Biglang hinawakan ni Calyx ang kamay ko habang nag lalakad papunta sa Admin ng school para mag tanong kung may nakakuha ng wallet ko. Pero wala daw nakapulot ang sabi nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pwedeng mawala yun saakin. Nandoon yung kwintas na ibinigay ng kaibigan ko. Yun nalang ang tanging ala-ala ko sakanya.

Bumalik ulit kami sa music room para hanapin doon ang wallet ko.

"Are you sure ba na dito mo nahulog yung wallet mo?" tanong ni Calyx.
"Oo! siguradong sigurado." sagot ko.
"So it means, ikaw yung sumisilip sa bintana kanina?" Tanong ni Calyx.

SHEEEET!! Nakita niya nga ako. Paano to? ISIP ATHENA! ISIP!

"A....aaaah hindi ahh. Napadaan lang ako dito kanina. May kinuha kasi ako sa locker ko. Tama! Yun nga Calyx." palusot ko.
"Pero malayo dito ang locker ng girls. So bakit dito ka dumaan?" tanong ulit ni Calyx.
"A...aaa..ahh... Bakit bawal ba dumaan dito? Hindi ba pwede na gusto ko lang mag explore sa university na to? Idol ko kasi si DORA eh."

Tinignan ako ni Calyx na parang ewan. Tapos ang sumunod nalang, bigla siyang tumawa ng malakas ng dahil sa sinabi ko. MEMA KA DIN ATHENA NOH? MEMASABI LANG! HAHAHA!

"Thats funny. HAHAHA! I like it." sabi ni Calyx.
"But I LIKE YOU MORE!" bulong ko.
"Are saying something Athena?" tanong ni Calyx.

OHHHH MMMYYYY GGHHHHAAAAD! Napalakas ata ang pagkasabi ko sa utak ko.

"Ahhhh sabi ko, I LIKE YOU...R HAIR!"

SIGE ATHENA! PALUSOT PA MORE. HAHAHAHA!

"You like my hair? Eh ang gulo gulo nga eh."
"Oo naman. Kaysa naman sa buhok ko. Para akong si LION KING!"
"LION KING? HAHAHAHAHAHA!"

Tumawa ulit si Calyx ng malakas. Hala siya? NABALIW NA? HAHAHA! But still ang cute niya parin. Dapat ba akong matuwa o mainis? Kasi di ko alam kung COMPLIMENT ba yun or INSULT? Pero okay lang basta galing sayo Calyx tatanggapin ko. MEHEL KETE EH! CHARING! HAHA!

Naupo muna kami saglit para magpahinga, nang biglang nagtanong si Calyx tungkol sa wallet ko.

"Bakit parang sobrang importante nung wallet na yun sayo? If money ang problema mo, I can  give you money if you want to." Sabi ni Calyx.
"Hindi naman pera ang problema Calyx eh. Meron kasing isang napaka importanteng bagay ang nasa loob nun eh." malungkot na sabi ko.
"Then what is it? Tell me?"
"Isang kwintas na galing sa isang kaibigan. Siya kasi ang pinakauna kong naging kaibigan, kaya ganon nalang ang pag papahalaga ko sa kwintas na yon. Thats why hindi yun pwedeng mawala saakin."

*FLASHBACK*

Way back 13 years ago. 7 years old lang ako non. May nakilala akong batang lalake sa Hospital.

Umakyat kasi ako sa puno ng mangga non para mamitas ng mga bunga. Hindi ako nag ingat, kaya ayun nahulog ako. Nabalian ako ng buto non sa braso. Itinakbo nila ako sa hospital para ipagamot ang braso ko. Umiyak ako ng umiyak non dahil sabi ng papa ko,

"Ano sabi ko sayo anak? Diba sabi ni tatay, magiingat ka palagi? At wag matigas ang ulo? Lagot ka. Hindi kana makakapag drawing niyan. At hindi mo na matutupad ang pangarap mo na maging isang sikat na artist balang araw. Gusto mo yun?" -Papa.
"Ayoko po Papa." umiiyak na sagot ko.

Maya maya pa dumating ang docktor para kausapin si papa. Umiyak lang ako ng umiyak ng biglang may lumapit saakin na batang lalake, inabutan niya ako ng panyo para pamunas sa luha ko.

"Bata, bata bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?" tanong nung bata.
"Hindi ako okay eh. Sabi kasi ng papa ko. Hindi na daw ako makakapag drawing tapos di na daw matutupad ang pangarap ko na maging sikat na artist balang araw."
"Wag kana umiyak. Sige ka papanget ka niyan." sabi nung batang lalake.
"Eh panget naman talaga ako eh. Alam ko yun. Wala nga akong kaibigan dahil sa itchura ko."
"Sabi ng mama ko. Walang panget na ginawa ang Diyos. Maganda ka, kaya tandaan mo yan. Gagaling din yan bali mo sa braso. Alam mo ba na balian din ako noon sa sobrang kulit ko. Pero gumaling din yun. Tignan mo oh diba magaling na ang braso ko diba? Kaya gagaling din yang sayo. Kaya wag kana umiyak okay?" sabi nung bata sabay punas ng  luha at sipon ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now