Chapter Fifteen: BULLIED

Start from the beginning
                                    

Alangan naman na umangal ako? Sino ba naman ako para umangal at humindi sa utos niya kung malaki naman ang nakukuha ko sa kanya. Ang laking tulong niya kaya sa amin ni nanay. Kaya pinagpapasensiyahan ko na lang siya kahit ang sungit-sungit niya. Daig pa niya ang babaeng may menopause.

Si Ate Hailey naman, napaka-supportive niya sa ginagawa ko. Hindi pa rin daw nawawala ang pag-asa niyang magkakasundo kami ng little brother niya. Sabi pa nga niya, approved na daw siya akin bilang hipag niya. Pero like duh?? Hindi ko magugustuhan si Maky. Sa ugali niyang yun? Naisip mo ba na magugustuhan ka ni Maky, aber? Oo na bes konsensiya, hindi ako type ni Maky.

Pero ang sabi ko naman kay Ate Hailey ay malayong magustuhan namin ang isa't isa. Pero with high hopes daw si ateng kasi sabi daw sa sabi-sabi eh "The more you hate, the more you love" daw. Ewan ko kay Ate Hailey, may pagka-jeje minsan. Hindi ko na lang din siya sinagot at nginitian ko na lang.

Kaya eto ngayon, sobrang busy din niya dahil siya lang din naman ang Student Council President. Kami naman ni MJ ay going strong ang friendship namin. Madalas nililibre niya ako, minsan ako naman kapag may sahod galing kay Maky.

Favorite nga namin ang mag-milktea at nakapag-samgyeopsal na din ng isang beses. Uulitin din namin kapag University Sports Festival na kaya ipon ipon na kami. May pagkamahal din naman kasi eh. Pero ang mas importante ay masaya kami kahit minsan ay nagiging busy sa kaniya-kaniyang courses.

I'm on my way sa school gymnasium/basketball court bitbit ang mga pinakuha ni Maky sa locker room ng boys. Naiwan niya kasi ang ilang basketball equipment sa locker niya at para daw hindi na siya mapagod kunin ay ako na ang inutusan. Tutal, wala naman na daw kaming klase.

Habang naglalakad ay nagri-ring ang phone ko. Sino kaya to? Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pants at tiningnan kung sino ang tumatawag. Ang nakaregister lang naman ay ang pangalang Boss Devil. Kaya naman sinagot ko na ang kanyang tawag.

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya. Na naglalakad na papuntang gymnasium.

"Nasaan ka na? Ang bagal mo naman. Kailangan na namin yan. Hindi kami makakapagsimula ng wala ang mga yan." ayan na naman po. Nagsusungit na naman po. Nanenermon na naman po si boss devil. Kaya naman binilisan ko ang paglakad.

"Oo na. Parating na." kinakalimutan niya tapos ako pa pinapagalitan. Eh kung sana kasi hindi mo nakalimutan dalhin ay sana nasa 2nd quarter na kayo. Oh diba, siyempre, may alam din naman ako sa basketball no. Hahaha.

"Eh ba't naman kasi ang tagal mo? Maganda ka ba para hindi bilisan? Tumakbo ka na dahil kailangan na namin ang mga yan!" ugh. Kasalanan ko ba kung ang layo ng locker room niyo sa gymnasium?

Ang pagalitan mo ang gumawa at nag-design nitong school. Hindi ako! Atsaka may room naman sa gymnasium kung saan ilalagay ang mga equipment na to. Ba't kasi di inilagay doon.

Nakakainis na. Kaya naman tumakbo na ako ng mabilis sa abot ng aking makakaya. "Eh paano ba naman kasi, ang layo ng locker niyo diyan. Eto na tumatakbo na. Parating na. Hintay na lang ng ka-- AAAAAARRRRAYYY!!"


Nadapa ako.


Nahulog ang phone ko.


Natanggal din ang battery sa impact ng pagkakahulog nito.


Pati yung eyeglasses ko, nahulog.


Nahulog din ang mga gamit na pinapakuha ni Maky.


Nahulog ako, pero walang sumalo. Nakuha mo pang humugot diyan teh?


Pag-angat ko ay maraming students ang pinagtatawanan ako.


Mga ilan ay kinukuhanan ako ng pictures, at ilan naman ay vini-videohan ako. Hindi naman talaga ako madadapa kung walang taling umangat dahilan ng pagkakadapa ko. Hindi ko na napansin ang tali dahil sa pagmamadali kong maibigay tong mga gamit kay Maky.


Sa tingin ko, pinagplanuhan ito. Sinet up ako.


"HAHAHAHAHA!"


"Ang tanga kasi! Hahahaha"


"Pangit na nga, lampa pa! HAHAHAHAHA!"


"Hindi kasi tinitignan ang dinadaanan, kaya ayan ang napala mo! HAHAHAHA."


"You deserved it b*tch!"


Malakas ang tawanan nila.

Ang dami nilang sinasabi na hindi ko na lang pinapansin.

Tiningnan ko ang ang palad ko dahil mahapdi ito. Tinignan ko din ang tuhod ko. Napunit pa ang leggings ko sa impact ng pagkakadapa ko.

Kaya naman nagkasugat ako. Ang sakit. Ang sobrang hapdi.


Maiiyak na ako ng maramdaman kong binuhusan ako ng kung ano.


Nagulat ako sa ginawa nila.


Lumakas na naman ang tawanan.


Sa tingin ko, ang ibinuhos nila sa akin ay ang pinaghugasan sa cafeteria.

Matapos nun ay pinagbabato na ako ng itlog, flour at kamatis.

Napakabaho ko na ata dahil sa naghalo-halong amoy ng mga ibinuhos at ibinabato nila sa akin.


At dun nang tuluyang bumagsak ang aking mga luha pero tuloy tuloy pa rin sila sa pagbato ng kung ano-ano sa akin.

Kinakapa ko ang eyeglasses ko dahil malabo na ang paningin ko dahil sa pag-iyak ko. Malabo na nga mga mata ko, mas lalo pang lumabo ng umiyak ako.

Patuloy pa rin ako sa pagkapa ng mga gamit na nalaglag kanina para makaalis na pero di ko pa rin makapa.

Ang sakit na ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa sa akin to. Napaka-childish nila. Napaka-immature nila. Anong akala nila? Mga elementary or high school students palang sila? Anong bang ginawa ko para gawin nila sakin to?

Parang hihimatayin na ako sa sakit ng dibdib ko.

Umiiyak pa rin ako habang kinakapa ko ang sahig. Hindi ko na din alam kung saan papunta ang mga kamay ko. Wala na rin akong ibang naririnig kundi ang paghikbi ko. Kahit alam kong patuloy pa rin nila akong pinagtatawanan at nagsasabi na kung ano-ano tungkol sa akin.

Kapa, pahid ng luha, kapa ulit at pahid ng luha ulit. Ganyan na lang ginagawa ko hanggang sa maramdaman kong umangat ako at may bumuhat sa akin. At dun, tuluyan na akong nawalan ng malay.


✨✨✨

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now