43

4.1K 76 11
                                    

Chapter 43

NATULOY ang pagbisita ni Je sa bahay nila Miko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NATULOY ang pagbisita ni Je sa bahay nila Miko. Kasalukuyang nasa kusina si Tita Laura nang pumasok sila at tawagin ni Miko ang ina. "Ma!"

Nanlalaki ang mata niyang binitawan ang sandok para dali-daling tumakbo at yumakap kay Je. "Jersey, hija!"

Miko was standing there waiting for his mother to notice him pero hindi na umalis kay Je ang atensyon ni Tita Laura. Niyakap na lang ni Miko ang sarili.

Natawa si Je sa hitsura ng kaibigan na nadedma na naman ng sarili niyang nanay dahil sa presensya niya. But Miko just nodded and let them enjoy. Umakyat siya sa kwarto para magpalit ng damit.

Maya-maya ay nag-umpisa na ang hapunan at totoong niluto ni Tita Laura ang mga paborito ni Je. Kasama rin nila si bunso sa hapag na malaki ang itinangkad kumpara sa huling beses niya itong nakita.

Todo sa pagsisilbi si Tita Laura sakanya katulad ng dati. Kasabay ang maraming tanong sakanya tungkol sa college. At as usual, na-etchapwera na naman si Miko.

Pagkatapos kumain ay inutusan siya ng ina na kunin ang dessert sa ref. Sumunod si Miko habang kumakamot sa ulo. Ramdam ni Je na gustong makipagkwentuhan ni Miko sakanya pero hindi ito makasingit dahil kay Tita Laura.

Ang malala pa, inutusan pa siyang hugasan ang pinagkainan pagkatapos kumain. Kaya nang makatakas si Je sa sala, sumunod siya sa kusina at naabutan niya si Miko sa lababo.

Nakatalikod sa gawi niya si Miko kaya hindi siya nito napansin. She noticed he stopped for awhile to twist his arms and shoulder then he yawned. Kanina pa napapansin ni Je na mukhang masakit ang balikat niya.

"Ayan, kaka-bike mo 'yan."

Napalingon si Miko sakanya tapos ngumiti nang makita siya. "Himala nakatakas ka kay mama."

Nagkibit-balikat lang si Je tapos tumabi sakanya sa lababo. She pushed him lightly and then grabbed the plate from Miko's hands. "Ako na diyan."

Hindi ito bumitaw. "Okay lang, hintayin mo na lang ako sa sala."

Pero hindi nakinig si Je hanggang sa maagaw ang plato. "Akin na, okay lang."

"Sige na nga," pagsuko ni Miko. "Pagkatapos mo diyan akyat ka sa bubong tambay tayo."

Biglang nagpantig ang tenga ni Je. "S-sa bubong?"

Napakurap siya ng ilang beses at na-realize na hindi niya pwedeng ipahalata kay Miko na apektado siya rito. Act normal, act normal!

"O-okay, s-sige!"

Gustong kutusan ni Je ang sarili pagkaalis ni Miko dahil sa pag-uutal niya. Ang totoo hindi pa siya nakakabalik sa bubong nila simula nang halikan siya ni Miko rito. Kapag gumawa siya ng palusot para hindi pumayag sa pagtambay don, mas lalo siyang magmumukhang guilty na naaalala pa rin ang gabing 'yun.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now