29

4.2K 96 5
                                    

Chapter 29

“KAILAN ulit ang SMUAT?”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KAILAN ulit ang SMUAT?”

“January pa,” sagot ni Dana. “Mauuna ang UdET sa December.”

“Okay.”

Bumuntong hininga si Je. Wala pa namang exam, nandito lang sila ngayon sa SMU para mag-apply para sa entrance exam pero pakiramdam niya nagsasagot na siya ng madugong test paper.

Napansin ito ni Dana kaya hinawakan niya ang kamay niya. “Kalma, Jersey. May panahon pa tayo para magreview!”

Tumingin si Je sa paligid niya kung saan may iba ring mga estudyante ang nag-a-apply galing ibang school. “Mukha silang matatalino.”

“‘Wag mo silang pansinin.” Nilagay ni Dana ang nakaladlad na buhok ni Je sa likod ng tenga nito. “Kalma lang, tingnan mo sayang ang suot mo kung ‘yung hitsura mo mukhang hindi matae na ewan.”

“Tama si Dana,” pagsang-ayon ni Wilson. “Baka makita mo pa rito si—”

Agad na tinakpan ni Je ang bibig niya. Baka may makarinig na nakakakilala kay Andrei dito at malaman na may naghahanap sakanya. Hays.

Totoong naghanda si Je ngayong araw. Bukod sa talagang pinilit siya ni Dana na magsuot ng dress, gusto niya rin talaga. Naghanap lang siya ng may pipilit at mag-e-encourage sakanya para i-push ang pagsuot nito.

Para kung sakali mang makita ni Je si Andrei ngayon, at least handa siya at presentable.

But actually, she's already crossing her fingers to it.
         
         
Pagkatapos ng application ng tatlo, lumabas na sila sa campus kung saan pasimpleng lumilinga-linga si Je sa field na siyang agad na napansin ni Wilson.

“Masyadong malaki ‘tong campus, Je. Baka hindi mo makita ang hinahanap mo.”

Nanlaki ang mata niya tapos umiling-iling. “Hi-hindi ko siya hinahanap, ah!”

Tumawa na lang si Wilson at hindi na nagsalita. Pinuntahan nila ang ibang building at sa kada lalaking matangkad at maputi na nakikita ni Je, umaasa siya na sana si Andrei ito.

Kaso palabas na sila ng gate pero ni anino ni Andrei ay hindi niya namataan.

Pambihira! Kung kailan nag-ayos si Je—nagdress at sandals— saka niya hindi masasalubong si Andrei? Kailangan ba tuwing haggard lang siya?

Pambihira! Kung kailan nag-ayos si Je—nagdress at sandals— saka niya hindi masasalubong si Andrei? Kailangan ba tuwing haggard lang siya?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THEY received a text from Anjo saying he's in Garden's Place with the rest of the guys. Dumiretso ron sina Wilson, Dana, at Je kung saan ang huli ay nakabusangot na.

Ilang beses niyang sinabi kina Wilson na hindi talaga ito dahil kay Andrei pero sinong niloko niya? Hindi convinced ang dalawa. Hindi pa rin makapaniwala si Je na sa lahat ng pagkakataon na pwedeng masalubong ang crush niya, ngayon pa talaga ang hindi. Hays.

“Whoaaa,” sabay na sabi nina Anjo at Lawrence at saka napaliyad pagkakita kay Je. “Nice one, Boss Je!”

Nung una, hindi alam ni Je kung ano ang tinutukoy nila pero agad siyang napayuko sa suot niya at napagtantong ito ang dahilan ng reaksyong ‘yon.

Ay, nakadress nga pala siya at isang malaking kababalaghan ‘yon sa tropa. She just shrugged like it doesn't matter. “Pinilit lang ako ni Dana.”

Maging si Miko ay napatigil sa pagngata ng nachos pagkakita sakanya. “Pumunta ka lang sa South Mill nakaganyan ka na?”

“Pake mo ba?” sagot niya.

Lawrence reached her face to squish her cheeks. “Bakit ka nakasimangot?”

Umiling lang si Je. “Wala, gutom lang.” Joke hindi ‘yun ang dahilan.

Dana volunteered to take their orders kaya pumunta siya sa counter. Wilson was about to go after her pero pinigilan siya ni Miko.

“Nakita niyo dun ‘yung mayabang na alumni?” tanong nito.

“Alumnus.”

“Basta alam mo na ‘yun!”

“Hindi. Malaki ang campus.” Tapos umalis na siya para sundan si Dana.

Bumalik ang tingin ni Miko kay Je. “See? Hindi kayo magkikita dun.”

She just mimicked him mockingly. Nang wala ang dalawa sa lamesa, nalipat ang usapan sakanila sa pamumuno ni Lawrence.

“Close na talaga sila, no?”

They're all watching them at the counter talking with the lady there. Even Je was swooned over the idea of those two. They look good together.

“Close nga,” sang-ayon ni Anjo. “Ang tanong marunong bang manligaw ‘yan si Wilson?”

“Nakakatakot kapag in-imagine kung paano silang magde-date dalawa kung sakali,” sabi ni Miko. “Sa library?”

Um-arte pa siya na nanginig sa takot kaya tumawa sina Lawrence at Anjo.

“Tapos parehas pa nilang gusto sa tahimik na lugar,” dagdag ni Anjo. “Mabilis pa naman marindi si Wilson sa maiingay.”

Tumawa sila sa pagsasang-ayon. Totoong ayaw ni Wilson ng maingay, hindi nga alam ni Je kung paano sila napagtiisang apat nito, eh. Nasanay na lang siguro.

Habang tinitingnan ni Je sina Dana sa counter at narealize kung gaano sila ka-fit sa isa't isa, hindi napigilan ni Je na ipagtanggol ang dalawa.

“Eh, ano namang mali don?” sabi ni Je kay Anjo. Library dates or book dates are okay too. “Palibhasa kasi ikaw bar ang tipo mong date.”

“Talaga!” pagmamalaki naman nito. “Pag-18 ko, bar talaga ang una kong pupuntahan!”

Nagcheers silang dalawa ni Lawrence gamit ang mga milktea nila. Ang sasaya ng mga kaibigan niya. Bakit ba hinahayaan ni Je na pagbawalan ang sarili niya na huwag sumali?

Tutal parang gusto niya ring uminom sa mga oras na ‘to, ginaya ni Je sila Anjo. Pero dahil wala pa ang order niya, hinablot niya muna ang kay Miko at sumali sa pagcheers nila.

“Cheers!” then she sipped into it like a drunkard old man.

Miko didn't say anything.

“‘Yan na naman kayo sa pagshe-share ng gamit,” sabi ni Anjo. “Hindi niyo ba alam na minsan tinatawag din ‘yang indirect kiss?”

“Mga natutunan mo talaga kay Aira, ‘no,” sabi ni Lawrence pero ang sagot nina Miko at Je ay sabay na: “Eeew!”

“Nadidiri kayo sa term na indirect kiss pero hindi kayo nadidiri sa ginagawa niyo?”

Oo nga. Sikat talaga ang ganong term pero bakit kapag inisip nilang gano‘n ang ginagawa nila ay saka sila nadidiri? Is it because it's a ‘kiss’?

Je never thought of kissing her best friend. What they do is just being comfortable with each other. It's never been a big deal.

Tumingin si Je kay Miko at mukhang hindi rin naman big deal sakanya. She's sure Miko shares the same thought: he would have never thought of kissing his best friend. Never.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now