Kabanata 26

1.7K 100 6
                                    

Kabanata 26:
Die

"Happy Birthday, baby."

Agad akong napasinghap sa sinabi niya at halos magulat dahil ngayon ko lang din naalala na ngayon nga pala ang araw na iyon. Hindi ko na maalala dahil sa naging abala ako sa mga nakaraang araw. Muntik ko nang makalimutan kung hindi lamang ito ginawa ni Koraun ngayon.

Mas lalong nag-init ang mata ko at naiiyak na naman muli sa kanya. Mas lalong lumaki ang ngiti ko at hindi ko na mapigilan na agad tumakbo patungo kay Koraun at yakapin siya ng mahigpit. Rinig ko ang halakhak niya ng ibaon ko ang mukha sa dibdib niya at humigpit lalo ang yakap ko sa kamya.

"T-Thank you." nanginig na ang boses ko dahil sa hikbi na nagbabadya at ramdam ko ang paghaplos ni Koraun ng marahan sa buhok ko na parang sinusuklay iyon. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ramdam kong nakangiti siya ngayon dahil naririnig ko muli ang pinaka paborito kong musika, ang tibok ng puso niya.

"Hush baby, I didn't intend to make you cry."

"Kasalanan mo 'to! Pinag-aalala mo ako sa paghihintay sa'yo, tapos ito bigla! Sinong hindi maiiyak don!" pagalit kong saad pero halatang nanginginig ang tinig at narinig ko ulit ang marahan niyang halakhak.

"Hinding hindi ko papalagpasin ang araw na ito, Astrid. Naging abala ako na hindi ko na namalayan ang oras. Pasensiya na at natagalan ako. Nakagat ka na ng lamok, dapat ako lang ang kumakagat sayo e." agad akong napasinghap sa sinabi niya. Agad akong napahiwalay sa yakap at mabilis siyang hinampas sa dibdib.

Nag-init ang pisngi ko at mas lalong lumakas ang halakhak niya. Hindi ko naman mapigilang hampasin ulit siya!

"Koraun!" saway ko pero ngumisi lang din siya sa akin at hinapit ako sa bewang at muling niyakap.

"Now, you stop crying. How ever beautiful you are on shedding tears I still don't want to see you crying. I like you more when smiling, baby. Can you let me see that?" he ask and I pout. The smirk on his lips are gone now and he's smiling sincerely. Dahan dahan din naman akong ngumiti sa kanya at ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng puso ko habang nakatitig sa kanya sa ilalim ng liwanag ng buwan.

The warmth of his hand on my hair is tickling me and making me fall into sleep. Sobrang rahan noon at parang sobrang nag-iingat na maputol kahit ang isang hibla man lang ng aking buhok. Hindi ko naman maiwasang ngumiti dahil sa ginagawa niya. Ayos lang naman dahil nasa likod ko siya at hindi niya makikita ang reaksyon ko.

Napanguso ako ng maramdamang sinilip niya ako mula sa likod.

"Smiling eh?" he tease and I pinched him on his hand on my waist. Tumawa lang naman muli siya at nagbigay atensyon na ngayon sa pag-ayos ng buhok ko.

"Sanay ka bang magpusod ng buhok?" tanong ko sa kanya dahil kanina niya pa sinusuklay ang buhok ko pero hindi siya matapos tapos sa pagtali noon.

"Wala akong ideya pero susubukan ko para sayo. You're already sweating and I want to see your face clearly." sabi niya sa normal na tinig.

"You don't want my hair this long?" tanong ko habang nakatitig sa moon lamp na nasa kandungan ko. Habang nakatitig roon hindi ko mapigilan na maalala ang naging tagpo kanina. Until now I can't believe that Koraun really do that great effort to surprise me on my birthday. What he did is more than a gift already. I can't wish for more but him staying on my side only. Wala na rin naman akong kailangang bagay pa hangga't nandito siya sa tabi ko.

"Ang haba na ng buhok mo. Hanggang bewang mo na ngayon pero gusto ko ng ganoon. Every thing connected to you, I love it. How can I don't if the owner already invade my whole system. I can't even breath without taking a look at you." aniya at ramdam na ramdam ko ang epekto ng salita niya sa dumasagundong ko na namang puso. I bit my lips to suppress a smile.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon