33

4.1K 111 8
                                    

Chapter 33

NGAYON na ang araw ng entrance exam sa SMU at wala nang paglagyan ang kaba ni Je

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NGAYON na ang araw ng entrance exam sa SMU at wala nang paglagyan ang kaba ni Je. Kanina pa siya pinapakalma ni Dana pero hindi pa rin niya maiwasang hindi pagkas-kasin ang palad at paminsang kagatin ang kalyo sa daliri.

Pinipigilan niya ang sarili na hindi magkuyakoy lalo na ngayon na nakasuot ulit siya ng bestida. This time, it's not about Andrei anymore. She wore it because she feels like wearing one. Regardless na kung magkita man sila ng crush niya ngayon o hindi.

“Kalma ka lang, Jersey!” Pang-ilang ulit na itong sinasabi ni Dana. “Kaya mo ‘yan!”

“Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Grabe.” Dinikit ni Je ang palad sa pisngi ni Dana para iparamdam sakanya ang panlalamig.

“Dana’s right. You can do it,” Wilson said patting her shoulder. “Kumusta nga pala kayo ni Miko?”

Je frowned hearing his name. “Ayos naman ako. Ewan ko siya.”

“Hindi pa rin siya nagso-sorry?”

Je just shrugged at para makaiwas sa topic, hinila niya si Dana papunta sa bulletin board kung saan nakapaskil ang room number nila. Sadly, hiwa-hiwalay sila ng mga classroom kaya nagtake si Je ng exam sa kwartong puro hindi niya kilala ang nakaupo.

Mukha silang matatalino. Nakaka-intimidate ang mga hitsura nila.

But she did not let that get in her way para magfocus sa exam at siguraduhing maipasa ito.
        
       
PAGKATAPOS ng exam, hindi mahanap ni Je sina Dana at Wilson sa campus. Paikot-ikot siya sa field at bumalik na rin siya sa hallway na tinambayan nila bago ang exam kanina pero wala sila ron. Lalo pang dumagdag sa hirap ng paghahanap ang dami ng mga estudyante sa field.

Kung hindi lang kasi tanga si Je para hindi mai-charge ang cellphone kagabi na lowbat na ngayon edi sana nai-text na niya sila Dana.

Sadyang malaki ang campus ng SMU. Nakakahingal magpabalik-balik sa kada building.

Hays, nasaan na ba sina Wilson at Dana? Ang unfair naman kasi na parehas sila ng exam room at si Je lang ang nahiwalay.

Maya-maya, may humawak sa balikat niya mula sa likod at paglingon niya, nakita niya si Andrei.

Ngumiti ito. “Sabi na nga ba ikaw ‘yan.”

“A-andrei.”

Si Andrei! SI ANDREI!!

“Naliligaw ka, ‘no?”

Napakamot siya sa ulo. “Ha-halata ba?”

Tumawa ito. “Ganyan din ako nong nag-exam ako. Ang laki kasi nitong campus. May hinahanap ka bang classmates mo?”

“Actually, oo. Si Cinderella at Prince Charming.”

Tumawa siya ulit. “Gusto mo ba habang hinahanap natin sila, libutin na rin natin ‘tong campus? Itu-tour kita. Sakto wala na akong klase.”

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now