55

4.1K 107 7
                                    

Chapter 55

Chapter 55

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“OH.” Binigay ni Miko ang bike niya kay Je. “Ako naman iangkas mo.”

“Hinahamon mo ba 'ko? 'Kala mo hindi ko kaya?”

He snickered. “Sige nga?”

Naunang umupo si Je sa bisekleta tapos sunod si Miko sa bakal sa pagitan ng handle at magmamaneho. Obviously, nasisikipan siya ron pero ginusto niya, eh.

Nang-aasar, nag-sign of the cross si Miko tapos pinagdaop ang palad at pumikit. “Lord, gabayan niyo po si Boss Je.”

Tumawa siya. “Gusto mo mag-helmet ka para sure, ano?”

“Teka, kunin ko.”

Pinalo siya ni Je sa braso nung akmang aalis siya sa bike. “Kaya kita, no!”

Pumedal siya para paandarin ang bisekleta. Kinain ni Miko ang sinabi sakanya kalaunan. Kayang-kaya niya nga silang dalhin dalawa.
        
       
Isang ordinaryong gabi lang ulit ito kung saan naimbitahan si Je sa bahay ng best friend slash boyfriend niya para mag-dinner. Kumpleto sila ron maging si Kuya Joaquin at ang bagong girlfriend na dala nito.

Nagkatinginan na lang sina Miko at Je na parang nag-usap ang mga mata pagkakita kay Jean na katrabaho ni Kuya Joaquin.

“Hindi ka ba proud sa'kin?” biglang sabi nito habang nasa bike pa rin. “Sa lahat ng dinner natin kasama pamilya ko, ikaw lang ang babaeng dinala ko hindi tulad ni kuya.”

Baka ito na nga ang isa sa huling hapunan na masasaluhan niya.

“Kasalanan ko bang sa'kin ka lang nagseryoso?” sagot niya na lang na may kalahating tawa.

“Oo.”

“Ha?”

“Kasalanan mo, kinuha mo puso ko.”

“Tangina.”

Tumawa silang dalawa.
           
          
Ngunit habang nasa hapag sila kanina, nagtataka si Je dahil hindi masyadong clingy si Tita Laura tulad ng usual. Pati mata niya hindi masalubong nito. Inisip na lang ni Je na baka napagod ang mama ni Miko sa pagluto.

Kahit nung nagpaalam silang magba-bike sa village ay pumayag ito agad. Si Tita Laura na rin ang naghugas mismo ng pinggan.

Je wondered why it seems like she kept herself busy tonight.
           
          
“Grabe, ang lakas talaga ni Boss Je,” sabi ni Miko nang nasa pangalawang ikot na sila. “Hindi man lang gumegewang.”

“Easy peasy,” sagot niya.

Sunod nilang pinag-usapan ang tungkol sa biglaang pagpropose ni Wilson sa gitna ng ceremony. Knowing Dana, Je knows that she always imagine that fairytale-like love story kaya approve na approve sakanya 'yung ginawa ni Wilson sa graduation kahit na naantala ang event panandalian.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now