52

3.7K 89 3
                                    

Chapter 52

KANINA pa hindi pinapansin ni Wilson si Dana

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KANINA pa hindi pinapansin ni Wilson si Dana. Silang dalawa na lang ang naiwan sa tabing-dagat simula nang sundan ni Miko si Jersey at si Anjo naman ay inalalayan si Lawrence sumuka sa banyo.

Kahit na may konting hilo, aware si Dana na hindi maganda ang mood ni Wilson. Nabadtrip ito sa kalagitnaan ng inuman, hula niya.

“Love,” she called as they walk back to the rest house and Wilson is ahead of her.

“Hm?”

Ang cold.

“Galit ka?” mahinahon niyang tanong.

“No.”

Pero hindi siya naniwala. Binilisan ni Dana ang lakad para habulin ang boyfriend at isakbit ang braso sa braso nito. “Sorry na.”

“Ang pasaway mo kasi.”

“Gusto ko lang uminom. Barkada naman ang kasama natin, okay lang naman ‘yun diba?”

“I understand. But you already pass your limit. Inaagaw ko na ‘yung inaabot nila sa'yo pero sige ka pa rin ng inom.”

Dana pouted. “Gusto ko lang naman mag-enjoy.”

“Paano kung malasing ka?”

Ngumiti siya sakanya. “Nandyan ka naman, eh.”

“Psh.”

Pagkapasok sa rest house, pinaupo ni Wilson si Dana sa couch para kuhaan ng tubig sa kusina. Nang iabot ang baso, naalala niyang itanong ang nangyari kina Miko.

“Ano kayang nangyari sa pag-uusap nila?”

Umupo si Wilson sa tabi niya. “Knowing Je, kapag nagdesisyon ‘yon, final na talaga. But also knowing Miko, he won't let go of her ever. He'll do anything. Si Je lang ang minahal niya ng ganito.”

Hinilig ni Dana ang ulo sa balikat niya. “Sana magbago isip ni Je.”

“Tara, ihahatid na kita sa kwarto niyo para makapagpahinga ka na.”

Habang hawak ang kamay ng girlfriend, nilakad nila ang papunta sa hallway ng mga kwarto na animo'y ilang kilometro ang kailangang tahakin bago makarating. Dana pouted, she wanted to stay longer on the couch. Just seat and talk. Or just hold hands while drinking coffee.

Pero alam niya ring kailangan bumawi ni Wilson ng pahinga gawa ng pagre-review para sa law school exam.

Hindi nakatingin si Dana sa dinadaanan, sumusunod lang siya kay Wilson kaya nang biglang tumigil ito sa paglalakad ay nauntog ang ulo niya sa braso nito.

“Ouch.” Hinimas niya ang noo tapos tumingin sa paligid. Nasa tapat na sila ng kwarto nila ni Je at bakit kaya tumigil sa paglalakad si Wilson?

“Halika balik tayo sa sala.” Nakaawang ang pinto kung saan siya nakasilip.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now