CHAPTER 5: SUPER HERO

Magsimula sa umpisa
                                    

["Are you sure? Remember she's still a girl bro. So please wag naman sana umabot sa sasaktan mo siya. Pahirap pwede pero saktan hindi."]

"Basta ako na bahala dun! Sige na. I have to go. Bye!"

****
*RING.. RING... RING....*

Tunog ng phone ang gumising saakin. Dali dali kong kinuha ang phone ko. Pagtingin ko nakita ko na si dad pala ang tumatawag.

"Whats the problem? Bakit ka napatawag? Para sermonan ako?"

["No son. I just want to say na umalis na ako. Ikaw nalang bahala diyan sa kapatid mo. Just text me or call me if you need something."] sabi ni dad.

"Dad? Im not a child anymore. Please let me stand on my own feet. Hindi na ako bata na pwede mong pasunurin sa lahat ng gusto mo. Kaya ko na ang sarili ko even without you." sarcastic na sagot ko.

["What did you say Kendrix? Don't forget that im still your father! So kailangan mong sundin ang lahat ng sasabihin ko hangga't nasa pamamahay kita."] galit na sabi ni Dad.

"I said, I want freedom dad! I dont even need you.. So please, Wag mo na akong pakialaman na parang concern na concern ka saamin. Lumaki ako ng wala ka sa tabi ko. Ako na nga ang nag alaga at nag palaki sa kapatid ko diba? Wala nga kayong pakialam saamin eh, kasi mas inuuna mo pa ang trabaho at pambababae mo kaysa sa sarili mong pamilya. Kaya iniwan ka ni mom diba?"

["Kendrix! Wala ka na bang natitirang kahit konting respeto saakin? Im your dad. Whether you like it or not, gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko at sa oras ng malaman ko na gumawa ka ng gulo, ibabalik kita sa lolo mo sa US. Maliwanag ba Kendrix?"] pasigaw na sabi ni dad.

"I have to go dad." Sabay baba ko ng phone.

BADTRIP! Sira na agad ang araw ko. Akala mo naman kung sinong perpektong tao. Unfortunately siya ang dad ko. Well known as the *THE #1 CONGRESSMAN IN THE PHILIPPINES*. Para sa lahat ng nakakakilala sakanya, siya ang *THE BEST*, pero sa family namin? Hindi. Palagi siyang wala sa bahay, palagi siyang busy, palagi niya nakakalimutan na meron siyang pamilya. Thats why iniwan kami ni mom at sumama sa ibang lalake. Oo, galit ako sa kanila. Okay lang naman saakin na iwan nila ako eh, wag lang ang kapatid ko. Ako na halos ang nagpalaki at nag alaga sakanya. Bata pa lang siya ng iwan kami ng mom ko kaya halos sa mga katulong at katiwala na kami lumaki. Simula non di na namin nakita ulit si mom. Yes! Lumaki ako sa isang broken family. Akala ko dati perfect na ang lahat. Perfect mom, perfect dad and perfect family.. But I was wrong. Lahat na sira yun ng dahil sa dad ko. Oo alam ko walang taong perpekto pero dapat alam niya din ang responsibility niya bilang tatay. Sa tuwing my trouble ako , palaging secretary nalang niya ang pinapadala niya para ayusin ang gulo na ginawa ko. Wala talaga siyang pakialam saakin. Minsan nga siya na yung nagdedesisyon para saakin eh. Pilit niya akong pinapakasal sa babaeng hindi ko naman kilala. Ang lungkot ng life ko noh? Iniisip ng marami, perfect ang buhay ng artista kasi ang napapansin lang nila yung mga magagandang bagay pero hindi nila alam na tao rin kami. Pero okay lang sanay na ako. Thats why nag rerebelde ako mapansin lang but still its not working.

*TOK! TOK! TOK!*

"Sino yan?"
"Kuya its me, Kaycee. Bangon kana diyan. Malalate na tayo oh."

Kung meron man akong kahinaan, si Kaycee yun. Siya nalang kasi ang meron ako hindi ko alam gagawin ko kung pati siya mawala pa saakin. Para akong si Superman, ang Creeptonite ay si Kaycee. Kahit sabihin natin na matapang ako, still mahina parin ako pagdating sa kapatid ko.

"Oo na. Babangon na."

Makalipas ang 20 minutes, Bumaba na ako para mag agahan.

"Kuya, tell me. How was your first day?" tanong ni Kaycee.
"Okay naman as usual."
"May girl ba na nakakuha ng attention mo?"
"A girl? I dont think she's a girl. Hahaha"
"What? Do you mean are you a GAY kuya?"
"Seriously Kaycee? Mukha ba akong bakla?"
"Of course not. Ang gwapo mo kaya kuya para maging gay noh."
"I know that Kaycee. What i meant to say is, she's quite different from other girls."
"Huh? I can't understand kuya."
"She's not the typical girl na maganda at sexy na gusto ko. She's a nerd but matapang."
"So you like her?"
"Hell no! She's not even my type Kaycee. Hindi ako papatol sa monster noh. Hahahha!"
"You're such a bad boy talaga kuya. But still, wag kang mag salita ng tapos kuya. Baka kainin mo yang sinasabi mo in the end. Hmmmm."
"KAYCEE STOP! Hinding hindi mangyayari yan. I dont imagine myself na magkagusto sa isang monster noh! Iniisip ko palang nasusuka na ako. Never Kaycee. NEVER!"
"Okay. If you say so kuya." sabi ni Kaycee habang nakangiti.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon