34

3.9K 106 6
                                    

Chapter 34

NAKAHILATA si Miko sa kama niya habang nakatitig sa kisame ng kwarto nang dumating ang mama niya at pagalit na binuksan ang pinto

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

NAKAHILATA si Miko sa kama niya habang nakatitig sa kisame ng kwarto nang dumating ang mama niya at pagalit na binuksan ang pinto. “Ano ‘tong nalaman ko, ha??”

Bumuntong hininga si Miko. Mukhang alam na niya kung saan ito patungo.

“Inaway mo na naman si Jersey?”

I knew it.

“Kaya pala ilang linggo na siyang hindi dumadalaw dito sa bahay!”

Nang hindi pa rin umiimik si Miko, nilapitan siya ng mama niya at hinila ang kanyang patilya. “Aray ko, Ma!”

“Ikaw talagang bata ka! Bumaba ka ron, magsorry ka sakanya!”

Hindi pa rin siya binibitawan ng mama niya kaya wala siyang nagawa kundi maupo at itaas ang ulo kasabay ng paghila ng mama niya sakanyang patilya. “W-wala pa po siya diyan! Nag-exam sa SMU!”

Doon siya nito binitawan. “Magsorry ka kapag dumating siya.”

Hinimas ni Miko ang patilyang tinorture ng mama niya. Um-oo na lang si Miko pero bago makalabas ang mama ay bumulong pa siya. “Sino bang anak ninyo, ha?”

“Aba, aba, sumasagot pa—” Lalapit pa sana ang mama niya para ulitin ang parusa kaya agad na nagtago si Miko sa ilalim ng kumot.

“Opo, opo gagawin na!”
         
        
TAKOT na lang ni Miko na suwayin ang ina kaya simula nun ay bumangon siya sa kama para tumambay sa sala nila at oras-oras na abangan ang pagdating ni Je.

Kada limang minuto ay dumudungaw siya para silipin kung tutunog ang gate nila Je na magsisilbing senyales niya na dumating na ito.
        
      
Two hours of waiting, he saw Drake going down of the stairs holding a notebook. Umupo si bunso sa tabi niya.

“Wala pa rin si Ate Jersey?” tanong nito.

“Hinihintay mo rin?”

Tumango si Drake tapos tinaas ang notebook. “Papatulong ako sa homework ko.”

Pambihira! May kuya siyang kasama niya sa bahay tapos magpapatulong pa siya sa iba?

“Ano ba ‘yan? Malay mo kaya ko.” Drake looked at him with doubt. “Aba wala kang tiwala sa kuya mo?”

Walang pakundangang tumango si bunso.

“Wow ha.”

Binuksan ni Drake ang notebook sa pahina ng homework niya. “Drawing,” sabi nito.

Tumango-tango si Miko. “Ahhh.”

Okay, he thought. Sige, ipapaubaya na niya kay Je ‘yon. That's her thing anyway.

The two brothers quiet for awhile and then Drake broke the silence by asking, “Bakit mo inaway si Ate Jersey?”

Napakamot na lang tuloy si Miko sa ulo niya. “Pati ba naman ikaw? Bakit laging ako ang nang-aaway?”

More Than This (Wattys2019 Winner)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ