CHAPTER 4: SEATMATE

Magsimula sa umpisa
                                    

Arte naman ng babaeng to. Sarap batukan. Meron naman akong phone, sadyang ayaw ko lang talaga makasama siya sa picture noh. Baka masira pa phone ko. Pigilan niyo ako dali! Pigilan niyo ako! Nako pasalamat ka apo ka ng may ari na school. Kung hindi kanina pa kita na batukan.

"By the way, Bakit nandito ka? Dont tell me we're classmates?"
"Sa kasamaang palad, OO!" bulong ko.
"Ohhh.. Good to know na classmate pala tayo. Im so happy. By the way, Im Angel Heaven Martinez. And you are?"
"Athena! Athena Gabrielle Salvador." Sagot ko.
"Nice to meet you Athena." nakangiting sagot niya sabay abot ng kamay.

Gawa ba siya sa PLASTIC? kasi pati ngiti niya plastic. I mean buong pag katao niya pala. Nako warning girl. Wag na wag kang lalapit sa apoy, MATUTUNAW KA! Hahahaha!

"Nice to meet you din Angel."

*SHAKE HANDS*

"Chantal alcohol please. Baka may virus yung babaeng yun baka mahawaan pa ako ng kapangitan niya noh." bulong niya.
"Oo nga. Eto ohh." sabi nung alipores ni Angel sabay bigay ng alcohol sakanya.

Ang arte arte! May ganong virus ba? Kung meron nga, I swear! Siya ang unang hahawaan ko. Para mabawasan naman ang kaartehan niya sa katawan. Maya maya pa, dumating na ang professor namin. Biglang natahimik ang lahat.

"Good Morning class. Ako nga pala si Ms. Barbara Culaw and I will be your Physics teacher. Anyways, we have a transferee from abroad please intruduce yourself Ms. Salvador."

INTRODUCE YOURSELF? Bakit may ganito pa? For sure di naman nila gusto na makilala ako ehh. Ma'am wag na. Kaloka kinakabahan ako. Kalma Athena! kaya mo 'to!"

"Hi! Good morning everyone. I am Athena Gabrielle Salvador. Nice to meet you all."

Sabi ko habang nag tatawanan silang lahat. Hay parang mga ewan. Siguro pinagtatawanan nila ako ng dahil sa itchura ko. Okay lang sanay na ako noh. Di kaya ako affected. Hahaha! Pero shhhheeeet! Grabe ang kaba na raramdaman ko kanina. Hindi kasi ako sanay sa mga ganon ehh.

"Welcome to S.H University Ms. Salvador." sabi ni Ms. Culaw.

Matapos ko magpakilala, nag simula na ang class namin. Makalipas ang sampong minuto, may dumating na lalake. Nanlaki ang mata ko ng makita ko na si Dwayne my loves pala yung dumating.

"Sorry ma'am we're late."
"Its okay Mr. Mendoza. Introduce yourself."
"Hi! Ako nga pala si Dwayne Matthew Mendoza. It my pleasure to meet you all."

Grabe! Ang pogi talaga ni Dwayne my loves. SHEEEEET!! Classmate ko si crush? The man of my dreams? Grabe kininilig talaga ako. JUICECOLORED! PANTY KO NAHULOG NA! Este puso ko sasabog na ata sa kilig. Hehe

"Okay you may sitdown."

Tinignan ako ni Dwayne at ngumiti siya saakin habang papalapit saakin. OMG! I cant believe this magiging seatmate kami ng man of my dreams? JUICECOLORED! Pwede na akong kunin ni Lord sa sobrang saya ko. Napapikit ako at nag dasal. Sana tumabi saakin si Dwayne. Please? Please? Please? Pagdilat ko.. Kaloka! Bakit sa babaeng labanos na yun siya tumabi? Ayaw na ba niya saakin? Taksil ka Dwayne! Taksil ka!? Break na tayo! CHAROT! Akala mo naman naging kami noh? KEME LANG! Hahaha! Okay lang yun. Mas gugustuhin ko pa na magisa dito sa likod kaysa mabully ng mga PANGET na yan. Charing! Nag salita ang maganda. Hahaha.

Sa gitna ng pag iilusyon ko nang biglang nag kagulo ang lahat ng dahil sa sumunod na pumasok. Bakit ba sila nag kakagulo? May sunog ba?

"Hi! Im Kendrix Lee. Nice to meet you."

ANO? MAGKAKLASE KAMI NG ABNORMAL NA 'TO? Kung minamalas ka nga naman oh! Bwiset! Sa dinami dami ng pwedeng maging classmate yan pang GAGO NA YAN? Nako! Wag siyang mag tatakang lumapit saakin. Makikita niya yung hinahanap niya.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon