Epilogue

5K 132 48
                                    

Epilogue

Sixteen months later.

"HI, Jersey!" kumakaway si Dana sakanya pati ang fiance niyang si Wilson sa tabi nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"HI, Jersey!" kumakaway si Dana sakanya pati ang fiance niyang si Wilson sa tabi nito. Tapos maya-maya ay humabol na tumatakbo sina Anjo at Lawrence para sumingit sa frame.

"Boss Je!"

"Hello, Je!"

"Hello sainyo," bati niya rin habang nakangiti. "Kumusta?"

"Ikaw ang kumusta," ani Dana. "Okay ka lang ba diyan sa Italy?"

Tumango siya. "Oo, as usual nandito lang ako sa apartment."

Binuhat niya ang laptop para ipaikot at ipakita sa camera ang hitsura ng kwarto niya. Makikita sa isang dingding ang mga litrato ng barkada na nakadikit dito. Ginawa talaga ito ni Je para hindi ma-homesick kahit papano.

There's a lot of photos from highschool to college. But mostly of course are hers and Miko's.

Hindi makakalimutan ni Je ang unang araw niya rito sa Italy at sa apartment ng mama niya. Hindi niya in-expect na makakakita siya ng litrato nilang dalawa ni Miko sa sala.

Naka-frame ito at nakadisplay katabi ng TV. Ito 'yung litrato na si Tita Laura pa ang kumuha sa tapat ng bahay nila at pinilit niyang pagsuotin si Je ng bestida.

Tanda pa ni Je kung gaano siya ka-hindi komportable sa damit na 'yon at inaasar pa siya ni Miko na mukhang sigang nagsuot ng dress. Nilagay ni Miko ang kamay sa gilid ng mukha niya para pilitin siyang pangitiin.

'Yun din ang araw na naggrocery sila at natisod siya sa gutter dahilan para magsigulong ang mga delata--na siyang unang dinampot ni Miko kaysa tulungan siyang tumayo. Pero si Andrei naman ang dumating para alalayan siya.

Je smiled remembering that story. She missed him so much.

"Kumusta lola mo?" tanong pa ni Dana.

"Mas gumanda na ang kondisyon ni lola. In fact, kaya nang ituloy ang medication niya sa Pinas."

Pumalakpak sila. "Whoa! Ibig sabihin ba nun uuwi ka na?"

"Gano'n na nga."

"Alam mo na shoe size ko, Boss Je, ah," paalala ni Lawrence.

"Ako, Je, kahit Italyanang chiks lang." Sabay kindat ni Anjo.

Tumawa sila. Nang matapos ang tawanan ay pinansin na ni Je ang kanina pa niyang hindi matanong dahil sa ingay ng tropa.

"Si. . . si Miko ba hindi ninyo kasama?"

Sinubukan pa niyang sumilip sa gilid ng camera na animo'y may makikita siya maliban sa nakikita sa frame.

For sixteen months of being apart, they managed to fight this relationship against distance--against the seven hours difference. They talk everyday on phone and on cam.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now