CHAPTER 20: SUPERMAN

Start from the beginning
                                    

Pero hindi ako pinansin nung lalake at patuloy pa din sa pagtakbo. Hindi niya ba alam ang salitang sorry? NAKAKAINIS! Nadumihan na tuloy ang damit ko. ARRRRRGGH!! Hindi ko man nakita ang mukha niya pero nakita ko na may suot siyang sumbrero na galaxy yung design. May araw ka din saakin. Akala mo ahh. Humanda ka saakin pag nakita kita ulit.

Makalipas ang 5 minutes, nakarating na ako sa library. Naupo na ako at agad nag simulang basahin ang favorite book ko, ang Romeo and Juliet. Siguro nabasa ko na to a hundred times na ata. Ang ganda kasi ng story eh. Nang biglang may kumausap saakin.

"Excuse me. May nakaupo na ba dito?" tanong ni Ate girl.

Teka, tama ba ang nakikita ko? Diba siya si mystery girl? Grabe ang ganda ganda niya pala talaga lalo na sa personal. My gosh! Im a big fan of her. Sigurado ako na bagay na bagay sila ni kuya Kendrix.

"Ahhh wala pa po. Upo kana po." sabi ko.

Tinignan niya ako at ang librong binabasa ko.

"Romeo and Juliet ba yan binabasa mo?" tanong ni Ate girl.
"Ahhh opo. This is my favorite book eh." sabi ko.
"Ako din. You know what I red it a hundred times na." sabi ni Ate girl.
"Talaga po? Ako din po ehh. Almost a hundred times ko na din nabasa to. Siguro po ate mag kakasundo tayo pagdating sa mga books. Anyway, ako nga po pala si Kaycee. And you are?" sabi ko.
"Athena. Ako si Athena Salvador." sabi niya sabay abot ng kamay niya.

Hanggang sa napansin niya ang suot kong damit.

"Teka ano ba nangyari diyan sa damit mo?" tanong ni ate Athena.
"Ahhh eto po? Kasi may nakasalubong po kasi akong walang modong lalaki. Ang sama sama ng ugali! Siya na nga ang bumangga saakin tapos hindi pa siya marunong mag sorry. Nakakainis eh." sabi ko.
"Hayaan mo na. Meron akong extrang damit dito, magpalit ka muna." sabi ni Ate Athena.

Kinuha ko ang damit na ibinibigay ni ate Athena at nag palit na ako. Bukod sa maganda si ate Athena, mabait pa siya. Bagay na bagay talaga sila ni kuya Kendrix. For sure madaming may gusto sakanya kasi ang ganda niya eh.

"Alam mo ate Athena, kung makikilala mo yung kuya ko for sure mag kakasundo kayo. Mabait po yun. And I think nga bagay na bagay po kayo eh." sabi ko.

Biglang napakamot sa ulo si Ate Athena.

"Ahhh ganon ba. Sige next time pakilala mo siya saakin ha? Sige. Mauna na ako ah kasi may klase pa ako eh. Ingat ka. Nice to meet you Kaycee. Bye!" Sabi ni Ate Athena.

OMG! HINDI AKO MAKAPANIWALA NA FRIENDS NA KAMI NI MYSTERY GIRL! I THINK I SHOULD INVITE HER TO MY BIRTHDAY. AND SHE WILL BE MY SPECIAL GUEST. FOR SURE MAGUGUSTUHAN SIYA NI KUYA KENDRIX. GRABE ANG SAYA KO!

Nang umalis na si Ate Athena, pumunta na din ako sa Dance class ko. For sure madami akong makikilalang new friends doon. Excited na ako to meet them. Nang makarating na ako doon, nang bigla akong makakita ng lalake na may galaxy na sumbrero na palapit sa direction kung nasaan ako.

"Finally! Nakita din kita! Lagot ka saakin!" bulong ko.

Nang makalapit na saakin yung lalake na bumangga saakin, pinalo ko siya ng libro na hawak ko.

"Yan ang bagay sayo. Wala kang modo! Ang sama sama ng ugali mo! Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng magandang asal ha? Hindi ka ba nila tinuruan ng salitang SORRY? Naturingan ka pa namang lalake pero hindi man lang alam yung salitang GENTLEMAN. KALOKA KA!" sabi ko habang pinapalo siya ng libro sa balikat.

Tinignan niya ako ng masama sabay tanggal ng sumbrero niya. Biglang nanlaki yung mata ko ng makita ko yung mukha niya. Matangos na ilong, chinito at pinkish na mga labi.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now