15

5.6K 114 2
                                    

Chapter 15

PINAGLALARUAN ni Je ang ballpen sa ulo niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PINAGLALARUAN ni Je ang ballpen sa ulo niya. Pinipindut-pindot niya ‘yung dulo sa anit niya habang nakatitig sa isang math problem. Isang oras na yata siyang nakikipag-away sa tanong na ‘to na hindi niya pa rin makuha-kuha.

Ayaw niya ring humingi ng tulong kay Wilson dahil gusto niyang gawin mag-isa.

Narinig niyang bumukas ang pinto sa likod niya kaya lumingon siya rito. Sumilip ang papa niya at biglang humawak sa puso na parang inatake.

“Pa! Ano ba ‘yan bakit ganyan hitsura mo?”

“Aatakihin ako sa nakikita ko.”

“Papa naman, eh!”

Tumawa lang ito tapos tumayo na ng maayos para pumasok sa kwarto at halikan ang ulo niya. “Gusto mo akyatan kita ng pagkain?”

“Ano pong dala niyo?”

“Tsitsirya?”

“Bawal daw ‘yung ganun kapag nag-aaral sabi ni Wilson, Pa.”

“Nahahawaan ka na ni Wilson sa sipag niya sa pag-aaral?”

“Papa naman, eh. Lumabas na nga po kayo. ‘Yung helmet hindi ninyo na naman nahubad.”

He touched his head then laughed. Lagi na lang nalilimutan ng papa niya tanggalin ang helmet kapag galing site.

Nang lumabas ang papa niya, nakarinig naman siya ng sitsit sa bintana niya. Hindi siya nagkamali nang makita si Miko sa katapat na bintana.

“Anong kailangan mo?”

“Tambay tayo sa bubong.”

“Nag-aaral—” napatigil si Je at tiningnan ang math notebook sa lamesa kung nasaan ang nakakabasag-ulo na math problem. “Sige, punta ako diyan.”

SINAMA lang naman siya ni Miko dahil inutusan siya ng mama niya na pakainin ang mga ligaw na pusa sa bubong nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SINAMA lang naman siya ni Miko dahil inutusan siya ng mama niya na pakainin ang mga ligaw na pusa sa bubong nila.

“Sabi na ipapasa mo lang sa‘kin utos ni Tita Laura, eh.”

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now