Chapter Fifteen: BULLIED

70 17 35
                                    

RJ's POV


Tatlong buwan na akong P.A. ni Maky at naging maganda at smooth naman ang pagsasama namin. Pagsasama talaga teh? Hindi pero ganun na lang din yun no. Hehehe.

Minsan nagsusungit siya... ay hindi! Madalas siyang nagsusungit pero pinagpapasensyahan ko na lang siya. Para sa future ko naman tong ginagawa ko eh. Hahaha.

Pero minsan naman eh mabait siya. At ganun pa rin siya, sobrang strict sa time. At kaya naman naalala ko ang first duty ko ng Saturday at unang apak ko sa hangout place nilang magbabarkada.


Nag-aayos ako ng mga gamit nila at natataranta ako. Sino ba naman ang hindi matataranta sa mga nakita ko? Ang mga abs nila! Jusko! Ang swerte ko! Whut?! Shut up my virgin brain.

Bakit ba kasi kailangan pa nilang ipakita ang mga abs nila?? Lalong lalo na si Maky. Ang sarap, ulam na ulam. Ano?! Ano tong mga pinag-iisip ko?? Hindi ako ganito, hindi ako ganito. Hindi ako ganitong klase ng tao. Myghad! I KENNAT!

Nakapag-ayos at nakapag-hugas na rin ako ng mga baso at ng pitchel at oras na para umuwi na ako. Sinamahan na muna ako ni Maky na lumabas. Ay hindi pala, ibinigay lang pala niya ang groceries ko at ng sahod ko.

Yes! May pera na naman ako. May pangwalwal na! De joke, hindi ako nagwawalwal, para sa studies ko to no at para sa mga gastusin sa bahay to.

Pumara na ako ng taxi. Di man lang ako hinatid. Kung sabagay, hindi naman niya ako sinundo. Hahaha. Dumiretso na ako ng uwi sa bahay para makapag-ayos na din doon.

Habang nasa daan pauwi, hindi mawala sa isip ko ang mga nakita ko, ang mga abs nila. Naku naku RJ, itigil mo na kakaisip sa abs na yan. Abs lang yun okay?

Pero yung reaction ko kanina, ano yun? Ngumanga ba talaga ako? Nakakahiya ka RJ! Dahil sa mga naisip ko, naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Stop thinking about it RJ, okay? Okay na, tapos na. Wala na ang mga abs. Kalimutan mo na.

Nakauwi na ako ng safe and sound sa bahay. At inayos ko na ang mga dapat ayusin. At dahil Saturday din ngayon ay it's General Cleaning.

Naglaba, naghugas, nagdilig, naglinis sa loob ng bahay at sa labas, nag-floorwax at iba pa. At dahil sa mga ginawa ko ay nakalimutan ko saglit ang mga pandesal. Huh? Pandesal talaga? Kainis ka RJ.

Natapos na ang araw at pati sa pagtulog ay naisip ko na naman ang mga boys. Bakit kasi may abs sila? Bakit pa kasi ipinakita nila? Sana hindi na lang ako nagtanong tungkol dun sa gym. Sana na lang naglaro na lang ako nung dartboard o kaya naman yung claw machine. Hays. Itulog mo na RJ. Bukas, wala na yan. Hindi mo na sila maiisip.

Nagdasal muna ako at ipinikit na ang aking mga mata. And everything went black. Charr. Ano yun? Nahimatay lang? Hahaha. Basta nakatulog na ako noon. Hahaha.


Paggising ko noon sa umaga parang wala talaga akong nakita. Pero si nanay, bumili ng pandesal na pang-agahan namin kaya ayun, naalala ko na naman.

Pero noon na lang yun, nakalimutan ko na sa paglipas ng mga araw. At ngayon eh hindi na ako natataranta at minsan nasasagot ko na si Maky sa pagsusungit niya sa akin. Dati pa naman eh. Hehehe.

Anyway, busy'ng busy na ang lahat sa nalalapit na University Sports Festival kaya naman yung boss devil ko ay busy rin sa pagpa-practice ng basketball. Siyempre, utos dito, utos doon, utos kahit saan-saan, utos ng kung ano-ano. Pero wala akong magagawa, kailangan ko siyang sundin sa mga utos niya kasi nga P.A. niya ako at boss ko siya.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now