CHAPTER 18: KISSING SCENE

Start from the beginning
                                    

"Ahm sorry miss but we're on the middle of our rehearsals. Kaya kung pwede lumabas kana dito! Wala nang bakanteng role para sayo and hindi kami tumatanggap ng PANGET." sabi ni Angel.

Pero hindi niya pinansin si Angel. Tinignan niya lang ito na parang walang paki alam.

"Ahhm excuse me miss. Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? I said, there's no room for ugly creature like you. Kaya pwede. Umalis kana dito. Naaalibadbaran ako sa itchura mo eh. TSUPE!" pag tataray ni Angel.

Biglang nagtinginan ang lahat ng dahil sa sinabi ni Angel. Habang ako naman uminom nalang ng kape na binili ko sa Starbucks. Nang biglang nagtanong ulit yung professor namin.

"Excuse me miss. I said, sino ka? At bakit nandito ka sa class ko? May kailangan ka ba?" -Professor.

Tinignan ko yung babae with a poker face.

"Ahm ako po si Athena Salvador ma'am. Im really sorry for being late. Dumaan pa po kasi ako sa restroom."

Biglang nanlaki ang mata ko at naibuga ang iniinom na kape ng dahil sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? Totoo ba to? Si Athena at si mystery girl ay iisa? Paano nangyari to? Grabe hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya ba talaga si Athena? Kung ano naman ang nangyari, basta ang alam ko lang, ang ganda ganda ni Athena. SOBRANG GANDA!

"You are so beautiful today Ms. Salvador. You may now sit down beside Mr. Lee." -Professor.

Tumabi nga saakin si Athena. Tinitigan ko lang siya ng tinitigan. Kasi hindi parin ako makapaniwala na ganito pala kaganda si Athena. Taena! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis. Hindi ko man lang magawang titigan si Athena ng diretcho. Grabe ang pawis ko. Bakit ba kinakabahan at pinagpapawisan ako? Hindi ko alam kung bakit eh. Hay nako naman!

"Okay ka lang ba Kendrix? Bakit pawis na pawis ka?" tanong ni Athena.
"Ahhh wala. Okay lang ako."
"Ha? Eh bakit parang may lagnat ka? Sigurado ka ba na ayos ka lang?" sabi ni Athena sabay hawak sa noo ko.
"Oo okay lang talaga ako. Naiinitan lang siguro ako." sabi ko.
"Naiinitan? Eh ang lakas ng ng aircon dito eh. Nilalamig na nga ako sa sobrang lakas ng aircon tapos ikaw pinagpapawisan? Grabe ah. Sigurado ka ba talaga na okay ka lang??" tanong ni Athena.
"Oo okay lang ako. Wag kang mag alala." Nakangiting sagot ko.

Pero ang totoo niyan. Hindi talaga ako okay. Parang sasabog na ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit eh. Basta sa tuwing nakikita ko si Athena. Bumibilis bigla ang tibok ng puso ko. Hindi kaya mahal ko na talaga siya? Hay ewan! Maya maya pa, biglang nag salita yung professor namin.

"Okay listen everyone. Diba sa story ng Snow White, nagising lang si Snow White ng dahil sa true loves kiss diba? So be ready Mr. Lee and Ms. Salvador, kasi magkakaroon kayo ng kissing scene." -Professor.

KISSING SCENE? TOTOO BA TO?  BAKIT MAY GANON? BAKA KUNG ANONG ISIPIN NI ATHENA. KAINIS!

"ANO PO? Bakit po may kissing scene? Parang sobra naman po ata yun sir. Bakit po may ganon?" sabi ni Athena.
"Sinusunod ko lang ang story ng Snow White. At sabi sa story, nagising lang si Snow White galing sa curse ng evil Queen dahil sa TRUE LOVES KISS. So mamili kayo, gagawin niyo ito para sa grades niyo  or wala kayong grades? Remember this play is a big factor to your grades. You are graduating guys. So what is your decision? Is it a YES? o is it a NO? Tell me." -Professor.

Hindi to pwede. Kailangan namin to para sa grades namin. Ano ang gagawin ko? Isip Kendrix. Isip!

"Sige po sir. Pumapayag na po ako. Para sa grades po." sabi ni Athena.

Nagulat ako sa sinabi ni Athena. Totoo ba to? Pumayag talaga siya? Pero ayoko naman isipin niya na binabastos ko siya. Hay nako naman. Bahala na nga.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now