30

4.4K 104 12
                                    

Chapter 30

WEEKS passed, December came

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

WEEKS passed, December came. Meaning, the day of Unibersidad de Eranio Trinidad Admission Test came also.

Sabay-sabay na lumabas ng exam room sina Miko, Je, Anjo, at Lawrence na parang nanggaling sa isang madugong digmaan.

The guys started sharing thoughts about the exam while Je remained quiet.

Anjo sighed heavily. “Feeling ko papasa ako! Wala akong basis pero feeling ko lang!”

While Lawrence just shrugged. “Ako ‘di ko sure talaga pero bahala na si daddy. Basta kung saan kayo dun ako.”

Pahampas na nilagay ni Anjo ang kamay sa batok niya. “Tangina talaga, iba ka!”

Nagpatuloy sila sa paglalakad at lumipat naman ang atensyon sa pinakatahimik sakanila. “Ikaw ba, boss Je?”

Napakurap si Je saglit tapos ngumiti ng maliit. “Okay naman. Nakatulong ‘yung pagre-review ko para sa SMUAT.”

“Papasa tayo niyan!” pagclaim ni Miko tapos inakbayan si Je. “Tara boss Je, igagala kita sa campus.”

“Kung sabihin mo ‘yan parang ilang beses ka nang nakapunta dito, ah.”

“Kinabisado ko na ‘tong campus nung tryouts. Alam ko na nga kung saan ang building ng archi, eh.”

Miko lead the way as if he's already studying here. Dinala sila ni Miko sa classroom ng mga Archi at Fine Arts. Totoo nga, kabisado na ni Miko ang bawat pasikot-sikot.

Masigla niyang pinapaliwanag ang shortcut at corridors papunta sa cafeteria, main hall, at gym pero wala sa mga ito ang tinatanggap ng utak ni Je.

“Kasalungat ng building niyo ‘yong engineering doon.” Turo ni Miko sa kabilang gusali. “Kaya kapag vacant time pwede tayo tumambay dito sa study area. Mahangin dito kapag hapon.”

“Tangina,” sabi naman ni Anjo. “Um-attend ka na ba ng orientation ng hindi namin alam?”

Tumawa sila ni Lawrence tapos dinagdag, “Parang kabisado mo buong blue print ng UdET, eh.”

“Magaling lang talaga ako sa direksyon!” sagot niya. “Kung tutuusin nga mas maganda ang campus ng UdET kaysa sa SMU. Ang laki masyado.”

Agad na umangat ang ulo ni Je pagkarinig nun. How dare he compare her dream school to UdET? Gusto sanang ipagtanggol ni Je ang SMU at sabihin lahat ng magagandang bagay tungkol dito at maging ang mga dahilan kung bakit ito ang dream school niya kaso magmumukha siyang guilty.

Paano ba kasi sasabihin ni Je kay Miko na hindi niya pa rin nakikita ang sarili niya sa UdET??

Paano ba kasi sasabihin ni Je kay Miko na hindi niya pa rin nakikita ang sarili niya sa UdET??

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.
More Than This (Wattys2019 Winner)Место, где живут истории. Откройте их для себя