainyo. Hindi ko kasi mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayong masama." sabi ko.

Biglang nanlaki ang mata ni Athena ng dahil sa sinabi ko.

"ANO??" Gulat na tanong ni Athena.
"Nangako kasi ako kay tatay Kennedy na babantayan at aalagaan kita." sabi ko.

Tinignan lang ako ni Athena habang hawak ko ang kamay niya. Grabe ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko biglang tumigil ang mundo. Ngayon ko lang ito naramdaman. Ganito ba talaga pag inlove ka? Yung feeling na hinding hindi mo na iindahin ang lahat ng sakit para sa taong mahal mo. Sana di na to matapos ang gabing to. Sana ganito nalang kami hanggang umaga.

NANG BIGLANG...

"NASAAN ANG MGA NANAKIT SAYO ATE? SUSUGURIN KO NA BA?" sigaw ni Maxine.
"Wag ka ngang O.A Maxine. Wala na sila. Iniligtas ako ni Kendrix." sabi ni Athena.

Tinignan ako ni Maxine ng nakangiti tapos lumapit siya saakin.

"Naks! Lakas maka superman kuya Kendrix ah. Kaya nga gustong gusto kita para sa ate ko eh." sabi ni Maxine.
"Tumigil ka nga Maxine! Magkaibigan lang kami ng ate mo. Hanggang dun lang yun." sabi ko sabay kamot sa ulo ko.
"Pasensya na ahh. Mapagbiro lang talaga ang pinsan ko." sabi ni Athena.
"Okay lang. Masasanay din ako." Nakangiting sagot ko.

Maya maya pa, Lumapit na si tatay Kennedy at nanay Alex saakin.

"Salamat sa pag liligtas kay Athena ha? Babawi kami sayo." sabi ni Nanay Alex.
"Kung hindi dahil sayo siguro may nangyari nang masama kay Athena." sabi naman ni Tatay Kennedy.

Tinignan ko sila at ngumiti lang ako.

"Wala po yun tay. Diba po nangako ako sainyo na iingatan at aalagaan ko siya. Tinutupad ko lang po ang pangako ko." sabi ko.

Tinapik ni tatay Kennedy ang balikat ko at ngumiti saakin. Maya maya pa, lumapit na sila kay Athena.

"Anak? Okay ka lang ba?" Tanong ni Tatay Kennedy.
"Ano masakit sayo nak?" tanong ni nanay Alex.
"Tita, Tito? Ano po ginagawa niyo dito?" tanong ni Athena.
"Tinawagan kami ni Kendrix at sinabi ang nangyari sayo. Buti nalang nandoon si Kendrix para iligtas at protektahan ka. Kasi kung hindi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag manangyari sayong masama." sabi ni tatay Kennedy.

Tinignan ako ni Athena. Tumayo siya at niyakap ako.

"Salamat Kendrix sa pag liligtas saakin ah? Utang ko ang buhay ko sayo. Gagawin ko lahat makabawi lang sayo." Bulong ni Athena.
"Wag mo na isipin yon. Ang isipin nalang natin ngayon, okay kana." Sagot ko.

Hindi na sumagot si Athena at tinitigan nalang ako habang nakangiti. Habang lumilipas ang mga araw at oras, lalo akong napapamahal kay Athena. Hanggang ngayon hindi ko parin masagot ang sarili ko kung bakit gustong gusto ko siya. Basta ang alam ko, mahalaga si Athena para saakin.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now