48

3.9K 102 17
                                    

Chapter 48

TATLONG buwan makalipas ang gabing ‘yon sa Bay Square, patuloy pa rin sa panliligaw si Miko kay Je

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TATLONG buwan makalipas ang gabing ‘yon sa Bay Square, patuloy pa rin sa panliligaw si Miko kay Je. Siyempre alam na rin ito ng lahat sa paligid nila—pamilya nilang dalawa, ang tropa, at maging sina Camilla.

Hindi makakalimutan ni Je ang kilig na kilig na reaksyon ni Dana nang ibalita ‘to ng dalawa. She was like, “FINALLY!!!”

Wilson just shrugged and sighed. “Hayaan niyo na, number 1 fan niyo ’yan, eh.”

Dana kept on giggling and slapping her boyfriend’s arm that day.

Daig pa nito nanunuod ng Kathniel x Jadine rom-com movie. Err.
       
      
NGAYONG gabi, sinigurado ni Tita Laura na hindi makaka-hindi ang dalawa sa dinner na inayos niya sa bahay nila. Laging busy si Je at nagi-guilty na dahil lagi siyang pass sa yaya ni Tita Laura ngunit paminsan din ay si Miko ang mismong umiiwas dahil gusto niya lang talaga siyang ma-solo.

“Parang ayaw ko nang tumuloy,” sabi ni Miko habang naglalakad sa loob ng Fernville. “Text ko si mama sabihin ko masama pakiramdam mo.”

Hinampas siyang agad ni Je. “Gagi, naghihintay na sila!”

Nandon din sina Kuya Joaquin at papa niya. Balita pa ni Je may kasamang girlfriend ang kuya niya.

“Ehhhh mangungulit lang ‘yun si mama, eh.”

“Lagi naman makulit mama mo, ‘di ka pa ba sanay?” tumawa si Je. “Tara na puro paborito ko niluto ni Tita Laura, no! Nakakahiyang india-nin.”

Ngumuso si Miko at nagpapa-cute pero siyempre walang talab ‘yon kay Je. Isa pa, nag-iwan talaga ng malaking espasyo si Je sa tiyan niya dahil alam niyang mapaparami ang kain niya.

In short, gutom siya ngayon.
       
       
Pagkapasok sa bahay, as usual, si Je lang ang mapapansin ni Tita Laura. Bineso siya nito tapos kinuha ang bag niya para itabi sa couch.

“Yow, Jersey!” bati ni Kuya Joaquin kung saan nag-high five sila. Binati rin siya ni Rachel, kasamang girlfriend ng kuya ni Miko.

Err... nung huling dinner nila ibang babae ang kasama ni Kuya Joaquin.

Kadalasan ay ginugulo niya ang buhok ni bunso bilang pagbati ngunit nagulat siya ngayon ng makita ito dahil halos kasing tangkad na niya si Drake.

Nagmano naman siya kay Tito Jack tapos kinumusta si Engr. Jer na nasa trabaho pa.
         
        
NAG-UMPISA na ang hapunan. Since they know Je very well, ang atensyon nila ay na kay Rachel. Mabuti na lang, at least nasa iba ang atensyon ni Tita Laura.

Miko feels the same way, she could tell. He's sitting calmly tonight dahil alam niyang hindi niya kailangang sumagot sa interview ng mama niya.

Rachel is from Kuya Joaquin's school too. Nagkakilala sila sa Fun Run for a Cause event ng school nila kung saan napatid daw si Rachel habang tumatakbo. Huminto si Kuya Joaquin para mag-abot ng kamay at tulungan siyang tumayo pero bumangon si Rachel nang hindi pinapansin ang kamay na inaalok niya tapos tumakbo ulit.

More Than This (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon