28

4.4K 101 12
                                    

Chapter 28

MABILIS na lumipas ang mga araw

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

MABILIS na lumipas ang mga araw. Abala na ang mga senior students sa pag-i-inquire at pagpapasa ng application sa mga university at college schools na papasukan nila.

Sabay-sabay sila Je, Miko, Lawrence, at Anjo na pumunta sa UdET para magpasa ng requirements sa entrance exam. Hindi na sumama si Wilson dahil isa lang naman ang plano niyang pag-exam-an. Walang iba kundi ang SMU.

Sigurado na siya na ‘yun ang gusto niyang pag-aralan pero sure ball din naman na makakapasa siya kaya hindi na niya kailangan ng back up plan.
       
      
Walang adjustment na nangyari, mabilis din na bumalik sa dati sina Je at Miko. Asaran at kulitan, ganun pa rin. Parang walang nangyari.

Habang nasa campus sila, kita ni Je ang saya ni Miko. Pero hindi niya pa rin alam kung paano sasabihin sakanya na hindi niya pa rin nakikita ang sarili niya sa UdET.

Siguro bahala na lang talaga sa resulta. Ang result na ang magsasabi kung saan dapat siya mapunta.

“BER months na pero ang init pa rin!” reklamo ni Anjo habang pinapaypay sa sarili ang isang envelope

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

BER months na pero ang init pa rin!” reklamo ni Anjo habang pinapaypay sa sarili ang isang envelope.

“Walang tanghali sa Pilipinas ang malamig, bugok! Maliban na lang kung maulan!” sabi ni Lawrence.

“Buti hindi natin kasama si Wilson,” sabi naman ni Miko. “Kung hindi pangangaralan tayo nun tungkol sa El Niño.”

“Tara, kain,” suggest ni Je. “Late lunch. May mall dito malapit diba?”

Wala nang anu-ano, naglakad na agad si Anjo palabas. Kaunting lakad lang ang mall mula sa UdET kaya laking pasasalamat ng apat na nakatikim agad sila ng air-con. Kaso pagdating naman sa mall ay nagtalo ang magkakaibigan sa kung saan kakain.

Kaunti na lang ay maaasar na si Je. Pati ba naman kakainan pag-aawayan pa. Haggard na haggard na siya dahil sa init tapos nalipasan pa ng gutom, buti na lang malabong makita niya si Andrei ngayon—

“Jersey? Miko?”

PAKSYET.

Nanggaling sa likod ni Je ang boses kaya naunang nakita nila Anjo si Andrei. Gusto niyang umarteng hindi niya narinig ito, maglakad na lang paalis at huwag lumingon kahit kailan pero si Lawrence basag trip.

More Than This (Wattys2019 Winner)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora